Chapter 11

3.1K 84 37
                                    

"ayoko diyan...natatakot ako diyan..."





Hay nako naman! Ano naman kaya ang kinakatakot niya sa sarili nilang bahay?!? Sige na, andun na ko sa balak ko na mas makilala pa at maialpas tong getting to know stage namin ni Eerie Girl pero wala akong balak makasama siya ng buong magdamag. Nadala na ata ako no =_________________=

"Oh akala ko ba iuuwi mo na si Yela? Eh bakit bitbit mo pa rin?"

"Ayaw daw niyang umuwi. Natatakot daw siya"

"Saan? Sa bahay nila?"

"Oo, malamang. Teka nga, bakit ba andito pa kayo? Umuwi na nga kayo, tapos na ang party tssss"

"Sige na, sige na. Oh tara na mga bro, tapos na daw ang party, horror na kasunod haha!"

"Baka naman hindi sa horror mauwi yan bro ah. Alam mo naman babae yan at lalaki ka"

"Kilabutan nga kayo! Alis na!"




Umalis na ang barkada kaya naman inihiga ko na si Eerie Girl sa kama ko. Sa sofa lang dapat eh kaya lang amoy alak baka sukaan niya pa yung sofa ko katulad ng pagsuka niya sa kin -________-++

Tiningnan ko ng malapitan ang mukha niya. Sa totoo lang, hindi siya nakakatakot pag ganito kalapit yung tingin ko eh. Maganda nga siya kung tutuusin. Pero ewan ko ba kung bakit mas gusto niyang magmukang amag sa tapat ng maraming tao. Very odd yun for girls, diba? Kaya lang hindi naman siya katulad ng ibang babae kasi nga weird siya, mysterious, eerie. Ayaw niyang may lumalapit sa kanya. Gusto niya mag isa lang siya. Pero hindi naman siya mukang masaya sa buhay niya.

Unti unti na rin akong nakaramdam ng antok kaya naman humiga na ko sa tabi niya. Pero naglagay ako ng mga unan sa gitna namin. Hoy! Hindi naman sa natatakot akong marape, baka lang sabihin niya sinasamantala ko ang kalasingan niya -______________-++

My Eerie GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon