Chapter 45

3K 117 22
                                    

"I love you.. and I will never stop loving you my Zeinrie.." nagsimula na namang kumabog ng napakabilis ang dibdib ko matapos ko'ng marinig ang salitang iyun.

Aktong dahan-dahan syang palapit sa kinatatayuan ko ng bigla kong naimulat ang mata ko habang kasabay ang mabilis na paghabol ng paghinga. Agad akong napabangon mula sa pag kakahiga at nagpakawala ng malalim na paghinga. Napailing-iling nalang ako sa kung anong pumapasok sa isip ko.

Nananaginip na naman ako. Hayss. Ano na bang nangyayari?

Napahawak nalang ako sa ulo ko habang nakapikit. Nabaling ang tingin ko sa wall clock. 7:30 na pala ng gabi. Pero natigil ako ng biglang may pumasok sa utak ko. At ikinabilog ng mata ko ng mapansin ang kakaibang itsura ng paligid. At bigla nanamang tumibok ng napakabilis ang dibdib ko matapos mapagtanto kong nasan ako sa mga oras na to. Napatingin din ako sa suot kong over sized t-shirt at boxer shorts.

Anong nangyari? Bat ako andito? Anong ginagawa ko dito?


Napahawak ako sa ulo ko habang pinipilit inaalala kung anong nangyari sakin. At biglang kung naalala,nawalan pala ako ng malay kanina habang kausap si Irene. Pero teka, ba't ako nandito sa lugar na to?

Pinilit kong igalaw ang katawan ko at tumayo sa pagkakaupo kahit na medyo masakit pa ang ulo ko.

Ng makalabas na ako ng kwarto, natigil ako sa paglalakad matapos makita ang lalakeng abalang-abala sa ginagawa nya sa kusina habang naka walking shorts at apron lang. At halos manghina ang buong katawan ko matapos makita ang tindig nya. Kahit na nakatalikod sya mula sakin, ibang-iba ang epekto ang nararamdaman ko sa kung anong nakikita ko, at aminado akong na miss ko ang ganitong sitwasyon. Ilang minuto ko ring pinagmasdan ang likod nya ng bigla kong mapansin ang pagharap nya sa direksyon ko, kaya agad naman akong napaiwas ng tingin.

Nagpakawala muna ako ng malalim na paghinga bago nagsimulang maglakad, ng makarating na ako sa pinto at aktong pipihitin ang door knob ng bigla kong maramdaman ang pag hawak niya sa braso ko.

Agad naman akong napaharap dahil sa ginawa nya, pero tila ba gusto kong maka sapak ng makita ko ang nakakabwisit nyang itsura na may malaking ngiti sa labi na nakakainsulto. Pero mas ikinaagaw ng atensyon ko ay ang katawan nya na naka-topless habang unti-unting tumutulo ang pawis mula sa noo nya. Napalunok nalang ako sa kung anong pinag iisip ko.

"Good evening." napalunok ulit ako ng ilang beses matapos marinig ang napaka-gwapo nyang boses.


Hayss, Zeinrie tumigil ka! Wag kang magpaka rupok.

"Good evening?" Balik kong tanong sakanya. "Sa tingin mo, anong maganda sa gabi?" Taas kilay kong tanong na pilit iniiwas ang wag tingnan ang 6 packs abs nya.

"Ikaw" agad na sagot nya na dahilan na naman ng pagkarera ng puso ko.


Ano ba Kyle? Nang-iinsulto ka ba? Tsk!.

"W-wala akong or-oras makipagbiruan sa'yo. Kailangan ko ng u-umuwi, siguro naman alam mong mag-aalala sakin sina mama.." utal kong sagot.

"Kinausap ko na sina tita, pati si Chris. At ipinagpaalam na kita kaya wala kang dapat ikabahala." Natigil naman ako dun.

"Pwes! Okay na ko, uuwi na ko." handa na sana akong humakbang ulit ng maramdaman ko ang mahigpit na paghawak nya sa braso ko.

"Hindi ka aalis hangga't hindi mo kakainin yung niluto ko para sa'yo." Napatingin naman ako sa mata nya na nakatingin lang rin sa mata ko.

"Zein, kahit ngayon lang oh. Para naman sa'yo tong ginagawa ko, gusto ko lang makasiguro na okay ka." Pero nanatili lng akong nakatingin sa mukha nya na animo'y nag mamakaawa "Please" napalunok ako ng makita ang mukha nyang iyon. Sapilitan kong inalis ang pagkakahawak nya sa braso ko bago nagtungo sa mesa.

Wala na akong oras para makipag dramahan sa lalakeng to. Kaya't kung maari sundin ko nalang ang gusto nya para makaalis na kagad ako sa lugar na to.

At ayun, sya na nag insist na mag serve sakin. Nung una hindi ko pa magawang kainin dahil di ko alam ko'ng bat ko ginagawa to pero para makauwi na at matapos na, E kumain nalang rin ako.

"Siguro naman naalala mo ng nawalan ka ng malay kanina" sabi nya pero nanatili lang akong tahimik habang lumalamon.

"At, nasabi na nga rin sakin ni Irene, lahat." Natigil ako sa pag subo at inayos ang sarili.

"Busog na ko" saad ko sabay tayo mula sa pagkakaupo.

"Huh? E di mo pa nga na uubos yang pagkain mo."

"Kala ko ba gusto mong maging okay ako."

"Pero.." hindi ko na sya hinayaang makapagdalita pa at inunahan na.

"Salamat nalang." saad ko bago nagsimulang naglakad palabas ng condo unit nya.

Wala akong pakialam kung anong suot at itsura ko ngayon ang gusto ko lang E makaalis at makalayo sa lugar na to at malalayo mula sa lalaking iyun.













a/n: sorry for the delay. Just need to finish some stuff these past few days. Hope ya'll understand.







Accidentally In Love with the Bad Boy AgainWhere stories live. Discover now