Chapter 15: Comfort

4.9K 177 12
                                    



Pinagmasdan ko si Kurt habang nagmamaneho ng kotse nya papuntang airport. Magmula kagabi ng makauwi ako ng bahay hanggang sa paggising ko, nawalan na akong gana.

Ang pinakamahirap na sitwasyon...

Natauhan ako ng biglang hawakan ni Kyle ang kamay ko ng napaka higpit. Tiningnan ko sya sa mata habang nararamdaman ko sa mukha nya na gusto nya akong ngumiti.

Buong byahe walang nagsasalita samin, kung wala nga lang radyo sa kotse ni Kurt paniguradong nabingi na kami dahil sa katahimikan. Hanggang sa makarating na nga kami sa airport. Bumalik lahat ng ala-ala. Kung dati ako yung dapat aalis.. ngayon si Kyle naman. Pero hindi tulad ng dati.. napigilan nila ang pag alis ko.. eh ngayon kasi, hindi ko kayang gawin. Psh!. At sobrang naiinis ako sa sarili ko.

Napatingin ako sa kamay namin na hanggang ngayon magkahawak parin. Nagtitigan kami hanggang sa naramdaman kong may namumuong luha na mula sa mga mata ko. Pero bago yun tuluyang bumagsak.. agad yung pinunasan ni Kyle gamit ang kanyang kamay.

"Mag ingat ka ha! Aalagan mo sarili mo dun!. Wag ka masyadong mapapagod.. walang Zein ang magbabantay sa'yo dun kaya umayos ka!, Pag nakarating ka na dun, balitaan mo kami ha!. " Pagbibilin ko habang pinipigilang wag tuluyang humagulgol.

"Opo.. Ikaw rin.. wag kang magpapagod, ingatan mo sarili mo ha! Dahil kung hindi.. hindi na ko uuwi dito."  Natawa naman kami bigla sa sinabi nya.

Humakbang sya palapit sakin at bigla akong niyakap ng napaka-higpit at hinalikan sa noo.
"love you Zein" saad nya habang ang higpit ng pag kakayakap sakin.

"Ma m-miss kita.." yun nalang ang huling nasabi ko sakanya bago nagpakawala sa pag kakayakap.

At yun nagpaalam narin sila Jio, Kurt at Lissa kay Kyle. Hanggang sa nagsimula na ngang naglakad palayo si Kyle mula sa kinatatayuan namin.

Bigla akong napayuko ng maramdaman kong tuluyan ng bumagsak ang luha kong kanina ko pang pinipigil. Oo, masakit.. kasi kahit na sabihing babalik parin sya dito hindi ko mapipigilang wag syang ma miss lalo na sa oras nato.

Inangat ko ulit ang ulo ko para tingnan sya at...
"Kyleee!!" Biglang sigaw ko dahilan para tumigil sya at lumingon. Agad na gumalaw paa ko papunta sakanya. At agad ko syang niyakap ng napaka-higpit ng makarating na ako sa harap nya.

"Kyle.... Promise mo sakin iingatan mo sarili mo.."may garil sa tonong sabi ko.

Bigla syang ngumiti sabay angat ng baba ko.
"Aking sinta, ikaw na ang tahanan at mundo
Sa pagbalik, mananatili na sa piling mo
Mundo'y magiging ikaw" ngumiti ako ng pilit matapos nyang sabihin yung linya ng kantang yun.

Isang halik ulit sa noo ang iniwan nya matapos maglakad ulit palayo sa kinatatayuan ko. Hanggang sa mawala nalang sya sa paningin ko. Isang napakalalim na hininga ang pinakawalan ko.

Nabaling ang tingin ko kay Lissa na nasa tabi ko habang inaabot ang panyo.
"I think you need this" pag aalok nya.

Ngumiti ako ng pilit bago nagpasalamat saka kinuha ang panyong inaalok nya.

Pagkatapos ng eksenang yun hinatid narin nila ko sa bahay, inaalok nga sana nila akong gumala pero wala akong gana. Sobra akong nanghihina ngayon, parang isang buong taon akong pagod na pagod sa kung anong bagay at ganito nararamdaman ko ngayon.

Napahiga ako sa kama ko ng maramdaman ang panghihina sa katawan ko. Hayysss. Napakagandang araw naman to.... Psh!.

Natuhan ako ng bigla akong may narinig na ringtone. Walang gana kong kinuha ang laptop, at bigla akong nabuhayan ng makita kong tumatawag si Nikko. Inayos ko muna ang sarili ko bago sinagot ang video call.

"Hi Nikko!" Masiglang bati ko sa kanya, pero ikina-kunot noo ko ng mapansing di nya ko binati pabalik. "B-bakit?! Teka! Anong tingin yan ha??" Takang tanong ko sakanya.

"Zein, okay lang ilabas kung ano man ang nararamdaman mo ngayon... Handa akong makinig.." natigilan ako ng maisip ang sinabi nya.

At nagsimula na naman akong panghinaan.
"Alam mo Nikko... kung magkukwento ako ng nararamdaman ko ngayon, baka mas lalo akong malungkot" saad ko sa may pag ga-garil na boses.

"Pero, mas makakatulong parin kung may tao kang mapagsasabihan ng nararamdaman mo.. Mas mababawasan ang iisipin mo, ang lungkot at dinadala mo.." napangiti ako ng pilit sa sinabi nya.

"Nikko... Pwede bang umuwi ka ngayon dito?. Kasi kaylangan ko ng balikat na maiiyakan.." napangisi sya sa sinabi ko.

"Kung pwede nga lang sana... ginawa ko na." Napa buntong hininga ako ng maramdaman ko na namang may namumuong luha sa mata ko.

"Alam mo kung ano nararamdaman mo ngayon?! Natatawa!, kasi hindi ko inaakala na iniiyakan ko ngayon yung taong gustong-gusto kong mawala sa paningin ko nung panahong galit na galit ako sa kanya." Mariin kong sabi.

"Kung dati, halos bwiset na bwiset ako sakanya dahil sa pang aasar nya, nung panahong lagi nya kong pinagtitripan... Pero ngayon, kulang nalang sundan ko sya dun para lang makasama sya.."

"Alam mo Zein, hindi kita masisisi kung ba't ganyan ang naramdaman mo ngayon.. alam ko mahal na mahal mo sya... at takot kang mawala sya sa'yo..."

Oo, yun nga ang maaariang dahilan.

.

Hayysss.. pagkatapos ng pag uusap namin ni Nikko,magpaalam narin kami sa isat-isa.. masyado na akong nakakaabala sakanya at nahihiya ako para dun.

Nabaling ang tingin ko sa orasan ng mapansing madilim narin sa labas. Natauhan ako ng biglang may kumatok sa pinto, at nakita ko si kuya  na nakasandal habang nakatingin sakin.

"Hmm, kuya dyan ka pala?!. Ahh,may kaylangan ka ba?!" Dire-diretso kong tanong pero hindi nya ko sinagot at humakbang nalang papalapit sakin.

"Ahmm, I'ld just want to give you this.. cause I think you really need it" saad nya sabay abot ng isang balot ng tissue.

"Teka?! Sa tingin mo anong gagawin ko dyan sa isang balot na tissue na yan?!" Napa buntong hininga sya sa sinabi ko.

"Siguro naman.. naiintindihan mo na ko ngayon.." bigla na naman akong nanghina.

"Oh Bakit?!" Tanong ko

"Wala lang... nakakatawa lang kasi isipin, na halos pareho tayo ng pinagdadaanan.." bigla akong napaisip tuloy at natawa ng ma relize ko yun.

"magkapatid nga talaga tayo" sabi ko nalang habang pinilit tumawa.

"Haysss... Halika nga dito" saad nya sabay lapit sakin na aktong yayakapin ako. Lumapit naman ako sakanya at niyakap sya ng napaka-higpit.

Sa kabila ng kalungkutan ko ngayon, May tao paring handang mag comfort sakin, wala man dito si mama at papa pero andito naman ang pinakamamahal kong kuya.




Accidentally In Love with the Bad Boy AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon