Chapter 8: Big Lie

6K 179 13
                                    


Sabado ngayon kaya naisipan kong puntahan si Kyle sa condo nya. Eh nag aalala parin ako kahit na sinabi nyang okay sya kagabi. 8:30 palang ng umaga kaya malamang tulog pa yun.

Pagkarating ko sa condo nya kumatok ako ng ilang beses pero walang nag bubukas, sinubukan kong pihitin yung door knob at bukas naman. Hmm,yung lalakeng talaga yun! Pano kung bigla nalang may pumasok na masamang tao dito! Edi nawala gamit nya.

Pagkapasok ko, bumungad sakin ang nag kalat na gamit nya. Ano namang ginawa nung lalakeng yun dito?! Tsk! Sumilip ako sa kwarto nya at ayun tulog na tulog. Lumapit ako at hinawakan ang nuo nya para tingnan kong may lagnat ba sya pero mukang wala naman, mukang pagod lang talaga sya kahapon.

Inayos ko nalang paghiga nya at kinumutan, at ayun! nagsimula na akong maglinis at magluto. Maya-maya pa habang kasalukuyan akong nag luluto.

"Zein?" Napalingon ako sakanya habang kumakamot sya sa ulo nya.

"Gising ka na pala? Hmm, sorry kung pumasok na ako dito, eh naiwan mong nakabukas yung pinto. " Pag papaliwanag ko.

"Hmm, Bat ka pumunta dito?" Tanong nya ulit sakin.

"Eh sa nag aalala ko sa boyfriend ko eh!" Sabi ko sabay ngiti. Nginitian niya rin ako pabalik at humakbang papunta sa kinatatayuan ko.

"Ang swerte ko talaga sa girlfriend ko" saad nya sabay kinurot ang pisngi ko.

"Alam mo pasalamat ka at nadadala mo ko dyan sa pag pa-pa cute mo, eh pagka aga-aga ginawa mo kong kasambahay dito!" Bigla nya akong tinaasan ng kilay.

"Sino ba kasing may sabi sayong linisan mo tong lungga ko?" Sinamaan ko nga ng tingin. "Eto naman di mabiro, thank you na!" Buti nalang talaga at mahal na mahal ko tong unggoy na to.

"Teka ano yang niluluto mo? mukang hindi naman masarap!" Siniko ko nga.

"Wow ah! Ikaw na nga lang tong pinag luluto, tsaka fyi magaling akong mag luto okay!." Depensa ko.

"Tsk! Tikman ko nga" tapos kumuha sya ng tinidor at ayun tinikman nya yung spaghetti na kakahalo ko palang nung sauce.

Pagkasubo nya tumingin sya sakin sabay sabi.."Ang panget ng lasa!" sinamaan ko na naman ulit ng tingin.
"Tikman mo" sabi nya sabay tutok sakin nung tinidor na may spaghetti. Isusubo ko na sana ng bigla nyang sinubo sa bibig nya yung tinidor. Nakakainis din talaga tong lalaking to.

"Ano ba Kyle Eth--." hindi ko na natapos sasabihin ko ng bigla ko nalang naramdamang nag init ang labi ko matapos mamalayan na magkadikit ang labi namin.

Biglang nag init pakiramdam ko, hindi ko alam kong dahil sa mainit pa ang spaghetti na nanggagaling sa bibig nya oh dahil sa halik nya. Ilang minuto din ata kaming nasa ganu'ng posisyon ng makaramdam na ako ng ilang at dumistansya na ako sakanya.

"Oh ano masasabi mo?" Tanong nya sakin habang nakangiti.

"A-Ang sarap.." bigla syang napangisi sa sinabi ko.

"Alin dun?" tanong nya ulit habang nakatingin sa mga mata ko, pero hindi ko sya magawang tingnan dahil sa mga biglaang pangyayari.

"Huh?"Bigla tuloy akong napaisip. "Ang ibig kong sabihin eh yung spaghetti diba masarap naman! Para-paraan ka lang kasi." Napangisi na naman sya ulit.

"Alam ko namang masarap talaga mag luto ang girlfriend ko eh!" Enebehhh... Kenekeleg eke!.

.

Pagkatapos nung ka kornyhan na yun, sya na nag hain sa mesa, at ayun pinagmamasdan ko lang sya habang kumakain. Bigla namang may pumasok sa isip ko. "makita lang kita, busog na ko" Di ko alam at parang naramdaman ko yung ibig sabihin nun habang ping mamasdan ko sya— kahit hindi na ako kumakain makita ko lang sya habang nasasarapan sa luto ko busog na ko.

