Chapter 41

3.8K 139 43
                                    

Maaga akong nakatulog kagabi kaya maaga rin akong nagising. At ngayon, di ko alam kung anong pumasok sa utak ko at naisipan ko'ng mag-ayos ng sarili ko at pumasok.

Siguro nga tama narin to, dahil maliban sa marami na akong lesson na nalipasan, E kaylangan ko ring i-refresh ang utak ko. Hindi naman ata tamang magkulong lang ako buong araw dito sa bahay, baka mamaya kung ano nalang ma isip ko at kung ano nalang gawin ko sa sarili ko. Baka eto pa ikamatay ko, kahit naman nasaktan ako, alam kong hindi eto ang huli ng lahat. Sabi nga ni mama, "Hindi ka tanga, nagmahal ka lang".


Haysss....



Pagkatapos kong makapagbihis at makapag ayos ng sarili ko baba narin ako. Pero natigil ako ng makita ko sina Kuya Chris at mama na nakatingin sakin na para bang naka kita ng multo. Pero mukhang alam ko na kung anong nasa isip nila.


Dumeretso nalang ako ng dining at kumuha ng tinapay.
"Una na po ako." pag papa-alam ko habang ki-niss si mama sa cheeks na hanggang ngayon ay tulala parin.

"Una na ko kuya!" pag papa-alam ko rin kay Kuya, pero gaya ni mama wala rin akong narinig na tugon mula sa kanya.

"Ah Zein" bigla akong natigil ng marinig kong tawagin ako ni Kuya Chris.  "Ahh, Gusto mo hatid nalang kita." alok ni Kuya sakin, pero agad naman akong napailing.

"Ah hindi na, maaga pa naman E,  maglalakad nalang ako tutal na miss ko rin yung mga kapitbahay natin." Di ko alam kong ano nalang lumalabas sa bibig ko kahit pwede ko namang sabihing ayaw ko. "Ah sige! Bye!" Saad ko sabay takbo palabas ng bahay.

Nagpakawala ako ng malalim na pag hinga, bago nagsimulang maglakad. Pero habang nasa kalagitnaan ng paglalakad— Natigil ako ng makaramdam ako ng kung ano sa dibdib ko.

Mali to. Hindi dapat ako nagsisinungaling lalo nat sa kung anong nararamdaman ko ngayon. Pero mas mabuti narin to, mas mabuti ng mag lihim paminsan-minsan, kesa ipakita mo sakanila kung gaano ka duwag. Aish.

Aktong maglalakad na ulit sana ako ng marinig kong may tumawag sa pangalan ko. "Zein!" Agad namang hinanap ng paningin ko kung san galing yung boses na yun at nakita ko nga si Nikko na nakadungaw sa bintana ng kotse nya.

Agad syang lumabas sa kotse at wala pang isang minuto nasa harap ko na sya ng hindi ko namalayan.
"Zein/Nikko" sabay naming sabi dahilan para mapangiti kaming dalawa ng bahagya.

"Sige ikaw na mauna" saad nya pero napatango lang ako.

"Ahm, Gusto ko lang sanang humingi ng sorry sayo, alam ko'ng pinahirapan kita netong mga nakaraang araw lalo na nung nasa America tayo, pero sana naiintindihan mo." pagpapapaumanhin ko ng di sya magawang tingnan ng diretso sa mata. "Hmm, salamat nga narin pala. Para maging possible lahat ng plinano ko, medyo nagkaproblema nga lang pero sobra akong nagpapasalamat dahil andyan ka. At alam kong kulang ang salitang salamat para dun. Pero di bale babawi ako sa'yo." Sabi ko sabay pilit na ngiti.

Pero ngumiti lang rin sya sakin matapos kung sabihin ang mga salitang yun.
"Wala yun. Kung iniisip mong pinahirapan mo ko? Alam ko'ng mas nahihirapan ka. Alam ko'ng hindi madali ang pinagdaanan mo at naiintindihan kita." Napalunok ako sa sinabi nya. "Andito lang ako, handang mabasa tong kwelyo ko para sa mga luha mo"ngumiti ulit ako sa sinabi nya,  pero ngayon, hindi na pilit. Humakbang ako papalapit sa kinatatayuan nya bago ko sya niyakap.

"Salamat Nikko. Di ko alam kong anong mangyayari sakin kung wala ka" at naramdaman ko nga ang pagtanggap nya sa yakap ko.

"Ano? Hatid na kita?" pag alok nya sakin natapos makakalas sa pagkakayakap, pero napatango nalang ako bago sumunod sakanya.


Di ko alam kong anong mangyayari sakin kung wala si Nikko. Isa sya sa mga taong nakakaintindi ng pinagdadaanan ko, at sobrang blessed lang ako dahil may isang Nikko ang handang umintindi sakin.


.

Halos sampong minutes din bago kami nakarating ng campus. At bumungad nga sakin ang mga building na namiss ko kahit isang Linggo lang ako nawala.

Aktong maglalakad na sana ako ng marinig ko'ng may tumawag sa pangalan ko. At natigil ako ng makita ko sina Jio, Kurt at Lissa. Agad namang tumakbo papalapit sa kinatatayuan ko si Lissa at bigla akong niyakap.

Ramdam ko ang pag himas ni Lissa sa likod ko na para bang sinasabing "andito lang ako."

"Alam ko'ng napakatanga ng itatanong ko pero Zein, gusto ko lang malaman kong okay ka lang ba?" Tanong nya ng makakalas sa pagkakayakap sakin.

Tumango muna ako bago sinagot ang tanong nya.
"Hmm.. ilang luha nalang ata tong andito sa mata ko, wag ka mag alala. Mauubos din to!" pag bibiro ko.

Nabaling naman ang tingin ko kay Jio at Kurt na sinalubong ako ng pilit na ngiti.

"Zein, we're very sorry" bigla namang napakunot ang noo ko sa narinig ko mula kay Jio.

"Wala ka namang kasalanan, bakit ka nag s-sorry?" Tanong ko pero nagtinginan lang silang lahat bago ulit tumingin sakin.

"Zein, May gusto sana kaming aminin sa'yo" May pangangatal na sabi ni Kurt. "Tungkol kay Irene" pagpapatuloy neto at mas naging dahilan ng pagtataka sa isip ko.

Tumingin muna ako kay Nikko pero isang ngiti lang ang natanggap ko mula sakanya.

Di ko alam at bigla akong kinabahan. Pero kung ano man yun, handa na akong makinig. Dahil magmula nung binilog nya ang utak ko gusto ko ng malaman bawat hibla ng pagkatao nya.










Accidentally In Love with the Bad Boy AgainWhere stories live. Discover now