Chapter 45

1.5K 37 8
                                    

Chapter 45

Halos mabingi ako sa sarili kong sigaw kanina. Isa isa at mabilis na tumakbo papalapit sa amin ang mga tao sa loob ng kabahayan nila Ken. Hindi magkandaugaga ang lahat kung ano ang uunahing gawin. Kabila’t kanan din ang tanong nila sa akin pero hindi ako makapagsalita dahil nanginginig ang mga labi ko at walang tigil ang pag agos ng luha ko.

Nasa tabi ako ni Ken na duguan sa mga oras na to. Hindi ko alam kung saan ba nanggagaling ang mga dugo. Ayoko na naman siya galawin dahil baka lalong lumala ang sitwasyon niya. Hawak hawak ko ang mga kamay niya. Nararamdaman ko pa ang mga pulso niya at init ng balat niya.

Buhay pa siya at yun ang kasalukuyang pinanghahawakan ko.

“Senyora andito na po ang ambulansya!” sigaw ng kasamabahay nila Ken tsaka nagsidatingan ang mga staff ng hospital. Nilagay nila sa stretcher si Ken. Sumama kami sa kanya ni Lola sa loob ng ambulansya.  Hindi matigil si Lola sa pag iyak sa tabi ni Ken kaya niyakap ko siya. Hindi ko na tuloy alam kung anong mararamdaman ko.

Pagkadating namin sa sopital ay dineretso siya agad ng emergency room. Ilang beses nagfluctuate ang heartbeat niya at noong naging stable na ay halos mahimatay si Lola.

“Senyora Isabel, kailangan pong operahan ang apo niyo. Kailangang ayusin ang mga nabaling buto sa dibdib niya at makasigurado na walang problema sa kanyang ulo.” Tumango tango si Lola at di na makapagsalita.

Yung isang Uncle na lang ni Ken ang nag asikaso ng lahat ng kailangang pirmahan bago idiretso si Ken sa loob ng operating room. Kaming dalawa ni Lola at yung dalawang pinsan ni Ken na kasalukuyang tulog sa upuan sa tabi namin ang nag aantay ng resulta.

Hawak hawak ni Lola ang kanyang rosary at patuloy na nagdadasal habang naiyak. “Naulit na naman. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang mangyari ito ulit sa apo ko.” Halos mabasag ang puso ko sa nangangatog at nanghihinang boses ni Lola.

Ganung ganun daw ang nangyari kay Ken dati. Nahulog din sa hagdanan na yun at nacomatose. Binalak pa nga daw nilang ipatanggal ang hagdan na yun pero ayaw ni Ken. Masyado daw maraming alaala ang parte ng garden na yun. Ilang beses pa napamura si Lola sa katigasan ng ulo ni Ken kaya ayan tuloy naaksidente na naman.

“Wag kang aalis sa tabi niya ha. Alam kong mabubuhay pa ang apo kasi may babalikan siya. Sana di ka mapagod na antayin siy. Permanecer, Daniella” Tumango ako kay Lola.

Bumalik sa kin ang mga alaala namin ni Ken. Ang mga di matapos na away, paghihintay at sakitan. Di ko maisip kung bakit masaya ako tuwing naalala ko yun. Siguro nga sa pagkakataong ito, ako naman ang dapat na maghintay---kahit pa malabo, kahit pa magulo,  kahit walang kasiguraduhan.

Nagpaalam ako kay Lola at pumuntang vending machine para ibili si Lola ng kape. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang mga nakita ko. Noong nasa itaas na baitang si Ken, nakita ko sa Angela na nakaupo doon. Nakatingala siya kay Ken pero hindi siya napansin nito dahil yumuko ito para kuhanin ang kwintas ko. Nagulat na lang ako ng biglang bumagsak si Ken sa kinatatayuan ko. Nakita ko kung paano siya nahulog at gumulong ng hagdan habang hawak hawak ang kwintas kong kumikinang.

Si Angela ay nakatayo lang sa taas, hawak hawak ang kwintas niya habang lumuluhang nakatingin kay Ken. Noong nakahiga na sa baba si Ken ay hinawakan ni Angela ang kamay niya. Agad ko ring hinawakan ang kamay ni Ken. Natatakot ako sa maaring gawin ni Angela.

