Chapter 9

3.4K 61 11
                                    

Pagkatapos naming magtakutan ni Eerie Girl sa condo ko, nakita ko na lang ang sarili ko na nasunod sa kanya. Ano ba yan! Ako naman kasi si tanga sunod sunod pa. Badtrip na yan -______________-++


"Oy Yela...malayo pa ba tayo?"

 



"Hindi ko alam"

 



"Ano? Anong hindi mo alam? Dapat pala dinala na lang natin yung kotse ko eh"

 



"Pwede naman kasing di ka sumama eh. Wala namang gagawin sa pupuntahan ko. Kaya tumahimik ka na lang diyan. Please lang."



Oo nga pwede naman akong di sumama pero sumama pa rin ako. Kasi naman di niya rin sinasabi kung saan siya pupunta mamaya hanapin pa siya ng parents niya sa kin. Hoy baka iniisip niyo na concern ako ah... ayoko lang mapagbintangan na kidnapper. Baka mamaya sumugod na lang yang pamilya ng Eerie na yan at ialay ako sa dilim o kaya naman kunin yung puso, atay at mga laman loob ko. Mahirap na!



"Andito na tayo"

 

 


"Ho..hoy! Anong ginagawa natin dito? Bangin to eh"


Tumingan lang siya sa kin. Yung mga tingin niya nakakasindak. Parang tumatagos. Nagtanong lang naman ako kugn bakit kami nasa bangin eh. Teka nga... dito niya ba ko balak patayin? O__o

 


"Baba na"

 



"Ha? Anong gagawin natin diyan?"

 



"Ano bang ginagawa ng mga tao sa bangin?"

 

 


"Nagpapakamatay? Naghuhulog ng mga bangkay? Ano pa ba?"

My Eerie GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon