Chapter 33

4.1K 125 5
                                    

Andito ako ngayon sa cafe, kakatapos lang ng klase namin ngayong araw at ngayon, tinatapos ko rin ang dapat kong tapusin, dahil bukas na kagad ang alis ko papuntang states.

Hanggang ngayon di parin mawala sa isip ko yung pang s-surprise ni ate Lia kay Kuya kahapon. Bigla tuloy akong na excite sa kung anong mangyayari pag ako naman ang mag s-surprise kay Kyle. Hahaha..

Kinilig tuloy ako ^_^

"Pwedeng maki-share ng table?" Naiangat ko ang ulo ko ng may nagsalita sa harap ko.

"Oh Jerome! O-Oo naman." sabi ko habang inaalis ang ibang folder sa mesa para malagyan nya ng gamit nya.

"Salamat" pero ngumiti lang ako. "Hinanap kita kaninang lunch at dissmisal pero hindi na kita naabutan sa room nyo, buti nalang naisipan kong dumaan dito sa cafe" saad nya habang nilalabas ang laptop mula sa bag nya.

"Ha? Bakit mo naman ako hinahanap?" Takang tsnong ko naman.

"Wala lang.." sagot nya sabay ngiti, dahilan para lumabas ang dimples sa pisngi nya.

"Pwede ba yun?" Natatawa kong tanong pero natawa lang din sya.

"Teka, ano tong mga to? Bat parang ang dami netong lahat!." Tanong nya habang tinitingnan ang ibang folders ko.

"Hm, reports yan sa iba't-ibang subjects.. yung iba naman assignments." Sagot ko habang tutok na tutok sa pagtipa sa laptop ko.

"Huh?! Eh, parang andami neto!. Kaylangan nyo na bang i-submit kagad lahat ng to?" Takang tanong nya parin.

"Hindi naman, actually sa susunod pang Linggo ang deadline, pero in-advance ko para isu- submit ko nalang to pag naka balik ko dito. " pag papaliwanag ko.

"Ha? Pagbalik mo dito?! E, san ka pupunta?" Natigil ako sa ginagawa ko at tiningnan sya ng nakangiti.

"Pupunta ako sa States para bisitahin si Kyle dun, at i-surprise narin dahil malapit na monthsary namin" sagot ko habang todo ngiti.

"Ganun ba?" Saad nya habang binigyan ako ng isang pilit na ngiti. "Sure ako na mag eenjoy ka dun lalo na't makakasama mo na ulit si Kyle" pagpapatuloy nya.

"Iniisip ko pa nga lang na e-excite na ko. E pano pa kaya pag nandun nako?!" sabi ko ulit habang kilig na kilig sa habang nag i-imagine.

"Hmm, gusto mo ba ng tulong para matapos mo na kagad yan" pag aalok nya.

"E, okay lang ba sa'yo?" Pero ngumiti lang sya sakin.

"Basta ikaw, okay lang sakin" Napangiti tuloy ako sa sinbi nya. Bigla kong naalala si Nikko sa kanya. Dahil bukod sa pareho silang mahin-hin, gwapo, matalino, matulungin pa.

At ayun nga, nagpatuloy na ulit ako sa ginagawa ko. Buti nalang pala at dumating si Jerome dito, mas napadali pagtapos ko sa ibang reports ko.

"Hmm, sige Zein una nako. Dadaanan ko pa si Mom eh" pagpapa-alam nya sakin.

"Ganun ba?, Sige. salamat nga pala sa pagtulong sakin dito sa mga to." Pagpapasalamat ko.

"Wala yun, basta ikaw.." sabi nya sabay ngiti. "Safe trip nga pala para sa pag alis mo ha!" pagpapatuloy nya bago naglakad palabas ng cafe pero napangiti nalang ako.

Ilang minuto pa, at napansin kong dumidilim narin kaya inayos ko na ang gamit ko para makauwi na. Ng makalabas na ako, natigilan ako ng makita ko ang lalakeng nakasandal sa kotse na parang may inaantay.

"Nikko" saad ko habang naglalakad papunta sa kinatatayuan niya.

"Kanina pa kita tinatawagan, di mo sinasagot.." sabi nya habang ang layo ng tingin. Bigla ko namang kagad kinuha ang celphone ko, pero namilog ang mata ko ng tumambad sakin ang 20 missed calls at 20+ messages.

"Nako! Sorry, di ko napansin e, may ginagawa lang kasi ako.. di ko namalayang naka silent tong phone ko" pagpapaliwanag ko.

"Kasama yung lalake kanina?" seryoso nyang sabi sabay tingin sa mata ko.

"Si Jerome?" Tanong ko, pero tinaasan nya lang ako ng kilay. "Wala yun, tinulungan nya nga ako tapusin tong reports ko " saad ko sabay taas nung mga folders na hawak ko.

"Hmm, Bakit nga pala andito ka?" Pag iiba ko ng usapan.

"Wala lang, sinusundo ka" magsasalita pa lang sana ako pero inunahan nya nako. "Tara na! gabi na, baka hinahanap kana nila tita" hindi natin ko nagsalita at pumasnalang.

Habang nasa byahe napatingin ako kay Nikko ng mapansin kong nakatingin sya sakin.

"Bakit?" Tanong ko dahil medyo nailang din ako sa pag titig nya.

"Tuloy na ba yung pag alis mo bukas?" Natigilan ako bigla sa tinanong nya.

"Oo" malumanay kong sabi sabay iwas ng tingin.

"Umuwi nga ako dito sa Pilipinas para makasama kayo tapos ikaw naman aalis.." Napatingin ulit ako sa kanya ng sabihin nya yun.

Haysss..

Matapos ang ilang minutong byahe nakarating narin kami sa bahay. At naabutan nga namin si Kuya at ate Lia habang abala sa pag luluto.

"Andito na kami" Agad naman silang tumingin samin ni Nikko.

"Oh! Sakto kakatapos lang maluto tong ulam" sabi naman ni Kuya.

"Oh Zein, Nikko.. mukhang ginabi kayo ah" sabi ni mama na kakababa lang galing kwarto.

"Hmm, May tinapos lang ako" sabi ko sabay mano.

"Ganun ba?, Oh sya kuman ka na  at ng makapagpahinga ka na, at Nikko! Dito ka na rin mag hapunan" pag aaya ni mama.

"Nako salamat po tita, gutom narin ako" sagot naman ni Nikko pero tumawa lang si mama.

Pagkatapos ng pag uusap namin dumeretso na kami sa dinning para maka kain na.

At habang kumakain, di ko maiwasang tumingin kay Ate Lia at Kuya. Sa nakikita ko ngayon, sobra pa sa sobra ang saya na nararamdaman ni Kuya Chris ngayon.

Hayss... Bigla ko na naman tuloy na alala si Kyle.

Kamusta na kaya sya dun?




Accidentally In Love with the Bad Boy AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon