Chapter 14: Mundo

5.6K 189 11
                                    


Hanggang ngayon iniisip ko parin yung nangyari kanina, eh sa na c- curious na ako sa inasta ni Irene ngayon eh! .

"Ang layo ng tingin ah! San na ba narrating ng mga matang yan!" Natauhan ako ng may magsalita aa harap ko. Ano ba namang Jio to! Bigla ba naman daw sumulpot.

"Wala andami ko lang kasing iniisip" pag dadahilan ko habang nilalamon ang binili kong chips.

"Hmm, kasama bako dyan?!" Bigla ko ngang tinaasan ng kilay tong lalaking to.

"Kapal mo talaga kahit kelan no!" Pero tinawanan nya lang ako. "Asan na ba sila?!" Tanong ko nalang para makalimot dun sa pag iisip ko tungkol kay Irene.

"Ahh, may dinaanan lang pero madali lang daw yung mga yun!" Sabi nya sabay subo din nung chips. "Hmm, Nga pala.. nag usap na ba kayo ni Kyle?" Naiangat ko bigla ulo ko sa tinanong nya.

"Ah.. Kagabi, Bakit?" Tanong ko naman.

"Ah, wala ba syang nasabi sa'yong kakaiba?" Napaisip ako dun.

"Hmm, wala naman" bigla syang nagpakawala ng hininga sa sinagot ko. "teka! Bakit ba?" Agad na tanong ko dahil sa naging reaksyon nya.

"Mas mabuti siguro kung sya nalang mag sasabi sa'yo nun.." di ko alam at parang nag-iba awra nya. Ano ba yung sasabihin sakin ni Kyle at parang May kakaiba dito kay Jio? Tsk!.

Mga ilang minuto pang paghihintay dumating narin sila habang dala ang iba't-ibang libro, Hmm.. hindi naman masyadong halata kong san sila galing.

"Ahh, sige dun muna kami sa kabilang table ah!" Pagpapaalam ni Kurt na ikina-kunot ko ng noo.

"Teka?! Bakit?! Eh.. sabay tayong mag l-lunch diba?!" Pero di na nila ako inintindi at lumipat na ng ibang mesa kaya naiwan kaming dalawa dito ni Kyle.

"Oh bat ganyan tingin mo?" Agad na tanong ko ng mapansing kanina pa nakatitig sakin.

Napa buntong hininga sya bago nagsalita.
"Zein,  bukas na alis ko papuntang America" natigilan ako bigla sa sinabi nya.

"Huh?! Teka?! Tama ba yung narinig ko? Akala ko sa makalawa pa?!" Diretso kong tanong.

"Yun nga rin ang dapat.. kaso kaylangan kong masundan yung iba kong na miss na training dun eh! Kasi kung sa makalawa pa ko alis, baka mag extend ako ng ilang araw pa bago ma kompleto yung training" bigla akong nanghina sa sinabi nya.

"Hindi na ba talagaababago yan?.. pano yung grades mo?!." Bigla nyang hinawakan kamay ko bago nagsalita ulit.

"Kung pwede nga lang sana.. ginawa ko na"
Binaling ko nalang ang tingin ko sa sahig para itago yung lungkot na nararamdaman ko.

"Tara!" Naiangat ko ulo ko ng marinig ko syang magsalita. Napatingin ako sa kamay nyang nasa harap ko ngayon na aktong inaaya akong tumayo.

"Huh?!" Takang tanong ko naman.

"Gusto ko sana, bago matapos ang araw na to.. makasama ko ang taong pinakamamahal ko... Kaya gusto ko'ng sulitin ang araw na to kasama ka." Isang ngiti muna ang pinakawalan ko bago tinanggap ang kamay nya at nagsimulang maglakad paalis sa lugar na yun.

Wala akong pakealam kung hindi ako makakapasok sa iba kong subject ngayong hapon. Di ko man alam kung san kami pupunta pero ang importante sakin eh makasama sya,  ang taong pinakamamahal ko.

.

Pumunta kami sa kung saan-saan. Pinuntahan namin ang mga lugar kong san madalas naming puntahan. Halos isang oras din kaming nasa mall, kaka ikot, kakakain at kakalaro . Hayss.. dedma sakin ang salitang pagod ngayon.

Accidentally In Love with the Bad Boy AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon