Chapter 6

3.5K 90 6
                                    

"Class, 3 weeks na lang ang natitira diyan sa project niyo pero hindi niyo pa nasisimulan. Kahit plan or draft, wala kayong mapresent sa kin? President! Give the names of your groupings!" Nagwawala na naman tong home room teacher namin. Everyday na lang ganyan. Kaasar. Oo nga pala, malamang wala naman kayo pake sa nagwawala kong teacher. Pero kung tatanungin niyo din kung kamusta na kami nung Eerie Girl na yun? Wala rin akong masasagot sa inyo. Wala. Zero. Olats!

Simula nung agaw eksena naming pag-aaway, hindi na kami nag usap. Hindi ko na rin siya sinusundan o  kinakausap. Ni hindi ko na nga siya tinitingnan. For sure ganun din siya sa kin. Well, ayoko rin naman makipag usap sa taong ayaw makipag usap at ayaw akong kausapin. Para naman ang ganda niya para habol habulin tsss!

"Daniella Uy and Kenneth Mendoza"

"Ken, tumayo ka bro!" Tinapik pa ko nila Pao mula sa gilid. Lumilipad ang isipan ko at papunta yun sa likuran ko.

Ha? Nagulat naman ako nung sinabihan ako nila Pao na tumayo. May graded recitation na ba? Ano naman kayang gustong mangyari nitong teacher namin na to?

"Ms. Uy and Mr. Mendoza, are you two already starting your project?" Nakatingin sa aming dalawa ni Yela si Maam at mukang nag eexpect din siya na wala siyang mapapala sa amin,

"Not yet maam" Umiling lang si Yela kay Maam samantalang ako eh nanliliit ang boses.

"The same as others. Okay, you may sit down." Bigla naman akong natauhan. Oo, alam kong may project na ipapasa dito pero teka... may partner ako?! And the worst is si Eerie Girl ang partner ko?

Naeengkanto ata ako.

"Maam? Can I change my partner?" Alam ko ang bastos ng dating at maaring maoffend si Yela pero teka naman kung hindi ko gagawin to siguradong di ako makakatapos ng project ng buhay. Atsaka panigurado sanay naman na yang si Eerie girl na nilalayuan siya.

"Sure. Basta ba papayag yung mga classmates mo then its okay." Tiningnan ko ang barkada. Tssss, kulang na lang magyakapan sila para ipamuka sa kin na ayaw nilang makipagpalit sa kin. Napansin ata ng teacher namin na natatagalan akong pumili.

"Oh class, meron bang gustong makipagpalit sa inyo ng partner?" Kanya kanyang reaction tong mga classmates ko. Akala mo mapupugutan sila ng ulo eh kung tutuusin, kaluluwa ko lang naman ang nasa panganib eh.

 "Eewww kawawa naman ang makakapartner ni Eerie girl" Sabi agad nila Cesca at parang nanalangin sa walang pilitang magaganap.

"Nyak, baka dukutin niyan puso natin." Same sentiments.

"Katakot. Kinikilabutan ako brrrrr!"

Nakita kong halatang disappointed si Yela. Parang nalungkot siya. Pero nung tumingin ako sa kanya, iniwas niya lang ang tingin niya. Tsss, eh sino ba namang gustong makipag partner sa kanya eh kung lahat ng tao tinatakot niya?

"Oh well, Mr. Mendoza , Im afraid na walang gustong makipagpalit sayo. So Im sorry, Ms. Uy is still your partner" Kainis! Lagi na lang ako ang nagtitiis at sinuswerte pag nadidikit ako sa babaeng to. Siguro pinagdadasal niya sa leader ng dilim na magkasama kami palagi.

"Oyyy Eerie Girl" Tumingin naman siya ng walang kabuhay buhay. Tsss, ang yabang talaga nito eh. Nakakasar talaga yan mukha niya lalo na't nakikita ko sa mga mata niya na hindi niya ko type at kaya niyang tiisin ang kagwapuhan ko at for sure matatalo ako sa pustahan nito.

My Eerie GirlWhere stories live. Discover now