Chapter 27

2.4K 51 26
                                    

Ang katawan natin ay ipinahiram lang kaya dapat lang ishare sa kung sino man ang nangangailangan at nang aasam. Pero sa panahon ngayon ako ang nangangailangan kaya sana lang huwag ng pumalag etong Eerie Girl na to. Wag siyang kumontra kahit one time lang!

Nakatingin lang kami sa isa't isa. Kung tutuusin naman maganda siya. At kahit balot na balot siya sa suot niya, feeling ko inaakit niya ko kaya wala ng atrasan to! >:)

"H..hoy! Wag mong mailapit lapit yang mukha mo ah! Susuntukin kita!"

"Paano mo naman gagawin yun eh hawak ko tong kamay mo. Sabi ko kasi sayo kanina french kiss lang eh yan tuloy lalo akong nainitan!"

"Ako pa ngayon sinisisi mo sa kamanyakan mo sa katawan ah! Alis diyan!"

"Hindi pwede! Nag aactivate na yung hormones ko oh!"

Nagblublush siyang iniwas yung tingin niya. Kada galaw niya lalo tuloy akong di mapakali tapos naka topless pa ko. Ang hot ko na nga, nasa mainit pa kong sitwasyon!

Maya maya tumigil na siya sa pagsasalita at pagpupumiglas. EHHHHHHH! Gusto na rin niya?!? So walang ng atrasan to!!!

"Promise magugustuhan mo din to Yela"

"Ken..."

"What?"

"From rate 1 to higad, gaano ka kakati?!?"

"HA?"

BOOOOGSSSSH!

Ang kawawa kong katawan nalalag sa sahig dahil sa sorang lakas ng pagtulak at pagsipa niya sakin. Sa sobrang excite ko kasi eh nanghina ako lalo na nung tinawag niya ang pangalan ko. Anak ng tinapa, andyan na oohhhhhh!

"Hindi ka na nakakatuwa Ken ah! Maghahanap ka ng ibang babae na makakapagsatiate ng needs mo! Manyak!"

At ayun pinagsisipa niya lang ako hanggang makaalis na siya ng kwarto. Ako naman  tulala at feeling ko narape ako sa sobrang lakas  ng mga sipa niya. Daig pa niya ang kabayo! Akala mo naman type ko talaga siya. Ang mga lalaki kahit panget ang babae, may urges pa rin, may needs. Pabor nga sa kanya at naakit pa rin ako sa ganung lagay niya eh. -_____________-++

*****

"Hindi ka na nakakatuwa Ken ah! Maghahanap ka ng ibang babae na makakapagsatiate ng needs mo! Manyak!"

Pinagsisipa ko siya at nagmamadaling lumabas ng bahay niya. Muntik na yun. Kung hindi ko siya sinipa, ewan ko na lang kung saang parte na kami ng mundo nakarating dahil sa kamanyakan ni Ken. Hindi ko naman intensyon na manghingi ng french kiss eh. Nagkamali lang ako ng sentence construction eh kasi nastress na kong magtanong sa kanya. Ang engot niya kasi eh!

Pero gayunpaman hindi ako nagsisisi na pinagsisipa ko siya kanina. Aba, galit pa nga ako sa kanya tapos maghuhubad siya bigla bigla at babanatan niya ko ng ganung kalandian. Buti na lang di nagpakita si Angela kundi nastroke na naman yun for sure. Bakit ba di dumating si Angela?

KRINGGGG

KRINGGGG

KRINGGGG

"Hello"

"Hoy Yela! Ang sakit ng pagsipa mo sa kin ah!"

"Kapal ng mukha mo! Manyak ka kasi! Iparape kita sa multo eh! Wag ka na ngang tumawag diyan. Sayang lang eh. Magpagaling ka na lang, lampa!"

"Uy concern! Kahit sipain mo ko mahal pa rin kita haha! Tsaka anong sayang? Yung load ko? Mayaman ako, okay lang yan."

"Paki ko sa load mo! Yung laway ko ang sayang sa pakikipag usap sayo. Bahala ka sa buhay mo!"

"Hoy Ye----"

Tooot...tooot...tooot...

Call Ended.

"Engot"

*****

Badtrip! Binabaan ako! Bakit ba ang sama ng timpla niya ngayon. Ang moody masyado. Kanina parang batang nanghihingi ng kiss. Ngayon parang amazonang kakain ng buhay na tao. Meron ba siya? Ang sunget eh.Puntahan ko nga ulet. Masipa na kung masipa pero shet lang, kahit ganun yun, ayoko kong mamisinterpret niya yung mga pinaggagawa ko.

"Hoy Yela! Buksan mo to! Gigibain ko yung pinto mo!"

"Ikaw na naman! Umalis ka na nga!"

"Uy sorry na! Nakakaguilty ka naman eh..."

"Wala akong pakialam sa nararamdaman mo!"

"Sige na mag usap na tayo!"

"Hindi! Umalis ka na diyan! Ayoko kitang kausapin!"

Rinig na rinig ko yung inis sa tono niya kaya nainis din ako. At eto pa, wala daw siyang pakialam sa nararamdaman ko! Anak ng tinapa! Edi wala! Edi wag! Manigas siya diyan. Ang arte niya!

*****

Nasa likod lang ako ng pintuan at rinig na rinig ko yung nakakarinding boses ng manyakis na Ken na to. Ang engot engot niya. Di siya makaintindi na hindi talaga kami pwede. Kahit anong mangyari hindi pwede. Kahit anong layo ko, lapit pa rin siya ng lapit. Ang hirap itaboy! Mas mahirap pa sa pagtataboy ng multo -___________-++

"Sige...mag usap na lang tayo pag hindi ka na galit sa kin. Goodnight."

Narinig ko yun yabag niya at yung pagtunog ng gate. Sign na umalis na nga siya. Napabuntong hininga na lang ako.

"Bakit mo ba kinoconfuse? Why do you keep on messing up my feelings? Bakit mo ba ko pinaglalaruan? Baka umasa na talaga ako..."

_____________________________________________________________________

Author's Note:

To think na nakaisip pa talaga ako ng mga ganitong kalandian sa gitna na exams and everything hahahaha =))

Shifting POV nga pala to ni Ken at Yela. At sa mga nagtatanong ulit kung hanggang ilan chapters to, mga bebe hindi ko din alam lels :p Kung ano lang kasi ang maisip ko yun yung inuupdate ko. Maari ngang baka pag natapos to may maiisip akong idagdag so I dont know either. Just enjoy the chapters na lang. Magsasabi naman ako kung tatapusin ko na or hindi.

Btw, malungkot yung naisip kong ending nito :( Nag umpisa kasi sa lokohan eh kaya ganun yung naisip ko :( :( :(

My Eerie GirlWhere stories live. Discover now