Chapter 13: Problema

5K 152 3
                                    

Kasalukuyan kong liniligpit lahat ng ginamit namin kanina  Hayss... Nakakapagod, Eh! sa wala akong katulong maglipit neto. Alangan namang iwan ko to dito na nagkalat kahit na sabihing may janitor na mag liligpit neto, eh ayokong i-asa to.. tsaka mag aa-la sais palang naman kaya ok lang. Si Irene?! Umuwi na ata, eh sa hindi sya nagpaalam sakin kaya di ko alam kong asan na sya.

Habang nasa kalagitnaan ako ng pag li-linis natauhan ako ng bigla akong may narinig na nagsalita.

"Kaylangan mo ng tulong?" Agad akong napalingon ng marinig ko ang boses na yun.

"Jerome?" Taka kong saad. "Teka! Anong ginagawa mo dito?" Agad na tanong ko.

Humakbang sya papasok ng room bago nagsalita ulit.
"Ahmmm, wala lang.. nakita ko kasing bukas pa tong room nyo, kaya naisip kong baka andito ka pa." Pagpapaliwanag nya.
"Hmm.. akin na yan, ka-babaeng tao nag bibit neto" sabi nya habang kinuha sa kamay ko ang hawak kong kahon.

"Eh sa wala namang ibang maglilipat eh!" Bigla syang napangiti dahilan para lumabas ang dimples nya.

"Edi sana tinawag mo kagad ako kanina!" natigilan ako bigla at tiningnan sya. Magsasalita na sana ako kaso inunahan nya nako. "Pero hindi na kailangan.... kasi andito na ko" saad nya ng may kasamang pag ngiti.

Ilang linggo palang kaming magkakilala pero ang bait-bait nya na sakin, siguro nga natural lang sakanya ang pagiging mabait sa ibang tao.

Tinulungan nya na akong maglipit at mag ayos at ang bilis ng pangyayari, mga ilang minuto lang at natapos narin kami.

"Maraming salamat talaga ha!, mas napadali yung pag linis ko dahil sa tulong mo.." pagpapasalamat ko.

"Walang ano man basta ikaw!" Napangiti ako sa sinabi nya, kahit sino naman siguro matutuwa lalo na kung ganitong klaseng tao ang makasama mo.

"Ehem..ehem" natigilan ako ng marinig ko ang boses na yun mula sa may pinto .

"Kyle!" Saad ko habang linapitan sya. "Kanina ka pa ba dyan?" Utal na tanong ko.

"Ahmm.. Hindi pa naman" sagot nya habang nakangiti sa mga mata ko.

"Ahh.. s-sige teka lang, kunin ko nalang yung bag ko." Sabi ko sabay hakbang papuntang table ko para kunin yung bag ko, pero natigilan ako ng magsalita ulit si Kyle.

"Jerome tama?!" Tumingin ako sa direksyon ni Jerome na nakatingin lang din kay Kyle.

"Ahmm.. yeah!" Sagot naman ni Jerome.

Biglang humakbang si Kyle papunta sa kinatatayuan ni Jerome. Teka?! Anong gagawin nya?!

Nakita ko'ng tiningnan ni Kyle si Jerome myla ulo hanggang paa na parang kinikilatis bago nagsalita ulit.
"Kyle nga pala.... Boyfriend ni Zein" pagpapakilala nya sabay abot ng kamay na animo'y makikipag kamay.

Nakita kong tumingin si Jerome sa kamay ni Kyle bago nag salita.
"Well, its nice to meet you" mahinhin nyang tugon habang nakipag kamay kay Kyle.

Seryoso?! Anong nakain nya bat nya ginagawa to?!

.

Pagkatapos nung eksenang yun, nag pa alam narin kami kay Jerome. At ngayon kasalukuyan kaming nasa kalagitnaan ng byahe.

"Ano ibig sabihin nun?!" Biglang tanong ko sakanya.

