Chapter 7: Convince

5.9K 197 7
                                    



Pagpasok ko sa room, naabutan kong nag kukumpulan ang mga classmates ko sa may pwesto ni Irene, ano kayang meron dun? Hayss! Hindi ko nalang sila masyadong inintindi at umupo nako sa upuan ko.

"So since kelan ka nag simulang mag modeling?" Rinig kong tanong ng isa sa mga classmate ko.

"Ahhm! When I was 10 years old, my mother introduced me modeling" rinig ko ulit na sagot ni Irene.

"Wow!" React naman ng isa sa mga classmate ko.

Maya-maya pa dumating na ang prof namin, kaya nag si-upuan na ang mga classmates ko.

"Nais ko lang kayong i-infom na nalalapit na ang school year open activity, kung san lahat kayo ay kabilang! This is to inhance the friendship between the four different school years.." bigla akong natawa sa isip ko. Siguro kong merong pa-kornyhan na activity sa buong paaralan kami na ata ang nangunguna.

"So in connection with that I'm going to assign you your section's class leader and representative" nagsimula na ang bulungan ng mga classmates ko.
"ahmm... Ms. Gonzales and Ms. Montilla, kayo ang napili ko para sa mga posisyong eto" nagkatinginan kami bigla ni Irene. "Siguro naman maaasahan ko kayo?"

"Yes Sir" sabay naming sabi kahit na sa kalooban ko eh No Sir!. Eh alangan namang tanggihan ko to!. Psh!

"If that's the case! Then, after the discussion kindly proceed to my office." Napatango nalang ako. Seryoso?! ako talaga napili? Psh!. Ok sana sakin kung maasign ako sa ganito, pero di ko alam kung ok lang ba dito sa katabi ko?! Tsk!

Pagkatapos ng discussions, agad akong lumabas para pumunta sa opisina ng prof namin, hindi ko na hinintay si Irene dahil mukang ayaw nya rin akong makasama.

"Gusto mo ba to?" Napahinto ako sa paglalakad at lumingon ako sa kanya ng itanong nya yun.

"Hmm, Oo, taon-taon ko narin namin kasing ginagawa to, yun nga lang ngayon lang ako napiling mag assist ng ganito." Sabi ko sa may malumanay na boses.

"Ganun ba? Hmm.Well, this is my first time, dun kasi sa dati kong school walang ganito, halos tutok lang kami sa mga written outputs mga reports pero walang ganitong klaseng activity!." pag ke-kwento nya.

"Hmm, ganun ba? Mukhang napaka boring naman pala" biglang saad ko.

"I think so.." sabi nya sabay hinga ng malalim.

"Pero alam mo! wag ka mag alala, sigurado naman ako mag eenjoy ka dito" tapos bigla siyang ngumiti. At ngayon lang nag proseso sa utak ko na nag usap pala kami, I mean nakaka gulat dahil parang di ko namalayan na nag uusap kami sa maayos na pamamaraan, yung feeling na wala akong nararamdamang ilang habang kausap ko sya ngayon.

"Ahmm, Zeinrie" bigla ko ulit syang nilingunan "I, just.. want to apologize" napakunot noo naman ako sa sinabi nya.

"Ahmm, are you.. are you mad at me?" Biglang tanong nya sakin na ikinabigla ko. "Halos mag iisang Linggo palang kasi akong nandito at parang napapansin ko.. na sa tuwing nakakausap kita, feeling ko ayaw mo akong kausap.. kaya naisip kong itanong sayo to.. eh baka kasi ayaw mo sa ugali ko o naiinis ka sakin—sa mga inaasta ko. And I think it makes you feel uncomfortable chatting on me.." naka titig lang ako sakanya habang sinasabi nya yung mga salitang yun.

"Ano ka ba bat naman ako magagalit sa'yo?" Sabi ko sa natatawang boses. "Ahmm, Irene magiging honest ako sa'yo ah!, Hmm nung unang pasok mo palang, hindi pa man kita kilala nun eh, parang iba na pakiramdam ko sa'yo, I mean di ko alam kong bakit pero parang may kakaiba, lalo na nung una tayong nag usap, di ko alam kung nagkataon ba na nakilala mo kagad ako dahil dun sa sinabi mong research mo, eh kaya mula nun parang kinabahan ako sa'yo dun. Feeling ko kasi parang may galit ka sakin oh kung ano pa. And I think that's the reason why I'm not comfortable talking with you."

"Is that so? Hmm, you know what I'm really sorry if I'ld make you fell that way, nasanay na rin kasi ako na ganun makipag usap sa taong una ko palang ma-meet.."

"Ganun ba? Ok lang yun" sabi ko sabay tango.

"So since nagkalinawan na tayo, pwede ba kong humingi ng pabor?" Napakunot noo ako.

"Ano yun?"

"Pwede bang maging magkaibigan tayo?!" Saad nya sa nay malumanay na boses sabay ngiti.

Ngumiti muna ako bago nag salita ulit. "Sige.. Friends!" Pagkatapos kong sabihin yun, bigla nya nalang akong niyakap.

Nung mga oras na nag usap kami biglang gumaan pakiramdam ko. Siguro dahil nalinawan nako kung bakit ganun sya makipag interact sakin. Hindi naman pala sya ganun kasama tulad ng iniisip ko.

At nung mga oras na yun bigla kong naalala si Lissa, halos ganito rin yung ekspresyon nya nung sinabi ko na magkaibigan na kami. Hayst^_^

.

Pagkatapos naming pumunta sa office bumalik kami sa room at tinapos ang ilan pang subjects, matapos ang ilang minuto pa eh dissmisal na.

"Zein! Uuwi ka na?" Tanong ni Irene sakin habang inaayos ang mga gamit ko.

"Hmm, hindi pa pero kasi may kaylangan pa kong puntahan"

"Ahh, Sino?! yung boyfriend mo?" Natigil ako at tinanong niya.

"Hmm Oo" saad ko sabay ngiti.

"Ayiee.. Okay, then.. see you!." Sabi nya bago lumabas ng room. Bigla akong napangiti, ngayon.. napakagaan na ng pakiramdam ko sakanya, wala ng ilang oh ano pa man.

Pagkatapos kung maayos gamit ko eh excited akong pinuntahan si Kyle para ikwento sakanya yung nangyari tungkol kay Irene.

"Musta!" Bungad ko sakanya. Pero natigilan ako ng makita ang mukha nyang parang ang pungay.

"Oh teka? May lagnat ka ba?" Tanong ko sabay hawak sa noo nya.

"Ah., medyo sinisipon lang, pero ok lang uminom na ako ng gamot!" Tinaasan ko nga ng kilay.

"Alam mo umuwi ka na, kaylangan mong mag pahinga.."

"Sige" agad nyang saad sabay tango. Hmm, himala! Di na sya kumontra.

Pagkahatid nya sakin umuwi na rin sya, binilinan ko syang uminom ulit ng gamot kung kinakailangan, magpahinga, at tawagan ako kung may kaylangan sya. Gusto ko man syang bantayan eh marami pa ko'ng gagawin.

.

Pagkarating ko sa bahay naabutan ko si Kuya habang nagluluto.

"Pumunta dito si ate Lia kagabi" napalingon sya sakin ng sabihin ko yun.

"A-anong sabi?" Tanong nya na sa May pagka utal na boses.

"Kuya naman!.. ano bang nangyayari sa'yo? diba nga sabi naman ni ate Lia.." hindi nya nako pinatapos magsalita at inunahan nya nako.

"Madaling sabihin yun para sakanya, pero hindi nya alam yung mararamdaman ko.." mariin nyang pahayag.

"Alam mo kuya?!. kong mahal mo talaga sya iintindihin mo yung dahilan kong bat sya aalis, hindi yung idadala mo lang lagi sa galit mo! umasta ka ngang mas nakakatanda sakin" biglang sabi ko sakanya. Eh sa nakakainis sya ah!. Oo, maaring mahirap intindihin, pero kung mahal nya nga talaga si ate Lia iintindihin nya yung rason kung ba't nya yun gagawin.




Accidentally In Love with the Bad Boy AgainWhere stories live. Discover now