Chapter 3: Announcements

7.8K 251 2
                                    


Andito ako ngayon sa café malapit sa skwelahan namin kung san lagi akong bumibili dati pa, eh naisip kong dito nalang magpalipas ng oras, tutal wala akong balak mag lunch at saka mamaya pa naman next class ko. Si Kyle, May klase pa, kaya ako eto mag isa. Grabe, parang nawalan ako ng ganang pumasok sa next class ko dahil sa Irene na yun!. Di ko alam kong bakit, basta hindi ko lang talaga mai-paliwanag kung bakit. Nagawa nya talaga akong kilalanin? Tsk!. Nakakatakot sya ha! Kung hindi nya sinabing nag research sya ng information "daw" eh mapagkakamalan ko syang stalker. Psh!

.

Kasalukuyan kong tinititigan ang mga pagkain na nasa harap ko, namimili ako kung anong pwedeng order-in. Biglang nakapukuw ng atensyon ko ang isang Chocolate Cake, bigla tuloy akong na excite.

"Ahmm.. ate isa nga pong chocolate cake.." masiglang sabi ko sa babaeng May malaki ring ngiti sa labi. pero biglang nawala ang ngiti nya matapos kong sabihin yung order ko.

"Ahhm.., eh. sorry ma'am but we don't have any available chocolate cake flavor for now.." kumunot ang noo ko sa sinabi nya.

"Huh?! Eh ano to?" Sabi ko sabay turo sa cake.

"Ahmm.. naka reserve na po kasi yan ma'am."

"Huh.. pe" naputol ang sasabihin ko ng may magsalita sa a likod ko.

"Ahmm.. can I take my order now?" Napaangat ulo ko ng marinig kong magsalita ang isang lalakeng nasa tabi ko na ngayon habang inaabot sakanya yung cake. Hayss.. kung puwede nga lang akong mag eskandalo dito ginawa ko na pero hindi ako ganun ka oa para gawin yun para lang sa isang slice ng cake.

Bigla tuloy akong nanghina, nawalan na naman tuloy ako ng ganang kumain. Om-order nalang ako ng Ice-tea at pumwesto sa isa sa mga upuan na andun.

Habang nasa kalagitnaan ako ng pag babasa bigla akong natigilan ng may makita akong platito na may Choco roll cake na nasa ibabaw neto.

"Ahmm.. excuse me miss.." tumigil muna ako sa pag babasa at humarap sa lalakeng nasa harap ko ngayon. "I.. I heard you a while ago. And, uhmm.. here" natigilan ako ng bigla nyang nilagay sa harap ko ang cake na in-order ko sana.

"Ahmm.. ano to?.. I-I mean para san?."

"Ahmm.. ang panget naman kasi kung hindi ako mag papaka gentleman para lang sa slice ng cake na to!"

"P-Pero ok lang tutal ikaw rin unang om-order nyan" pag tanggi ko.

"No.. infact I'm full.. so you can have this" tinitigan ko ang cake na nasa harap ko.

"Don't worry I didnt reduce it yet or even put some drugs on it" pag dedepensa nya, nahalata nya ata na kinikilatis ko ang cake.

"Ahmm. Sige babayaran ko nala--.."

"No need!. Just take it"

"Huh?" Pero hindi nya nako nagawang sagutin at nag simula ng naglakad paalis. Psh!. Kung iisipin napaka bastos nya dahil tinalikuran nya ko habang kinakausap ko sya, pero dahil binigay nya ng libre tong cake eh hindi na ko aangal.

.

Pagbalik ko ng room nakita ko nanaman yung Irene di ko alam at pag nakikita ko sya nakakaramdam ako ng kakaiba. Di ko alam kong inis ba oh kung ano. Dumeretso nalang ako sa pag lalakad at iniiwasang wag syang tingnan.

Natapos ang oras na puro discussions, at buong hapon naririnig ko syang magsalita dahil sa kaylangan nyang mag pakilala sa iba pa naming subject teacher. Kung kanina eh hinintay kong maubos yung tao. Ngayon, eh ako na ang unang lumabas ng room. Nakakatakot na baka kung ano na naman sabihin nya tungkol sa mga "research infos nya". Psh!

Accidentally In Love with the Bad Boy AgainWhere stories live. Discover now