Chapter 22: Kuya Chris

4.6K 137 18
                                    


Agad kong inikot ang paningin ko sa loob ng kwarto kung asan ako ngayon. Pinilit ko'ng igalaw ang katawan ko pero hindi ko magawa. Natigilan ako ng makita ko'ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si mama habang hawak ang tray na puno ng iba't-ibang klase ng pagkain.

"Zein anak! Ano kamusta na pakiramdam mo?" Agad na tanong sakin mama. Na halatang alalang-alala.

"Hmm, medyo nahihilo pa rin ako pero okay lang" sagot ko.

"Tinawagan ako kanina ng Prof mo tungkol sa nangyari sa'yo kanina at sinabi sakin na nawalan ka daw ng malay.." nag aalalang sabi ni mama.
"Sana kasi Zein wag ka nang pumasok tingnan mo kung no nangyari sa'yo ngayon! Buti nalang at nadala ka kagad sa clinic." Pagpapaliwanag ni mama.

"Ok na po ako, wag na kayong masyadong mag alala.. pagod lng yun.." napabuntong hininga naman si mama sa mga pinagsasabi ko.

"Alam mo Zein hindi talaga kit papayagan sa mga pinagsasabi mo " pagbabanta ni mama pero nginitian ko lang sya.

Pagkatapos mailagay ni mama ang tray nagpa-alam narin sya dahil may kaylangan pa syang tapusin.

Isang buntong hininga ang pinakawalan ko habang pinagmamasdan ang orasan.

"Ano na kayang ginagawa ni Kyle ngayon?" Biglang pumasok sa isip ko ang tanong na yun. Kinuha ko ang laptop ko tsaka sinubukang I-video call sya pero hindi sya sumasagot. Hayss... kayalan ko kaya ulit makakausap ng matino ang boyfriend ko?

Handa na sana tumulo ang luha ko ng bigla namang bumukas ulit ang pinto. At nakita ko ulit si mama.

"May bisita ka!" napakunot noo naman ako bigla sa sinabi ni mama.

Maya-maya pa nakita kong pumasok si Jerome sa kwarto ko na may dalang basket ng prutas.

"Iwan ko muna kayo ha!." pag papa-alam ni mama.

"Salamat po tita" sagot naman ni Jerome kay mama.

"Oh ba't Andito ka? Gabi na ha!? Tsaka pano mo nalaman bahay ko?" Bigla naman syang napangisi sa tinanong ko.

"Tinanong ko sa classmate mo. hmm, tsaka okay lang tutal wala rin naman akong gagawin sa bahay, tsaka gusto talaga kitang makita.." tinaasan ko sya bigla ng kilay matapos nyang sabihin yung mga salitang yun. "Ang ibig ko'ng sabihin eh gusto kitang dalawin para ma check kung okay ka na" tumango nalang ako bago nagsalita.

"Okay nako, pahinga lang katapat neto" saad ko sabay tawa.

Pagkatapos nun nagtanong pa sya tungkol sa mga nangyari kanina bago ko nawalan ng malay. Mga ilang oras pa naisipan nya naring umuwi. At ngayon nag iisa na naman ako dito sa kwartong to.

Natauhan ako ng biglang nagsalita si mama.
"Sino yun? Parang wala pakong natatandaang may naikento ka sakin tungkol sa lalakeng yun?" Napangiti naman ako bigla.

"Eh, kamakailan ko lang syang nakilala eh, pero wag kayong mag alala mabait yun, ang tutoo nga nyang kilala din sya ni Kyle." Tumango nalang si mama at lumabas na ulit.

Haysss.. 9:30 na ng gabi pero hindi pako dinadalaw ng antok. Bigla akong may naalala. Agad akong kumuha ng papel at ballpen tsaka nagsulat.

Maya-maya pa nakaramdam ako ng pagkauhaw kaya pinilit ko'ng makatayo. Ng makalabas na ako ng kwarto natigil ako ng madaanan ko ang kwarto ni Kuya. Agad na gumalaw ang paa ko at sinilip si Kuya habang naglalaro ng video game.

"Anong ginagawa no dito? Masama pakiramdam mo ha!" Natauhan naman ako ng biglang nagsalita.

"Ikaw, mukhang ikaw ang mas masama ang pakiramdam sa'ting dalawa" Natigilan siya bigla sa ginawa nya at napa higa sa kama nya.

"Si ate Lia tama?" Nagbabakasakaling tanong ko.

"Nag away kami... Ulit" lumapit ako sakanya at umupo sa kama nya. "Sa tingin ko Zein may iba na sya dun eh!" Napakunot noo ako sa sinabi nya.

"Pano mo nasabi?"

"Di ko alam, basta pakiramdam ko May iba na sya, hindi na kami na kami masyadong nag uusap, kung May pagkakataon man na nagkakausap kami eh ilang minuto lang tapos wala na.." bigla ko nga syang binatukan.

"Aray! Ano ba?! Masakit ah!"

"Alam mo kuya?! Sating dalawa parang ikaw bunso noh?!" Saad ko.
"Si ate Lia may iba?! Tsk! Eh ano ba yung rason kung ba't sya alia ng bansa?! Diba para sa negosyo? So anong dahilan para magkaroon sya ng iba?!" Napahiga si Kuya Chris sa kama nya.

"Ang problema kasi sa'yo! Ikaw lang ang gumagawa ng sarili mong paniniwala. Sa tingin mo magagawa nya sa'yo yung ganong bagay?! Tsaka yung nangyari sa'yo ngani! Bakit ikaw lang ba nakakaranas ng ganun? Sana bago ka mag-ilusyon ng kung ano ano! Kamustahin mo naman muna kami ni Kyle?!" Pag papaliwanag ko.

"Kuya mahal mo ba sya?! Kasi kung Oo, hindi ka gagawa ng sarili mong kwento ng ikakasira ng relasyon nyo.. pano kung .." hindi ko na natapos sasabihin ko ng takpan nya bibig ko.

"Okay na sige na! Ikaw na magaling"

"Ang sakin lang naman kasi eh, hindi ko maiwasang mag isip ng mga bagay-bagay lalo na't hindi ko alam ko'ng ano paniniwalaan ko."

"Yan ang epekto ng panunuod mo ng mga Kdrama eh!" Pang aasar ko, pero tinarayan nya lang ako.

Psh! Naiintindihan ko si Kuya Chris sa mga pinag-iisip nya, kahit sino naman atang nasa posisyon ni kuya ngayon eh yun ang unang papasok sa isip nila. Pero sakanila nalang yun kung naniniwala sila o, mas paiiralin nila ang puso nila.




Accidentally In Love with the Bad Boy AgainWhere stories live. Discover now