“Ate, hindi pwede. Wag siya.” At lalong umagos ang mga luha sa mukha ni Angela bago tuluyang naglaho.

Nakatulala ako sa vending machine at biglang humangin ng  malakas kahit pa nasa loob kami ng hospital at walang pwedeng daanan ang ganung kalakas na hangin. Napatingin ako sa likuran ko at nakita ko si Ken at tuluyan akong napaupo sa sahig.

Nakangiti siya sa kin bago siya lumuhod sa harapan ko. Tumatagos ang tingin ko sa kanya. Naging sunod sunod na ang tanong ko sa isipan ko. Hinawakan ko ang mga pisngi niya pero hindi ko siya maramdaman. Kahit ang mga kamay ko ay tumatagos sa mga pisngi niya. Umiiling iling ako, umaasa na nananaginip lang ako at walang masamang mangyayari.Pero andoon pa rin siya.

Nakatitig siya sa akin at hawak hawak niya ang kwintas ko. “I think.... I can’t stay anymore.” Nalagag ang kamay kong nakahawak sa pisngi niya. Malungkot lang siyang nakatingin sa akin at pakiramdam ko mawawalan ako ng malay. Wala akong magawa.

Ano pang kwenta na nakakakita ka ng mga bagay na hindi nakikita ng iba kung hindi mo rin naman kayang isalba?

Hinawakan niya ang mga pisngi ko at hinalikan ako sa noo. Tumayo si Ken  at naglakad papalayo sa akin. Ni hindi siya lumingon tulad ng lagi niyang ginagawa. Ni hindi ko narinig ang muling pagtawag niya sa pangalan ko.

Papalayo ng papalayo hanggang sa hindi ko na siya nakita.

“Yela...” isang bulong ang narinig ko dahilan para bumalik ako mula sa pagkakatuliro.

Nakita ko si Angela na nakatayo sa harapan ko. Napatayo rin ako. Hindi ko maiwasang magalit. Alam kong siya ang dahilan kung bakit nangyari ang lahat ng to. At ang malala, kahit kelan hindi niya sinabi ang dahilan. Hinawakan niya ang kwintas na nasa leeg niya. Malungkot ang kanyang mga mata at hindi ko yun maiantindihan. Itinaas niya ang kanyang mga kamay at itinuro ang pinanggalingan ko kanina.

“Kenneth...” malumanay niyang sabi. Tumakbo ako papunta sa tinuro niyang lugar. Nakita ko si Lola Isabel na umiiyak sa may pintuan ng isang kwarto.

“Lola! Ano pong nangyari?”Humahangos na takbo ko papunta sa Lola ni Ken. Mag iisang oras na raw pala ng nilipat si Ken sa isang private room pagkatapos nitong maoperahan pero bigla na lang nagfluctuate ang heartbeat nito at biglang nagseizure. Ganun ba ko katagal nawala?

Andaming machines ang nakakabit kay Ken. Hindi ko alam kung buhay pa ba siya o binubuhay na lang mga aparatong yun. Nakatayo si Angela sa gilid niya at parang tinatawag ako. Pinilit kong ihakbang ang mga paa ko----papalapit sa mga nagkakagulong doctor, papalapit kay Ken na hindi ko na alam ang nangyayari.

Hinawakan ko ng mahigpit ang mga kamay niya. “Ken, bumalik ka na!”

Isiniksik ko pa ang mukha ko sa mga kamay niya. Unti unting tumigil ang seizure niya. Ayokong bumangon mula sa pagkakayuko ko. Hindi nagsasalita ang mga doctor. Hindi ko alam kung mabuti o masamang balita pa ba ang nanagyayari.

Umiyak ng malakas si Lola Isabel.

“Stable na po ang apo niyo, Donya Isabel. Bumalik  na po sa normal ang heartbeat niya. Kailangan lang po natin maghintay ng 24 hours to check his other complications, kung meron man.”Niyakap ako ni Lola mula sa likuran ko at parehas kaming naiyak. Niyakap ko na rin si Lola dahil hindi nagkatotoo ang mga nakita ko kanina

Nandoon pa rin si Angela sa gilid ni Ken at nakangiti habang hawak hawak ang kwintas niya. Hinawakan nito ang ulo ni Ken bago tuluyang naglaho.

My Eerie GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon