Chapter 44

1.7K 32 5
                                    

Chapter 44

Mga 6 PM ko na sinundo si Yela. Ayoko kasi siyang pag antayin ng matagal sa bahay at isa pa baka maipit lang siya sa kwentuhan naming magkakamag anak. Alam ko di siya sanay sa maraming tao at ayokong mapahiya siya tulad noong nangyari sa Prom.Tsaka kakaiba ang topak ni Yela baka mamaya bigla na lang umalis yun!

Naabutan ko siyang nakaupo doon sa may swing ng bakuran nila. Katulad ng sabi ko, nakadress siya ng blue at magkashade pa kami. Pagka meant to be talaga oh! Nakaflat shoes siya na silver at nakaheadband na puti. Walang ibang alahas kundi yung kwintas niyang suot suot lagi.  Natatakpan pa rin ng bangs ang mukha niya pero di na tulad dati na umaabot na ng mata.

“Ang ganda mo Miss baka maligawan ka pagpunta nating bahay ah!” Agad namang napatingin si Yela sa kin pero poker face lang. Di man lang ba kinilig tong babaeng to?

“Ang tagal mo naman! Inaantok na ko dito eh!” Napangiti naman ako sa sinabi niya. Atleast ngayon alam ko na,na hindi na masyadong nakakaasiwa ang presence ko sa kanya.

Tandang tanda ko pa noong mga panahong halos ipagtulakan niya yung pagmumukha ko eh. Pinagbuksan ko siya ng kotse tsaka nagdrive papuntang bahay. Mukang pinaghandaan niya ang araw na to. Unti unti ng nagbabago si Yela. Dati lang di ko makausap, ngayon kahit bangayan at away pinapatulan na ako eh.

“Huy, nababaliw ka na ba? Bakit natawa tawa ka dyan?” Hindi ko pinansin ang komento niya. Busy ako sa sarili kong panaginip. Hindi naman sobrang layo ng bahay ni Lola sa subdivision na tinitirahan namin ni Yela kaya maya maya eh pinark ko na ang sasakyan.

Maingay na. Mukhang nakarating na ang iba naming kamag-anak.

Hinila ko pa si Yela para lang maglakad siya. Akala mo first time sa bahay ni Lola. Pinagkaguluhan agad kami ng mga pinsan ko. Sa itsura pa lang nila alam kong alam na nila ang tungkol kay Yela at malamang nakwento na ni Lola. Nakatingin lang tong si Yela at parang na El Nido ata ang lalamunan dahil puro tango at ngiti lang ang binibigay niya sa mga pinsan ko.

“Kenneth, is she mute? Sorry hindi nabanggit ni Lola eh.” Bulong ni Ate Shanna sabay inom ng champagne niya.

“Haha no Ate. Mahiyain lang talaga tong si Yela.” Natatawang tumango lang si Ate.

“Wow, I love your dress. Dapat tinaas mo yung hair mo para mas matangkad kang tingnan lalo’t nakaflats ka.”Napansin agad ng pinsan kong si Denise na addict sa fashion ang suot ni Yela. Bata pa lang kami dakila na siyang fashion critic kaya di pwede ang mukang taong grasa sa kanya. “Oh my! I love your necklace! San mo nakuha yan?”

Napatingin kaming lahat sa pinagdiskitahang necklace ni Denise.

“Bigay po ng Ate ko.” Sabay ngiti ni Yela habang hawak hawak ang pendant ng kwintas niya.

“Ireto mo naman ako sa Ate mo. Im sure she’s pretty like you.” Nakinikinita ko si Greg sa gilid na nainom ng wine. Pinsan kong menor de edad pa pero kung makaasta akala mo kaya ng bumuhay ng pamilya. Babaero at dakilang kiss and tell ang kumag.

Hinila ko sa may likuran ko si Yela. “Back off, Greg. Not my girl.” Tinaas lang niya ang mga kamay niya na parang sinasabing surrender na siya. “Kain ka na nga dun! Sabi ko na maliligawan ka dito eh!” Hinila ko siya sa dining at kumain kasama sina Lola at iba pa naming kamag anak habang ang iba ay nagpapakasasa sa champagne at wine.

Pagkatapos naming kumain ay pinipilit pilit pa kami ni Lola na sumayaw. Tsk! Not in this lifetime. Buti sana kung simpleng waltz lang kaya lang sumasayaw sila Lola ng mga sayaw ni Willie Revillame. Yung mga di matapos na kanta sa palabas niya dati, nako yun ang pinagdidiskitahan ng mga matatanda.

Hinila ko na lang paalis si Yela. Away from everyone.“Come. May papakita ako sayo.” Bumitiw naman si Yela at nanlaki ang mga mata niya. Natawa ako sa expression niya. Akala ko ako lang ang dakilang manyak sa istoryang to. “Dirty Minded! Hindi ka mararape dito, well maliban na lang kung tatabi ka kay Greg.” Sabay tingin naming kay Greg na ngayon ay pinagdidiskitahan ang caterer na kinuha ni Lola. Tsk. Walking Aids.

