Chapter 25: Weird

4.6K 126 3
                                    


Pagkatapos ng araw na yun lumipas  ang Linggo at hanggang ngayon, iniisip ko parin yung mga sinabi sakin ni Jio. Alam kong masamang magsinungaling lalo na sa kaibigan, pero kaibigan ko din si Jio. Hayss... kay hanggat maaari, itago ko muna ang alam ko kay Jio at ate Rissa, mas makakabuti kung si Jio mismo manggaling.

Kasalukuyan akong naglalakad papuntang building ng room. Gaya ng mga nakaraang araw, maaga na akong nagigising kaya napapaaga din pag pasok ko.

Natigil ako sa paglalakad ng makita ko ang rooftop sa harap ng building namin kung san ako sinurprise ni Kyle nung monthsary namin. Bigla namang bumalik yung mga oras na halos ayoko ng matapos ang gabi na yun. Kung pwede ko nga lang sanang pabalikin yung oras na yun ginawa ko na.

Agad ko namang pinunasan ang luhang namumuo sa mata ko bago pa man ito tuluyang bumagsak eto.  Aish! Umagang umaga nag d-drama na naman ako.

Aktong pahakbang na sana ako ulit ng makita ko ang lalakeng nakatayo sa harap ng room namin, pero ang ipinagtataka ko eh kung bat May hawak syang bulaklak. Maya-maya pa, pumasok sya ng room. Gusto ko'ng igalaw ang paa ko papunta sa lalaking yun pero para akong naistatwa sa kinatatayuan ko.

Ilang minuto din, ng biglang nag sink-in sa isip ko ang mga nakita ko.
Dahan-dahan akong naglakad papuntang room at natigil ako ng makita ko ang lalakeng nasa loob habang nasa harap ng table ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Dahan-dahan nyang ibinaba ang bulaklak sa desk ko at humarap sakin.

"I.. ikaw, ba yung-.. " pero hindi ko na natapos sasabihin ko ng may magsalita sa likod ko.

"Zein" napalingon naman ako at nakita ko si Irene na kakarating lang.

"Ahmm, una na muna ko" pag papa-alam nya at nagsimula na ngang maglakad palabas ng room si Jerome.

"Sya ba yun?!" Natauhan ako ng itanong yun ni Irene.

"Sa nakita ko, sa tingin ko sya nga yun" saad ko habang nag poproseso parin sa utak ko ang mga nakita ko.

"Mukhang kailangan mo syang makausap" pero bigla akong napailing.

"Hindi muna sa ngayon, masyado pa akong naguguluhan sa nakita ko." Lumapit sya sakin at hinawakan ako sa magkabilang balikat.

"I understand" saad nya sabay pilit na ngiti.

Pagkatapos nun buong araw halos iniisip ko parin yung mga nakita ko kanina. Di ko alam na sa loob ng ilang araw na kwestyun na kwestyun ako kung sino ang nasa likod neto. Bigla ko nalang malalaman na  sya pala yun. Gusto ko syang tanungin kung bakit nya ginagawa to? Marami akong gustong itanong pero nangingibabaw sakin ang kaba sa kung anong isagot nya na maririnig ko.

"Oh?! Bat di mo pa nababawasan yang pagkain mo?" Natauhan ako ng magsalita si Irene habang kumakain. "Still thinking bout' what you saw?" Napabuntong hininga ako sa sinabi nya.

"Eh, sa di ko maiwasang wag isipin eh" sabi ko habang ping tutusok ng kutsara ang kanin na nasa plato ko.

"Hayss.. you know what?! If I were you, you should talk to him, ask him about it! I'm pretty sure that he has a reason why he's doing this stuff.." napabuntong hininga naman ako dun.

"Alam ko... pero hindi ko alam kung pano.. I mean, kung san ako mag sisimula..." sagot ko. "Kaibigan ko sya, at kinakabahan ako sa kung ano ang maririnig ko mula sa  kanya." Pag papa tuloy ko.

"Psh! Zein, Ikaw narin ang may sabi.. Kaibigan mo sya, nasasayo nalang yun kong gusto mo ng masagot lahat ng taong dyan sa isip mo" Napaisip naman tuloy ako sa sinabi nya.

"Hmm, punt lang akong CR. " pagpapaalam nya pero tumango lang ako.

Habang nasa kalagitnaan ako ng pag iisip biglang may nagsalita sa likod ko.
"Ang lalim ng iniisip ah!" Rinig kong bungad sakin ni Kurt.

"Hi Zein!" Napangiti naman ako kay Lissa.

Napatingin naman jo kay Jio na nakatingin din sakin, pero agad nyang iniwas ang tingin nya sakin. Maya-maya pa nabaling ng tingin ko kay Irene na ka babalik lang.

"Irene! halika dito pakilala kita sakanila" sabay sabay naman silang nag sitinginan kay Irene.

Agad namang lumapit si Irene sakin at tingnan sila ng may ngiti sa labi.
"Ahm, Irene.. I want you to meet Lissa, Kurt and Jio." Ngumiti naman ulit si Irene sakanila. "Ahmm, Guys si Irene nga pala.. yung kwene-kwento ko sainyo" pag papakilala ko sakanila.

Pero agad silang nag tinginan.
"I'm glad to meet you" saad ni Irene habang inaabot ni Irene ang kamay na aktong makikipag kamay pero tiningnan lang eto nila.

"Hoy! Glad to meet you daw!" Saad ko sabay tapik sakanila" agad naman silang kumilos at nakipagkamay.

At ayun, bumalik narin sila a pag kakaupo. Pero ba't ganun?! Bat parang may kakaiba. Tsk!.

"Bat parang ang tahimik nyo?" Takang tanong ko ng mapansing hindi na sila umiimik matapos dumating si Irene.

"Kaya nga" sabi namin ni Irene.

Nag sitinginan ulit sila bago nagsalita si Kurt.
"Hindi lang kasi kami sanay na may iba kausap, lalo na sa mga taong hindi pa naming lubos na kakilala"

"Really?" Nabigla naman ako ng sabihin yun ni Irene habang naka tingin sa mata ni Kurt. "Sorry, pero sa tuwing nai-kwekwento kasi kayo sakin ni Zein eh, masasaya daw kayong kausap.. pero ba't parang hindi ko maramdaman?" Nabigla naman ako sa sinabi ni Irene.

"Bakit ano bang gusto mong iparamdam namin sa'yo?! Yung saya na sinasabi mo?!" Nabaling naman ang tingin ko kay Jio ng bigla nya yung sabihin.

"What if I say yes that's what I want.." aktong magsasalita pa sana si Jio ng unahan na sya ni Lissa.

"Alam mo Jio, Kurt diba may klase pa kayo?! Tara na baka malate pa kayo!" Pag kokombinsi ni Lissa sa dalawa, pero nakatingin lang si Jio at Kurt kay Irene.

"Sige Zein mauna na kami may klase pa tong mga to!" Pag papa-alam ni Lissa

"Sige" at bigla nalang hinala ni Lissa ang dalawa.

Nabaling ang tingin ko kay Irene na nakangiti habang kumakain.

Bat ganun?! Bat parang may kakaiba sa kanila?!. Anong meron sakanila ang hindi ko alam?!. Hayysss..





Accidentally In Love with the Bad Boy AgainWhere stories live. Discover now