Chapter 24

2.6K 54 30
                                    

"Kaya pala pinaalis mo na ko kahapon ah haha!"

Halos malaglag si Yela sa kinauupuan niya ng narinig niyang may nagsalita sa likuran niya. Si Aldred. Hindi niya alam kung ang presence ba nito ang nakakagulat or yung mga words niya.

"Anong sinasabi mo diyan?"

"I accidentally saw the both of you ^____^"

"Gaano katagal mo kaming nakita?"

"Matagal"

"Nakita mo lahat?"

"Yes"

Walang kagatol gatol na sinasagot ni Aldred lahat ng tanong ni Yela. Ehhhm. Walang masagot si Yela at ayaw na rin niyang magtanong baka kasi maglead sa kissing scene nila Ken ang mga sagot ni Aldred. Nakakahiya!

O////////O

Tahimik lang din na umupo sa tabi niya si Aldred. Di rin naman nagsasalita to kaya okay lang sa kanya na tumabi sa kanya to. Hindi pa rin sila nagkikita ni Ken ngayong araw na to. Late pumasok si Yela ngayon dahil ayaw niyang magkrus ang mga landas nila ni Ken. Kahit ngayong araw lang!

"Daniella..."

"Hmmm"

"Nililigawan ka ba ni Ken?"

"H...HA?!?"

"Oh bakit gulat na gulat ka diyan? So totoo nga. Bakit di mo pa sinasagot?"

"Nagjojoke lang yun. Wag kang maniwala dun."

"Feeling ko hindi. Kung halos araw araw niyang nararanasan yung nangyari sa kin kahapon, dapat nag give up na siya."

Dapat nag give up na siya. Oo, dapat matagal na. Pero hindi  rin maintindihan ni Yela kung bakit ayaw niyang lumayo eh. Matigas lang talaga siguro ang ulo nun. Ahhhh! Ewan! Ayaw niyang isipin si Ken ngayon! Malamang ganun din naman si Ken. At tsaka alam naman ni Yela na  walang seseryoso sa kanya lalo na't kadikit niya habang buhay ang mga kababalaghang dala ng kaluluwa niyang kapatid.

Pero sa totoo lang ang hirap mag concentrate...

Ang hirap alisin sa isipan ang mga ganung klaseng bagay....

Naiinvade na ni Ken ang pag iisip ni Yela.

"Let's go."

"Ha? Saan?"

"Panoorin natin yung Prince Charming mo. May practice daw sila ngayon eh"

"A..ayoko! Ikaw na lang. Di ako mahilig sa basketball!"

"Halika na!"

Hinila ni Aldred si Yela palabas ng room kaya wala rin itong nagawa. Sumama na lang din siya dito sa gym. Mukha namang wala sa itsura ni Aldred and magpapatalo eh.

______________________________________________________________________

"Its just a kiss. A kiss of asking forgiveness! Ano bang iniisip mo Ken?!?"

"I can give you one. A hot steamy kiss. No bet involved, Kenneth"

And before I knew it, she's kissing me. Cindy is kissing me. WHAT THE HELLLLLLLL?!?! Hinalikan lang ako pero asa tamang katinuan pa rin ako. Hindi ako basta basta nanghahalik ng wala sa mood at isa pa, bet? May binanggit siyang bet diba? O_______________o

"Stop it Cindy!"

"Oh, tumatanggi ka na pala sa kiss ngayon haha!"

"Im courting Yela kaya wala kang karapatang halikan ako."

"Haha! Wait! Let me correct you. You are not courting Yela. Pinagpupustahan niyo lang siya."

"What the hell are you talking about?"

"What a liar hahaha! Suit yourself, Kenneth. But I know you are not serious with her."

Anak ng tinapa! Sabi ko na may alam tong lintang to eh. Ang hindi ko lang alam kung hanggang saan. Di pa ko tapos sa pagmumuni muni ko ng bigla na naman niya kong hinigit at hinalikan. Adik ba tong babaeng to sa halik ko? -____-++

Sa gitna ng tulakan ay muntik na kong maubo sa pagmumuka niya kaya napahiwalay siya sa kin. Pag minamalas ka nga naman oh! =_________________=  Eto kasing babaeng to, makati! Hindi ko alam kung nambabanta o nang aakit eh. Pero wag muna yang si Cindy ang isipin mo, Ken. May problema kang dapat ayusin. At ayun na siya natakbo palabas!

"Yela! Huyyy Teka lang!"

"Pabayaan mo muna siya pare"

Si kuko nagsalita pero di ko rin pinansin. Wala akong balak makipagtalo sa kanya dahil mag eexplain pa ko kay Yela. Bakit ba nahuli pa sa kalokohang hindi ko naman pasimuno? Tumakbo ako para mahabol si Yela na parang nalipad na ngayon sa paglakad -__________-++

"Yela! Mali lahat ng nakita mo!"

"Pakialam ko sa mga ginagawa mo? Wala akong pakialam kahit kanino ka pa makipaghalikan"

"Bakit ka galit?"

"Hindi ako galit. Nandidiri ako sa palitan niyo ng laway nung babaeng yun. Mag toothbrush ka maigi ah hangggang sa tonsils mo. Malay natin baka sobrang haba ng dila nung babaeng yun at umabot pa ata sa esophagus mo!"

"Yela naman! Hinalikan niya ko pero hindi ko gusto. Wag ka namang magalit! Ano bang gusto mong gawin ko para di ka na magalit?"

"Magmumog ka ng chlorox baka magka AIDS ka nyan due to over kissing"

Sa nakikita ko ngayon parang hindi si Yela ang kausap ko. Kahit alam kong galit siya, hindi ko maiwasang mapangiti. Siguro siya hindi aware sa nangyayari sa sarili niya pero ako kitang kita ko ang pamumula ng mukha niya. Ang cute niya hahahaha!

"Im serious. Bakit ka ngumingiti ngiti diyan?"

"You're not serious, baby. YOU.ARE.JEALOUS!"

"Jealous? Selos? Cut the crap! Hindi ako nagseselos!!!"

"Kaya pala namumula ka diyan!"

Nanginginig sa inis si Yela. Halatang nagseselos siya. My heart is melting and laughing by just looking at her. Para siyang batang ayaw kumain ng gulay. I think Im starting to like this girl.

O_____O

Erase!

Im starting to love this game, indeed. Hinding hindi ko magugustuhan yang babaeng yan. -______-++ Though ang sarap niya talagang asarin >:))

"Pakiss naman Yela!'

"Manyak! Doon ka sa babaeng kahalikan mo kanina!"

"Hahaha! You are so cute baby. Chill! Gusto lang kitang pangitiin eh. Sorry na kung nagselos ka kanina'

"HINDI NGA KO NAGSESELOS EH!!!"

Those were her last words before she flew in far away place. Mata ko na lang ang nakasunod sa kanya. At kahit na nilayasan niya ko, natutuwa pa rin ako. Yela Uy. My Eerie Girl, are you starting to fall for me? *smirks*

____________________________________________________________________

Author's Note:

Falalalalalala XD

My Eerie GirlDonde viven las historias. Descúbrelo ahora