Chapter 21

4.6K 136 4
                                    


Kinabukasan


Nagising ako ng maramdaman kong tumama sa mata ko ang sinag ng araw mula sa labas ng bintana ng kwarto ko. Pero natigil ako ng maramdaman kong medyo mainit ang katawan ko, medyo nahihirapan di akong makagalaw, pero pinilit ko parin igasw ang katawan ko.


Pagkatapos ko'ng maayos ang kama ko tsaka pumasok sa CR para makaligo. Pagkatapos ng ilang minutong pag ligo at pagbihis dumeretso na ko sa kusina.

"Oh Zein gisingi ka na?! Ang aga pa ha!" Ani mama habang nag luluto ng almusal. Pero hindi ko na nasagot si mama dahil medyo nanghihina ako.
"Teka? Okay ka lang ba?!" Tanong sakin ni mama ng mapansing di ako masyadong umiimik.

"Ok lang ako ma.." saad ko sa may malumanay na boses. Pero agad na lumapit sakin si mama at hinawakan ang noo ko.

"Oh! Medyo mainit ka nak ha! Okay ka lang ba talaga?" Tanong ulit sakin ni mama.

"Okay lang ako ma! Wag na kayong mag alala" sagot ko naman ulit.

"Hayss basta kong masama pakiramdam mo wag ka nang papasok ha!" Pagbibilin sakin ni mama pero ngumiti lang ako.

"Hmm.. asan na nga pala si kuya Chris?" Pag iiba ko ng usapan.

Magsasalita pa lang sana si Mama ng marinig namin ang yapak ni kuya pababa mula sa kwarto nya.

"Chris halika na't mag almusal dito!" Alok ni mama kay kuya pero hindi nya  inintindi si mama at diretso lang sa pag lalakad hanggang sa makalabas na sya ng bahay.

"Anong meron dun?" Takang tanong ko.

"Mas makabubuti siguro kong hahayaan muna natin sya sa ngayon..." Ani mama.

Tsk!.Problema na naman nun?! Psh!.

Pagkatapos kung makapag almusal, nagpaalam narin ako kay mama. Maaga pa naman gusto ko sanang maglakad papuntang campus pero wala akong gana sa ngayon.

Mga ilang minutong byahe nakarating kagad ako sa iskwelahan. Kainis kasi si kuya, di sana nakisabay nalang ako sakanya. Psh!.

Diretso akong naglakad papuntang room. Pero natigilan ako ng makita kong may lumabas galing sa room naming isang lalake habang naglakad paalis. Gumalaw kagad ang paa ko para makapunta dun. At nakita ko ang isang box ng cupcake at rosas na nasa table ko nanaman.

Di ko alam at bigla nalang akong tumakbo kung san dumaan yung lalakeng lumabas galing room kanina. Pero natgil ako sa pagtakbo ng makita ko dun si Jerome.

"Zein oh ba't hingal na hingal ka?" Tanong nya ng mapansin ako.

"Ahmm, may hinbol lang ako." Napataas bigla kilay nya sa sinabi ko.

"Sino naman?! Umagang umaga ha!" Taka nyang tanong.

"Di ko nga rin kilala eh! Pero mukhang sya yung nag iiwan ng mga Rose at mga chocolates sa room" saad ko.

"Hmm.. ganun ba?"

"Ahh, wala ka bang napansing lalaking dumaan dito?" Nagbabakasakaling tanong ko.

"Hm, kanina pako dito pero wala pang ibang taong nadaan dito bukod sa'yo" Aniya.

Magsasalita pa lang sana ako pero hindi ko nagawa ng bigla akong napahawak sa braso nya ng makaramdam ako ng pagkahilo.

"Zein! Okay ka lang?" Agad na tanong niya sakin.

"Hmm medyo nahilo lang" saad ko habang pinipilit tumayo ng maayos.

"Huh? Teka! Gusto mo bang idala muna kita sa clinic?!" Suhestiyon nya.

"Ahh Hindi okay nako.. Hmm, I-hatid mo nalang ako sa room ko kung pwede" saad ko ulit.

"Oh sige" agad nya naman akong inalalayan papuntang room.

Ng makarating na ko sa room natigil ako ng makita ko ang mga mata ng classmates kong nakatitig samin buti na nga lang at medyo konti palang ang tao.

"Hmm, sige Jerome thank you sa paghatid.." pagpapasalamat ko.

"Walang ano man basta kung may nararamdaman ka mang kakaiba magpasama kana kagad sa clinic ha?!" Bilin nya sakin. Ngumiti lang ako sa sinabi nya, kahit kelan talaga napaka concern nya sakin. Aktong paalis na sya ng lumingon pa sya ulit.

"Pwede nyo ba syang bantayan para sakin!" Nabigla ako sa sinabi nya sa mga classmates ko. Pero nginitian lang sya ng mga eto. Isang ngiti nalang ulit ang iniwan nya bago naglakad paalis.

"Hoy Zein! Ano yun ha!?"Natigilan ako ng biglang nagsalita sa harap ko ang isa sa mga kaklase ko. "Halaka ipinag papalit mo na ba si papa Kyle?!" Bigla ko ngang tinaasan ng kilay.

"Ano ka ba! Hindi noh! Kaibigan ko lang yun! Tsaka wag ka ngang magsalita ng mga ganyang bagay may nakarinig sa'yo bigyan pa ng maling impormasyon"

"Okay sabi mo eh!" Yun nalang ang nasabi nya pagkatapos umupo sa upuan nya. Hayss..

Maya maya pa nagsisimula narin dumami ang mga tao pagkatapos eh nagsimula narin ang klase. Habang tumatagal medyo nag iiba na pakiramdam ko, maging paningin ko nag blublur na. Pilit kong linlabanan ang pagkahilo ko pero mukhang hindi ko na kaya. Tatayo na sana ako ng bigla akong natumba. Rinig ko na ang mga boses ng classmates ko habang inaalalayan ako. Pinilit kong iminumulat ang mga mata ko pero parang may pumipigil sakin. At ang huli ko nalang natandaan eh nawalan ako ng malay.





Accidentally In Love with the Bad Boy AgainWhere stories live. Discover now