Epilogue

5K 142 47
                                    




Kasalukuyan kong pinagmamasdan ang langit habang ninanam-nam ang bawat pag tama ng hangin sa katawan ko. Kahit na napaka polluted na ng hangin, parang gusto ko paring sabihing napaka refreshing ng hangin na tumatama sakin lalo na sa mga panahong eto.

Isang buwan na ang nakalipas matapos ang lahat ng nangyari. At ngayon bumalik na ulit ang lahat sa normal. Naging kami ulit kasabay nun ang unti-unting pag galing ng kalagayan ni Kyle,  Na agad namang kumalat sa campus. Pero hindi na namin masyadong inintindi ang tungkol doon. Dahil parang natural lang eto sa lahat.

Pumapasok na ulit kami pareho. Si Irene, ayun kaibigan ko na ulit sya, pero this time tutoong kaibigan na. Humingi na sya ng paumanhin hindi lang sakin kundi sa aming lahat. Nung una naging mahirap para sakin na tanggapin iyun, pero nararamdaman kong nagsisisi na sya. At sa tingin ko naman natuto na sya. Kahit na inamin nya sakin na may feelings parin sya para kay Kyle pero tinawanan ko lang iyun. Sinabi ko nalang saknya na makakahanap din sya ng mamahalin nya balang araw. Hindi man si Kyle pero nakakasiguro ako na meron pang mas magmamahal ng tunay sakanya.

"Asan ka na? Uwi ka daw sabi ni mama mag g-grocery kayo!" Pinagmasdan ko ang text message na natanggap ko mula kay Kuya.

Kahit kelan panira ng mood.

Pero dahil medyo ginanahan na akong umuwi. Isa pa, dumi-dilim na rin.
Kinuha ko nalang ang gamit ko tsaka nagsimulang maglakad palabas ng campus dahil mag grocey pa daw kami.

Ng makarating ako sa bahay pansin kong madilim sa loob ng bahay kaya nagtaka ako kung bakit. Naputulan ba kami ng kuryente o sadyang wala lang talagang kuryente?

Ng makapasok na ako sa bahay, walang ilaw kaya agad ko'ng kinapa ang switch. Pero natigil ako ng maramdaman ko'ng may nagtakip ng bibig ko gamit ang palad dahilan para manginig ng bahagya ang paa ko.

"Wag kang kikilos ng masama. Kundi mamatay ka.. sa pagmamahal ko" biglang tumaas ang kilay ko sa kung anong narinig ko.

Handa ko na sana sikuhin ang nasa likod ko ng biglang umilaw ang paligid.
At halos namilog ang mata ko sa kung anong nakikita ng mata ko ngayon.

"Happy birthday to you...
Happy birthday to you,
Happy birthday
Happy birthday
Happy birthday to you..." Automatic akong napangiti matapos nilang makakanta.

Grabe, ganito na ba talaga ako  makakalimutin dahil sarili kong birthday di ko maalala.

"Happy birthday Zein!" Bati sakin ni Mama na may hawak ng cake. "Wish ka na dali" Masigla netong sabi jaya agad naman akong lumapit para mag wish. At agad naman silang nagpalakpakan ng mahipan ko na ang kandila sa cake.

"Happy birthday!" natigil ako sa pagkakataong iyun ng marinig ko ang mahinang pag bulong mula sa likod ko. At nakita ko si Kyle habang nakangiti na may hawak na bulaklak at baloons.

"Ayieeeee.." rinig kong hiyawan sa paligid dahilan para kiligin ako lalo.

"Salamat." Sabi ko habang tinanggap ang flowers.

Hindi ko alam. Pero parang ang gaan gaan lang sa pakiramdam ng lahat. Yung pakiramdam na wala ng problema o kung ano pa mang iniisip kundi ang tuwa at galak. Yung makita ko ang mga taong mahal ko sa buhay na masaya. Isa na sa pinaka magandang regalong matatanggap ko.

.

Andito kami ngayon sa coffee shop. Kakatapos lang ng pa surprise party nila sa akin. At ngayon inaya ako ni Kyle sa dito sa di ko alam na dahilan.

"Salamat ulit sainyo ah!" Pag papasalamat ko pero ngumiti lang sya.

"Para sayo gagawin ko lahat lahat." Ako naman ang napangiti sa sinabi nya.

"Ahm, nga pala Zein. May, gusto lang sana akong ipaalam sayo" taas kilay ko syang tinanong.

"Ano yun?"

"Ahm, Aalis kasi ako sa makalawa." Bigla akong natigil matapos marinig ang mga salitang yun sakanya.

Gusto kong itanong kung para saan pero inunahan ako ng panginginig dahil sa pagkabigla.

"Hmm, eto." Saad nya habang ini-abot sakin ang isang maliit na white envelope. Nag aalangan pa ako kung bubuksan ko eto dahil sa di ko alam kong anong laman neto. Pero sa huli binuksan ko parin.

"Birthday gift ko sayo." Pagpapatuloy nya habang binubuksan ko ang envelope.

"Pupunta ako ng Korea." Biglang tumibok ng napakabilis ang dib-dib ko sa sinabi nya."Pero, gusto ko kasama ka." Bigla akong napangiti matapos nyang sabihin iyun kasabay nun ng makita ko kung ano ang laman ng sobre. Dalwang ticket.

"Happy birthday ulit." May ngiti sa labi nyang pagbati sa akin. Pero agad akong tumayo mula sa pagkakaupo at bigla syang niyakap.

Sa dami ng nangyari sa amin. Hindi ako makapaniwala na andito ulit kami.  Nag uusap at masaya ulit na nagsasama. At sana wala ng hahadlang pa.

Nabaling ang tingin ko ng makita ko ang matandang babae na nasa labas ng coffee shop.

"Hindi mo makikita ang halaga ng isang tao o bagay hanggat andyan eto. Pero pag nawala na, maiiyak ka nalang kasi nagsisisi ka na't hindi mo pinahalagan yung panahong andyan pa sya." Isang ngiti ulit ang bumurda sa mukha ko matapos pumasok sa isipan ko ang mga salitang iyun.

Sa ilang taon kong nabubuhay dito sa mundong to'. Marami ng pagsubok ang pinagdaanan at nalampasan ko. At mula sa mga pagsubok na yun, marami akong natutunan sa buhay. Na minsan kahit na alam mong mahirap, kung gusto mong mapagtagumpayan ang problemang hinaharap mo. Titiisin mo lahat ng hirap at sakit. Lahat ng balakid dahil uuwi at uuwi rin sa ngiti lahat ng eto.

Gaya na lamang ng lovestory namin ni Kyle. Alam ko'ng napaka common na ng ganitong klase ng istorya. Na parang isa na lamang sa mga patapon na istorya na mababasa nyo sa plataporma na eto. Pero masasabi ko na, naging masaya ang bawat paglalakbay ko. Minsan kailangan din nating lumuha hindi dahil sa sakit, kundi dahil sa saya. Masaya ang naging takbo ng istorya ng buhay ko na eto. Dahil isa sa pinakamahalagang na-realize ko, ay kung ang pano ka mahalin ng mga taong di mo aaklaing mamahalin ka at mamahalin mo.









Wakas.

Accidentally In Love with the Bad Boy AgainWhere stories live. Discover now