Pumunta kami sa likod bahay at dinala ko siya sa may elevated part nito kung saan makikita ang napakabusyng city. Binili talaga nila Lola ang bahay na to dati kasi mukha daw nasa probinsya lalo na pag gusto mong magmuni muni dito sa likuran. May 8 stairs to na hinulma mismo gamit ang lupa at may maliit na pond sa gilid. Meron ding maliit na hanging bridge kung gusto mong maglaro sa playground na pinasadya nila Lola noong mga bata pa kami ng mga pinsan ko.

Umupo ako sa pinakamataas na stairs. Tumabi rin sa kin si Yela. “Madalas kami dito lalo noong mga bata kami. Kami nga nakaluma dyan sa playground eh. Yun lang wala ng nagamit niyan ngayon.” Tahimik lang na nankikinig si Yela sa akin at binubunot bunot yung dama sa gilid ng hagdan.

“Halos kay Lola ako lumaki. Madalas kasi nasa ibang bansa ang parents ko for business. Hindi naman masama ang loob ko dun, masaya naman ang childhood ko eh.” Tinitigan niya lang ako. “Naaksidente ako noong 12 years old ako. Naglalaro kami ng mga pinsan ko dito ng bigla akong mahulog dito. Sabi nila nacommatose ako at may kung ano ano pang complications.Sabi ni Lola, milagro daw talaga noong huminga ako.” Nakatingin pa rin sa kin si Yela. “Huy buhay pa naman ako at normal at masayang lumaki. Lalo pang naging gwapo. Sana nga ganun din yung nangyari sayo. Yang kapatid mo kasi.”

“Mabait naman si Angela.” Halos mapatid ang litid ko sa leeg sa sobrang pagtatanong ng sinabi niyang mabait ang ate niya. Sa sobrang bait halos patayin niya ko sa takot lagi ah. “Mabait si Angela, Ken. Lagi niya kaming inaalagaan at pinagtatanggol ng kapatid kong si Chloe. Inisip ko din kung bakit ba ganito yung nangyari. Tuwing ginugulo niya ko at tinatanong ko siya, bigla na lang siyang nawawala. Siguro nga hindi pa siya handang mamatay. Naisip ko, siguro nga kasalanan ko. Lagi niya kaming pinagbibigyan pero bandang huli, hindi ko pa rin siya napaboran.” Binabasa ko lang ang mga expression ni Yela.

Tahimik lang ako habang inaalala niya kung gaano ba kabait ang Ate niya. Siguro nga nagalit ito noong hindi siya nailigtas. Pero kung mahal niya ang kapatid niya, bakit niya kailangang manghingi ng pambayad sa mga nagyari? Para sa akin, kung hindi meant to be mangyari, hindi mangyayari. At noong araw na yun meant to be na talagang mamatay si Angela.

Tinanggal ni Yela yung kwintas niya. Kuminang pa nga ang mata nung ibon dahil tumatama ang liwanag ng buwan dito. “Bigay ng Mommy ko kay Angela to. Originally ibon na may letter sa tuka ang pendant nito. Pinaghiwalay ni Angela to tapos binigay niya sa kin itong ibon. Ang meaning daw kasi ng pangalan kong Daniella ay God’s Judgement kaya daw symbol ko daw tong ibon, sa kanya yung letter kasi ang meaning daw ng name niya Messenger of God.”

Malungkot ulit ang expression ni Yela. Nakita ko kung gaano talaga kalaki ang parte ng kapatid niya sa buhay niya kahit pa sabihin na wala na to ngayon. Napabuntong hininga naman ako sa kakaisip. Siguro katulad ni Yela, mahirap isipin ang dahilan ng mga bagay bagay sa mundo.

Madalas talaga ang wala kayang ibigay na explanation sa bawat tanong natin ang mundo.

“Tara sa playground!” Hinila ko si Yela pababa ng stairs. Nagpatianod naman siya sa kin pababa.

 Siguro nga walang explanation, walang sagot pero may pagtanggap naman.

“Uy teka Ken, nalaglag yung kwintas ko sa taas eh. To kasi nagmamadali.”  Bumitiw siya sa kin para balikan yung kwintas niya.

Inunahan ko siya sa pagtakbo.“Ako na tss! Antayin mo ko dyan Yela.” Nasa itaas na hagdan yung kwintas niya. Nakita ko kaagad dahil nangningning na naman yung mata nung ibon.

“KEN!!!!!!”

Dumilim ang paligid at tanging sigaw ni Yela ang huling narinig ko.

My Eerie GirlWhere stories live. Discover now