Chapter 32

1.9K 40 14
                                    

"Panalo ka na."

Tumutulo ang luha ni Yela habang nakatingin sa kin. Nakatingin din ako sa kanya pero di ko alam kung papatahanain ko ba siya, aaluhin ko ba, magtatanga tangahan sa sinabi niya kahit alam ko naman yung tinutukoy niya or diretso deny nalang kahit halatang pag amin na yun.


"Yela..."

Hindi ako makapagsalita. Diba dapat nagbubunyi ako? Diba dapat nagtatalon na ko sa tuwa dahil sa wakas natapos ko din tong akala kong walang katapusan na bet to. Diba dapat masaya ako ngayon dahil mapapasakin lahat ng kotse ng kaibigan ko? Pero bakit ganito? Parang ang bigat sa pakiramdam?

Nakatingin sa kin si Yela na para bang may hinahanap na sagot. Na para bang gusto niyang mag explain ako. Na para bang kahit alam niyang niloloko ko siya, parang gusto niyang aminin ko sa kanya na niloloko ko nga lang siya. At mamatay na ko kakaisip at nakabukas lang yung bibig ko pero wala akong masabi. Alam ko naman na una pa lang masasaktan na siya, pero iba pala pag nakita mo na ng live.



"Oh now finally! Akala ko di na mangyayari to. Finally natauhan na rin tong ilusyunadang babaeng to! Hahahaha!"

Napuno ng tawanan ang buong hallway. Ni hindi ko namalayan na nandun si Cindy sa tabi ni Yela at para bang inuudyok niya pang tumawa ang mga school mates namin. Nakayuko si Yela at alam kong sa kahihiyan yun at eto ako nakasemento pa rin at parang di madigest lahat ng nangyayari.


"Look everyone! Here in front of us is the creepiest girl I've ever seen in my entire life at nag iilusyon na magkakagusto sa kanya ang ating prince, Ken Mendoza. Kung di ba naman makapal ang mukha nitong loka lokang to. At ngayon, siguro naman girl, natauhan ka na. Hiindi magkakagusto sayo si Ken. Isa ka lang challenging target ng grupo nila. Kaya  wake up na! Feeling mo asa dream land ka pa ata. Welcome to your worst night mare, Yela Uy."

Sa wakas nakagalaw na rin ako at hinila ko si Yela sa tabi ko baka sakaling maprotektahan ko siya sa lahat ng nararamdaman niya ngayon  pero tinabig niya lang yung kamay ko. Sa sandaling yun, I swear nakaramdam ako ng coldness. Not in a creepy way. Pero nag uumapaw ang guilt and regrets na bumalot sa kin. Susundan ko sana siya pero hinila ako ni Aldred.

"Leave her alone first, Ken."



"Stay out of this. I need to explain to her."

"Whatever is left to explain, hindi magbabago ang katotohanan na simula pa lang binalak niyo siyang paglaruan at lokohin."

Natahimik na lang ako sa mga sinabi niya. Wag daw muna ngayon. Eh kelan pa?!? Totoo naman ang mga sinabi niya pero pano kung on the process hindi naman pala to ang gusto kong mangyari? Dahil kung ito nga ang binalak nung una pa man bakit ako nasasaktan? Guilt lang ba to? Eh bakit ngayon lang ako tinubuan ng konsensya? Matagal na ba kong in denial sa katotohanang sumasampal sa kin? Pinipilit ko nga bang bet lang to all along? Arrgh! Ang gulo! At di ko alam kung ano at kung tama ba tong nararamdaman ko.

My Eerie GirlWhere stories live. Discover now