Chapter 32

4.3K 139 7
                                    


Halos sumapit ang umaga na hindi ako nakatulog ng maayos kakaisip kay Kyle. Sobra-sobrang nag aalala na ko sa kanya dun. Sinubukan kong kontakin si Tita pero hindi sinasagot, maging pagtulog ni kuya naabala ko pa dahil kinukulit kong tawagan si Tita. Tss..

Pagkatapos kong maayos ang kama ko at ang sarili ko bumaba na rin ako dahil alas diyes na ng umaga at mag aalamusal palang ako.

At agad ko namang nakita si mama habang nasa sala.
"Good morning ma" bati ko habang naglalakad papuntang dining, pero ngumiti lang sakin si mama.

"Sinabi sakin ng Kuya mo yung nangyari kay Kyle kahapon" natigil ako sa paglalakad, ng marinig ko yun mula kay mama. At naalala ko na naman yung pag alala ko kay Kyle.

"Nag aala na ko sakanya dun Ma. Kahit na andun si Tita at Tito, hindi ako makampante." Saad ko habang walang ganang nagpatuloy sa pagtimpla ng juice.

Pero biglang nabaling ang tingin ko sa hawak ni mama, at mukhang napansin nyang tinititigan ko eto.

Pero ikina-taas ng kilay ko ng iabot nya sakin ang isang white envelope.
"Ano to ma?" Takang tanong ko habang pinagmamasdan ang envelope pero ngumiti lang ng pilit si mama.

"Early, birthday gift ko para sa'yo" Sabi ni mama habang nakangiti lang sakin. Hay nako talaga tong si mama, mas lalo tuloy akong na c- curious.

Binuksan ko nalang ang envelope dahil mukhang hindi sasagutin ni mama ng direkta ang tanong ko.
"Naiintindihan ko kung anong pinagdadaanan nyo ni Kyle ngayon, at bilang magulang mo, ayokong mag alala ka pa lalo.." sabi ni mama habang patuloy kong binubuksan ang envelope.

Pero namilog ang mata ko sa kung anong nakalagay sa envelope. Tumingin ako kay mama na hanggang ngayon nakangiti lang.

"Kung meron man dapat akong gawin ngayon, yun ay hayaan kang maging masaya." Matapos sabihin ang mga salitang yun ni mama, ngumiti muna ako bago lumpit sakanya at niyakap sya.

"Thank you ma" saad ko habang kasabay nun ay tumulo ang luha ko.

"Oh! ang aga-aga nag d-drama kayo dyan" nabaling ang tingin namin kay Kuya na kakababa lang galing kwarto nya na halatang kakagising lang din.

Napansin kong nakatingin sya hawak ko at agad nyang kinuha eto. At kita sa mukha nya ang pagkabigla sa nakita nya.

"Teka?! Ticket?! Teka sinong aalis?" Takang tanong nya habang bilog na bilog ang mata.

"Christian! Wag ka ngang oa dyan.." sabi naman ni mama.

"Ma! Pinayagan nyong umalis tong si Zein ng mag-... Arayyyyy!" Tanong ulit ni Kuya pero hindi na natapos ang sasabihin nya dahil piningot sya ni mama sa tenga.

"Isa pang tanong wala kang allowance sakin" pagbabanta ni mama na ikinatawa ko.

"Tss.. ang daya naman.." pero tinaasan lang sya ni mama ng kilay kaya di na naman nya natapos ang sasabihin. "Basta ipangako mong babalik ka dito ha" tinaasan ko nga rin ng kilay tong lalaking to.

"Syempre naman, alangan namang dun ako tumira" pero tinarayan lang ako ni kuya.

Pagkatapos nun bumalik narin ako sa pag aalmusal, pero natigil kami ng biglang may nag doorbell.
"Ako na." insist ni Kuya. Psh! Nag papalakas lang sya para bilhan din ng ticket ni mama papunta kay ate Lia.

At nagpatuloy nalang ulit ako sa pag almusal.

"Surprise!" Bigla kaming nagtinginan ni mama ng marinig namin ang mga boses na yun. Oo mga boses dahil kong hindi ako nagkakamali dalawa o higit pang tao galing ang boses na yun.

Agad kaming lumabas ni mama ng bahay para i-check kong san galing ang mga boses na yun pero nabigla kami sa nakikita namin ngayon. Isa-isa kong tiningnan sina Lissa, Kurt, Jio, at Nikko. Pero mas ikinabigla ko ng makita si ate Lia. Teka?! Tutoo ba tong nakikita ko?

Nabaling naman ang tingin ko kay Kuya na nakatayo lang habang nakatingin lang kay ate Lia na halatang gulat na gulat. Maya-maya pa lumapit si Ate Lia kay mama at nag mano.
"Hi Zein!" Bati sakin ni ate Lia pero ngumiti lang ako dahil rin sa pagkabigla.

"Good morning din po" bati ni ate Lia kay mama pero maging si mama tulala rin.

Pagkatapos ay lumapit na sya kay Kuya na abot tenga ang ngiti, pero si Kuya nanatiling tulala parin.
"Di mo ba ko i-welcome back?" Tanong ni ate Lia habang di mawala wala sa labi ang ngiti.

Ilang segundo pa ng biglang gumalaw ang katawan ni Kuya at niyakap si ate Lia. At sa pag kakayakap ni Kuya ramdam ko ang higpit neto na para bang wala ng bukas. Haysss.

"Tutuo ba talaga to?! Hindi ako nanaginip?" Takang tanong ni Kuya habang tinitingnan si ate Lia sa mga mata neto.

Pero napatingin kami kay Jio ng kinurot nya si kuya sa ilong.
"Aray ano ba!" Inis na saad ni kuya pero natawa lang kami.

"Di ka nanaginip pre!" Saad naman ni Jio, Pero nagtawanan lang ulit kami.

"Ako na mismo magsasabi sa'yo hindi ka nanaginip." Sabi naman ni ate Lia.

Sa mukha ni Kuya ngayon, hindi namang halatang kinikilig sya, ang tutoo kilig na kilig sya ng sobra. Hayss.. sana oil.. ^_×

Pagkatapos nun inaya na ni mama silang lahat para pumasok sa bahay dahil mukhang maraming dapat ikwento si ate Lia.

"Kailan ka nga pala dumating?" Tanong ni kuya ng makarating na kami sa sala.

"Kagabi lang din, e.. May iba pa nga sana akong ime-meet na client pero ginawan ko ng paraan para makauwi na kagad dito.. " sagot ni ate Lia.

"E bat di mo sinabi sakin? Di sana nasundo kita.."

"Eh, di na surprise yun!.. pero buti nalang at tinulungan ako netong kaibigan nyo.." sabi ulit ni ate habang tiningnan isa-isa sila Lissa.

Hayss, naalala ko tuloy si Kyle. Hindi sa pag a-assume.. pero baka lang naman i-surprise din nya ko diba?!. Tss.

"Zein!" Natigil ako sa pag iisip at tumingin kay Nikko, pero nabigla ako ng makitang hawak nya ang envelope, at agad naman akong lumapit sa kinatatayuan nya.

"Aalis ka?" Malumanay nyang tanong.

"Hmm, ilang araw lang naman, gusto ko lang bisitahin si Kyle dahil dun sa nangyari sakanya.. and, at the same time gusto ko rin syang i-surprise sa monthsary namin.." Sabi ko.

Tiningnan nya ako sa mga mata bago ngumiti ng pilit.

Hayss.. bat ba ganyan itsura nya ngayon?.





Accidentally In Love with the Bad Boy AgainWhere stories live. Discover now