"Alam ko'ng gwapo ang boyfriend mo pero, baka naman matunaw nako dahil dyan sa titig mo?" Natauhan naman ako bigla.

"Kapal mo!. Eh daig mo pa kasi ang bata kung kumain!."

"Tsk! Oh eto!" Saad nya sabay tutok sakin nung spaghetti.

"Yoko nga! baka kung ano naman gawin mo?!" Bigla syang napangiti.

"Hindi na.. promise!" Tinaasan ko muna sya ng kilay bago ko sinubo ang spaghetti. At grabe nakaka proud! Grabe.. ang galing mo talagang mag luto Zein!.

"Teka lang." Tingnan ko sya ng bigla nyang hinawakan sa bandang lower lip ko. "Eh ikaw nga tong parang bata kong kumain" sabi nya sabay pakita sakin nung sauce na nasa daliri nya. Pero nabigla ako ng sinubo nya yun sa bibig nya.

"Hoy! Bat mo sinubo?"

"Bakit bawal?" Di ko alam at sa mga oras na to eh, sobra akong kinikilig sa mga inaasta niya ngayon.

Habang tinitigan ko sya habang kumakain biglang may nag ring sa cellphone ko. 1 new message from Irene.

"Zein, kelan tayo mag paplano para sa activity?" Bigla naman akong napangiti.

"Hmm, wala pang sinasabi si prof eh" agad na reply ko. Grabe, parang ang bilis ng mga pangyayari, at ngayon di ako makapaniwala na nag uusap kami ng normal ni Irene.

"Sino yan?" Bigla akong natauhan ng itanong nya yun.  "Teka wag mo sabihin yun yung lalakeng--.." bigla ko ng pinutol ang sasabihin nya.

"Hindi! Classmate ko lang to, eh, may itinatanong lang para sa darating na activity" pag papaliwanag ko.

"Hmm.. siguraduhinm mo yan ah!" Saad nya habang ang sama ng tingin sakin. Pero natawa nalang ako. Sana lagi nalang ganito. Yung masaya kami araw-araw.

"Ahmm. Tungkol nga pala dun sa pag alis ko" Natigilan ako ng sabihin niya yun. "Hmm, baka sa isang buwan na yun!" Isang buntong hininga ang pinakawalan ko.

"Hmm ganun ba?" Yun nalang nasabi ko. Hindi ko alam ko'ng pano sya kakausapin sa ganoong topic. Dahil panigurado iyakan ang uwi neto.

.

Pagkatapos nun, nag paalam narin ako sakanya, eh marami pa akong kaylangan tapusin eh binisita ko lang naman sya para makasiguro na okay sya.

Ng mapadaan ako sa mall eh naisipan ko'ng bumili na ng mga school supplies.

Pagkatapos kung makabili eh naglakad narin ako papuntang parking area ng.. bigla kong nakita si Mr.Chocolate Cake ay este Jerome pala.

Pero teka sino yung kausap nya? Ts! Hindi ko nalang sana iintindihin ng makita kong nakatingin sya sa direksyon ko. Maya maya pa naramdaman kong lumapit sya sa kinatatayuan ko. At grabe! Amoy na amoy ko ang pabango nya na ng aakit.

"Zein! Andito ka rin pala!" Saad nya ng makarating na sa kinatatayuan ko.

"Hmm, Oo.. eh uuwi narin nga ako eh"

"Ganun ba?" Saad nya sabay tango.

"Ahmm.. Si-sino yung kasama mo kanina?.. girlfriend mo bayun?" Bigla namang lumabas sa bibig ko yung mga salitang yun na dahilan sa pag kangisi nya.

"Ahmm no! That was my cousin, and thanks for asking, I don't have a girlfriend" tinaasan ko sya bigla ng kilay.

"Huh? Wala kang girlfriend? Tsk! Big Lie!" Saad ko sa may di makapaniwalang tono—pero tinawanan nya lang ako.

"Promise! Wala talaga!" Sabay taas ng kamay na parang nag p-promise.

Tinaasan ko nalang sya ng kilay sabay sabing."Ok" kahit na sa kaloob-looban ko eh hindi ako naniniwala.

"Hmm, Ikaw? Musta kayo ng boyfriend mo" natigilan ako ng marinig yun mula sa kanya.

"Huh? Pano mo?.." hindi ko na natapos sasabihin ko ng inunahan nya nako.

"Ahm, maybe because I heard alot about him at school." Tsk! Ganun ba talaga ka sikat yung unggoy na yun dun sa campus? Psh!.

"Ahmm ok lang naman kami!.. infact ka kagagaling ko pa nga lang sa condo nya eh"

"I see.." saad nya sabay tango.




Accidentally In Love with the Bad Boy Againजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें