Chapter 39

5.7K 206 227
                                    

Nikko's PoV





Nagpakawala ako ng malalim na hininga habang pinagmamasdan si Zein na nilalagay ang gamit nya sa maleta.

Sa nakikita ng mata ko ngayon, isang Zein na napapalibutan ng halo-halong emosyon. Gusto ko syang pigilan, gusto ko syang yakapin, gusto ko'ng palakasin ang loob nya, pero alam ko'ng hindi yun ganun ka dali.

Nag kausap na kami ni Kyle kanina matapos umalis si Zein, at kwinento nya sakin kung bakit nagkaganu'n ang itsura ni Zein ng maklabas sya sa opisina ni Ken.

At ako mismo ang nakakaramdam ng pagka guilty. Oo, ako ang nagi-guilty, dahil hinayaan ko pang umabot sa ganito. Kung sana noon ko pa sinabi lahat, ko'ng sana noon palang naipaliwanag na namin kay Zein lahat ng tungkol kay Irene, di sana di na aabot pa sa ganito.

Kahit na gusto ko ng ipaliwanag kay Zein ngayon lahat lahat. Mas uunahin ko parin ang nararamdaman nya sa oras na to. Mas makabubuti ko'ng kaming lahat ang magpapaliwanag sakanya.

Napalunok ako ng bigla syang tumigil sa paglagay ng mga gamit nya at dahan-dahang napaupo sa sahig habang patuloy sa pagtulo ang luha sa mata nya. Agad naman akong kumilos para lapitan, at binigyan sya ng yakap.

"Sobrang tanga ko!" Saad ni Zein habang ramdam ko ang panginginig ng buong katawan nya kasabay ang unti-unting panginginig ng boses nya.

"Masyado akong nagpka kampante, ni hindi ko manlang inisip na pwedeng gawin tong lahat ng to ni Kyle noon pa lang." Pagpapatuloy nya.

"Pano kaya kung di ako pumunta dito?, siguro hanggang ngayon patuloy parin akong maniniwala sa mga panloloko nya." Nagpakawala ako ng malalim ng hininga bago nagsalita.

"Zein, ako na mismo magsasabi sa'yo, Mahal ka ni Kyle." pagpapalakas ko ng loob nya pero alam ko'ng hindi yun sapat para paniwalaan nya.

"Mahal? E bat nagawa nya ko'ng lokohin?!. Bat nya nagawang gawin lahat ng to sakin? Pinagmukha nya ko'ng tanga! Pinagmukha nila akong tanga! Hinayaan ko silang bilugin ang utak ko." Mariin nyang bitaw sa mga salitang yun. "Sobrang tanga ko.." at tuluyan na ngang nag crack ang boses nya habang sinasabi ang mga salitang yun.

"Pero, Hindi ginusto ni Kyle mangyari ang lahat ng to." Pero agad syang tumayo at tiningnan ako sa mga mata ko.

"Nikko, pwede bang tigilan mo na ang pag tatakip mo dyan sa kaibigan mo! Kung gusto mong syang kampihan wala akong magagawa, pero hindi nya mababago yung sakit na nararamdaman ko ngayon." Saad nya habang nagpatuloy sa paglalagay ng mga gamit nya sa maleta. "Uuwi nako ng Pilipinas" pagpapatuloy nya pero napalunok nalang ako.

"I'm sorry" mahina ko'ng sabi habang napapikit nalang.

Habang patuloy lang sya sa pag e-empake. Bigla akong natauhan ng marinig ko ang doorbell mula sa baba. Tumingin muna ako kay Zein bago naglakad pababa para pagbuksan kung sino man ang nasa labas.

"Asan si Zein kaylangan ko syang makausap." Agad na bungad ni Kyle na halata sa mukha ang pagka-aligaga.

"Ken, mas makakabuti ko'ng hahaayaan muna natin sya sa ngayon" sabi ko.

"Pero kaylangan ko syang makausap, Kaylangan ko'ng magpaliwanag." Pangungulit nya habang aktong sumisilip sa loob ng bahay.

"Pre!, Kung ikaw ang nasa posisyon ni Zein ngayon, Sa tingin mo ba gugustuhin mong may mabublabog sa'yo matapos ang lahat ng nakita nya?" Pangongonsensya ko. "Hayaan na muna natin si Zein, yun ang kailangan nya ngayon." Pagpapatuloy ko.

Pero napabuntong hininga ako ng makita ko ang tumulong luha sa mata ni Ken ngayon. Gusto ko syang tulungan para maayos ang lahat ng to, pero alam ko'ng hindi yun ganito kadali.



.




Andito kami ngayon sa airport sa may — waiting area, habang iniintay ang sunod na flight. Kahit na alanganin, ginawan ko ng paraan para lang mailayo si Zein sa lugar na to. Dahil di ko alam ko'ng pano ko to masosolusyonan sa ngayon lalo na't alam ko'ng di nya ko pakikinggan. Kaylangan nya ng taong pag bubuhusan nya ng emosyon at paglalabasan nya ng sakit sa ngayon.

Maya-maya pa narinig na namin ang sunod na flight, At walang ano-ano at agad na tumayo si Zein. Huminga nalang ako ng malalaim bago nagsimulang humakbang para sumunod sa kanya.

Pero natigil ako ng marinig kong may tumawag sa pangalan ni Zein, at ganun din sya. Kaya agad naman kaming napalingon. At nakita ng mata ko ngayon si Ken na tumatakbo papalapit kay Zein.

Gusto ko syang pigilan pero alam ko'ng di ko kakayanin ang makipag tigasan kay Ken sa pagkakataong eto.

"Zein, pakinggan mo ko.." rinig ko'ng pagmamakaawa ni Ken kay Zein.

"Pakinggan?" Mahinang sabi ni Zein sabay ngisi. "Alam mo, sana noon palang naisip mo na lahat ng yan. Sana nung una palang sinabi mo na, nung mga panahong di pa nabibilog ang utak ko ni Irene lalong lalo na ikaw!" Mariin nyang sabi.

"Pero Zein-.." hindi na hinayaan ni Zein si Kyle na tapusin ang dapat na sasabihin nya ng unahan na eto ni Zein.

"Kyle please.." mahinang sabi ni Zein na ramdam ang pagmamakaawa sa awra ng mukha nya.

Napatingin ako sa kamay ni Kyle na ngayon ay dahan dahang kumakalas sa pagkakahawak sa braso ni Zein. At nagsimula na ulit maglakad si Zein habang napapapunas sa pisngi nya.

Humakbang ako palapit sa kinatatayuan ni Ken.
"Wag kang mag alala, akong bahala sa kanya.." pagpapalakas ko ng loob kay Kyle bago sumunod kay Zein.

Bakit ko ba hinayaang mangyari ang lahat ng to kung noong una palang dapat umaksyon na ako. Ayokong nakikitang nagkakaganito ang mga taong mahal ko.













Accidentally In Love with the Bad Boy AgainOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz