Chapter 43

1.7K 32 2
                                    

Chapter 43

Pagkatapos ng Prom, bumilis masyado ang araw. Naglipana ang sandamakmak na mga exams at applications sa iba’t ibang university. Kung saan nag eexam si Yela, doon din ako nag eexam. Syempre, para saan pa yung pagod kong kakasuyo sa kanya kung hindi rin naman kami magkakasama. At isa pa hindi pa nagiging official na kami---yung totoong kami. Hindi ko alam kung pinapahirapan ako ni Yela. Mas mahirap pa pala suyuin ang babaeng may gusto sayo at biglang nagalit kaysa sa babaeng wala talagang pagtingin sa yo.

Hindi rin siya masyadong naglalapit sa kin ngayon. Sa pagkakatanda ko naman maayos kaming naghiwalay noong Prom at di kami nag away ng mga kasunod na araw. Pero hayagan niya kong iniiwasan and Im so frustrated.  Lahat ng conversation attempts ko, pinapatay niya. Pag tinetext ko siya, di siya nagrereply. At lagi pa siyang nagkukunwaring wala siya sa loob ng bahay nila kahit kitang kita ko ang anino niya sa may kurtina ng kwarto nila.

“Okay class, dont forget yung form niyo on Monday. Ipapasign na natin sa Principal. Okay? You may go. Diretso uwi na.” Tumatawang sabi ng Adviser namin. Nagsigawan pa sa loob dahil tapos na ang exams at kitang kita ko kung paano magkumahog si Yela sa pagliligpit ng gamit niya at pagmamadaling umalis ng room.

Tatakas na naman at alam kong ako ang tinatakasan niya.

“Hoy Yela! Hoyyyyyy!” Naabutan ko siya sa gate ng school at halatang nagulat siya ng nakitang hinahabol ko siya.

“U-uy Ken. Nagmamadali ka ata? Ako kasi oo, magkikita kami ng....ng Mommy ko. Oo hehe..” Sinungaling. Halatang halatang nagsisinungaling tss.

“Diba nasa ibang bansa yung mga magulang mo? Dumating na?” Nanlaki ang mga singkit niyang mata. Mukang nakalimutan niyang nasa ibang lugar ang mga magulang niya. Gusto kong matawa sa reaksyon niya.

“Oo..o hmm kagabi pa.” Lalong bumilis ang lakad niya. Di ako nagtaka na halos nasa kanto na kami ng subdivision. Hindi kita pakakawalan, sinungaling ka!

“Weh? Bakit hindi sila nagsstay sa bahay niyo? Alangan nag hotel pa sila eh may bahay naman kayo diba? Sumilip ako kanina sa bintana niyo, wala namang tao!” Lalong nagkadautal utal si Yela sa pagsisinungaling. Halos matumba rin siya dahil hindi niya na tinitingnan ang dinadaanan niya. “So tell me, bakit mo ko iniiwasan?”

Napahinto kami sa paglalakad. Tatakas na naman sana siya pero pinigilan ko siya agad. Kahit itanggi pa niya, alam kong iniiwasan niya ko.

“Hin---hindi ah! Haha bakit naman kita iiwasan? Ano..busy lang talaga ako ngayon...” Lie. Lie some more. Ako ngang nakikipagbarkada at nalabas ng buhay hindi naman busy, siya pa kayang buong araw lang na nagkukulong sa bahay.

“Talaga? Kung ganun-------------”

BEEEEEEEEEEEEEEEP!

May isang kotseng bumusina sa amin kahit wala naman kami sa gitna ng daan. May lumabas na matandang babae sa kotse. Nakared dress siya na below the knee at nakasapatos na may kaunting heels. Meron din itong suot na putting straw hat at pamaypay. Inayos niya ang salamin niya habang nakatingin sa aming dalawa ni Yela---- si Yela na walang ideya at ako ng kilalang kilala kung sino ito nakapormang matanda na nasa harapan namin.

“Kenneth, hinaharass   mo ba ang dalagang yan? Akala ko pa naman nagiging mabuting estudyante ka, yun pala criminal ka na!” Lumapit siya sa amin at hinampas hampas ako ng pamaypay niya. Arrrggh!

“Aray Lola! Anong harass aw! ang sinasabi mo dyan?! Girlfriend ko to aw! Aw! La, tama na!” Sinasalag ko ang mga hampas ni Lola at si Yela naman hinihila si Lola. Bakit ba ganito ang mga babae? Kung hindi magulo, mga bayolente!

Piningot ako ni Lola at hinila papasok sa kotse. Akala ko natanggal na yung tenga ko. Pinagmumura pa niya ko ng hindi ko maintindihan na mga salita dahil nageesapanyol si Lola.

“Lola, teka lang si Yela.” Agad niya namang binitawan ang tenga ko at pinuntahan si Yela.

“Oo nga pala. Hija, halika ka na.” Pinilit tumanggi ni Yela pero wala rin siyang nagawa ng nakangiti siyang hinila papasok ng kotse.

Parehas tuloy kami ng kapalaran ni Yela. Walang nagsasalita sa aming dalawa at nakatingin si Lola sa amin habang nangingiti. Pilit din niyang pinagkwekwento si Yela tungkol sa sarili niya. Iniisip ko tuloy kung ikwekwento ni Yela ang tungkol sa mga multo at sa kapatid niyang may sapak malamang hinimatay na si Lola.

Nalaman kong binalak pala akong puntahan ni Lola sa bahay kanina pero nakita niya ko sa daan at nakikipagtalo kay Yela. Dinala niya tuloy kami sa bahay niya at kahit na di komportable si Yela, masaya ako. Nakikita ko kasi kay Lola na gusto niya si Yela at wala ng tututol doon.

“Alam mo ba Daniella, noong 12 years old tong si Kenneth, naaksidente to. Me siento mal! Muntik na siyang mamatay buti nabuhay pa. Es muy joven. Buti nga pinayagan ng anak ko at manugang ko na manirahan tong mag isa eh.” Gulat na gulat ang pag mumukha ni Yela.

Di ko naman kasi kwinekwento yun. Para sa akin tapos na yun at buhay ako kaya hindi na siguro dapat pag usapan yun. Nagkwento kwento pa si Lola na mga nakakahiyang bagay tungkol sa akin at si Yela tawa ng tawa at para bang nag iipon ng mga bagay na pwedeng ipang blackmail sa akin in the future.

“A proposito Hija, gusto nga pala kita imbitahan sa wedding anniversary namin ng aking esposo sa linggo ng gabi. Wala naman ng pasok at isang simpleng dinner lang yun.” Tumataas taas pa ang kilay ni Lola.

“La, patay na si Lolo. Ano bang wedding anniversary ang pinagsasabi mo dyan?” Pinalo na naman ako ng pamaypay ni Lola.

Lagi naman talaga nagcecelebrate ng wedding anniversary sila Lolo at Lola. Kahit pa noong namatay na si Lolo. Ang laging sinasabi ni Lola, sure daw na nagcecelebrate din daw si Lolo sa langit. Ang mga matatanda kung ano anong naiisip. Akala ko nakarating na rin ng langit si Lola pag sinasabi yun.

Napansin ko ding tuwing pinapalo o binabara ako ni Lola at tumatawa si Yela. Nasasakyan niya ang trip ni Lola at naiintindihan niya pa ang pag eespanyol ni Lola kesa sa akin. Natutunan daw niya iyon sa matandang multo na tinulungan niya dati. Ang bilis na napapayag ni Yela kaya tuwang tuwa si Lola. Wala ng araw ng nagpaalam na si Yela kay Lola. Ihahatid ko na sana siya kaya lang nagrequest si Lola na dito muna ako magstay hanggang sa araw ng party sa linggo.

“Hoy Yela, susunduin kita sa linggo. Mag dress kang blue kasi nakablue din ako. At wag kang magkakamaling tumakas!” inismiran lang ako ni Yela tsaka nakangiting nagpaalam kay Lola.

“I love that girl, Kenneth. Kitang kita na mabait siyang bata. Nakapagtataka kung paano mo nauto si Daniella.”

Nagpapaypay si Lola sa gilid kahit di naman mainit habang nakatingin kaming dalawa sa papalayong kotse namin na maghahatid ka Yela. Alam kong nakangiti si Lola ngayon pero mas malaki ang ngiti ko. Dahil wala ng balakid, wala ng bet, wala ng mga epal.

Pakiramdam ko magiging okay na lahat di tulad ng dati.

“Pero di ko talaga gusto ng aura ng kasama niya. De nada.” Napatingin ako kay Lola pero tinalikuran niya lang din ako at pumasok na ng bahay.

Kasama ni Yela? Ako ba yun? Pero paborito akong apo ni Lola kaya impossibleng di niya ko magustuhan.

My Eerie GirlWhere stories live. Discover now