"Ha?! Ang alin?!." Inirapan ko nga.

"Ano pa ba?! Edi yung bait-baitan mo kanina?! Totoo ba talaga yun oh.... nakikipag plastikan ka lang "

"Oy hindi ah! Totoo kaya yun!" Agad na depensa nya.

"Oh bakit?!" Saad nya ng mapansin nya akong tinaasan siya ng kilay "Alam mo kasi.. Napag-isip isip kong parang... napakawalang kwentang boyfriend ko naman kung mag papaka imature ako dahil sa pagiging mag kaibigan nyo..." Mali M anay nyang sabi.

Tiningnan ko sya bigla sa mga mata nya.
"Oh bakit ganyan ka makatingin?!"

"Wala... masaya lang ako dahil naiintindihan mo na ko ngayon.." my ngiti sa labi kong sabi.

"Basta ba ikaw"

Pagkatapos nun topic na yun, Tahimik lang kami ni Kyle habang nasa byahe ng biglang nabaling ang tingin ko sa kamay namin na magkahawak, at ngayon ko lang na-realize na magkahawak pala kamay namin.

Hayysss... binigyan na naman ako ni Kyle ng rason para ma-miss ko sya lalo kapag umalis na sya.

.

Ng mai-hatid nya nako sa bahay nagpaalam narin kami sa isa't isa. Ako naman agad na dumeretso ng kusina, eh sa kanina pa ko nagugutom.

kumuha lang ako ng mga chips at maiinom para dalhin sa kwarto at dun na kumain, pero natigilan ako ng madaanan ko ang kwarto ni kuya. Andito na kaya sya?!

Nakabukas ang pinto ng kwarto nya kaya sumilip ako at nakita ko si kuya habang nakahiga. Bigla akong kumatok dahilan para biglang kumilos ng kamay nya papunta sa mata nya habang patagong pinupunasan yun.

"Ok ka lang ba?!" Agad na tanong ko habang humahakbang papalapit sakanya.
"Teka?! Umiyak ka ba?!"

"Huh?! Hindi ah!" Agad na depensa nya pero tinaasan ko lang ng kilay.

"Oh bakit ganyan ka makatingin?!"

"Alam mo kuya hindi ka magaling magsinungaling kaya hindi moko maloloko"

"Zein" biglang nag iba ang tono ng pananalita nya. "Nami-miss ko na sya" at dun na tuluyang bumagsak ang boses nya.

"Naiintindihan kita.. pero kung makikita to ni Ate Lia panigurado kong aawayin ka nun."

"Mas gugustuhin ko nga sanang mag-away kami sa personal kesa sa malayo sya sakin"

"Kuya... diba, sabi ni ate, wag mo pababayaan sarili mo.. sa tingin mo matutuwa sya pag nalaman nyang umiiyak ka dahil dun?! edi pati sya maapektuhan.."

"Lam mo kuya... Ang tanging masasabi ko lang sa'yo ay mag pagkatatag ka..  babalik naman sya eh, matuto ka lang maghintay.."

"Salamat Zein.."

Hayysss.. mukhang ko pa ata mas matanda kesa sa kanya.

Kinabukasan

Kasalukuyan akong naglalakad papuntang room ng makita ko si Irene na kakababa lang ng kotse nya.

"Irene!" Agad na tawag ko skanya pero mukhang hindi nya narinig.

"Irene!" Tawag ko ulit sakanya habang tumatakbo papunta sa direksyon nya. Pero mukhang hindi nya parin ako naririnig.

"Irene" natigil sya sa paglalakad at tumingin sakin

"Kanina pa kita tinatawag hindi mo ba ko naririnig?!"

Pero tiningnan nya lang ako at nagsimula ng maglakad.

Anong meron?! Bat feeling ko.. ibang-iba ang inaasta nya ngayon. May problemaobla ba?!"

Accidentally In Love with the Bad Boy AgainWhere stories live. Discover now