Chapter XXX-a (A trap)

65.7K 1.2K 192
                                    

ASAR~! San na ba yung si Kapre???!

"Padaan..." yan lang lagi kong sinasabi habang pinipilit na makalabas sa mga nagsisiksikang tao dito. Andito ako ngayon sa Mall at sobrang dami ng tao dahil may artistang dumating.. wag nyo ng itanong kung sino kasi kahit ako mismo, di ko kilala -___- Pake ko ba sa mga yan?

Sobrang sikip talaga ng dinadaanan ko!!! Meh gheeed! Bakit ba kasi dinudumog yang mga artistang yan?? Eh tao din naman sila. Kainis! >:(( Para tuloy akong nasa loob ng lata ng sardinas.. di ako makalabas ng tuluyan. Tas nawala pa si Kapre..San na ako pupulutin ngayon!?! Buset o.

"Excuse me~" Yan naman para maiba. Aissh >.< Bakit pa kasi ako sumama sa kanya kung magkakahiwalay din kami?! Psh +____+ Next time, di ko na talaga sya sasamahan pag may ganitong event. Nakakamatay to eh! Maubos pa hangin sa sobrang dami ng tao.. 

Nagtutulakan na din yung mga tao at nagtitilian na din. Halatang lalaki yang artista na yan.. tignan mo ba naman tong mga babaeng andito??? =_____= Tch. Pero wapakels pa din ako at nagpupumulit pa rin makawala sa sobrang sikip na part na to ng mall... which is this activity center. 

Si Kapre kasi eh! Sabi nya baka dito namin mahanap si Ate Jilian since fan sya ng kung sino mang artista na yan. Oh ngayon? Di pa nga nahanap si Ate, nagkahiwalay pa kami. Spell MALAS? AKO. Nahawaan sa kamalasang dala ng Jasper na yun >3<

"Aray!" napahiyaw ko nang may bumunggo at tumulak sakin. 

"Umusog ka nga!" Aba't--!!! >:((

"Usog ka dyan?! May nakita ka bang espasyo Ate??? San san? Ituro mo nga ng makausog naman ako!" Sinamaan ko sya ng tingin at inirapan. "I-usog ko yang mukha mo eh! Bwiset." 

Ang kapal nya naman kase eh! Sino ba nanulak? Sya dba? Tas makautos parang utusan nya ako ah! Sapakin ko sya ng rubber shoes ko eh. =.=

Hindi naman sya nakapagsalita pati yung mga nakarinig malapit samin. Tameme lang sya kaya iniwan ko na. Pang dagdag lang sa init ng ulo ko eh!

. . .

At matapos ang 516516165 years ... sa wakaaaaas~  nakalabas na ako! ^___________^v Nakahinga na din ako ng maluwag.. salamat~ :) Pinahid ko muna ang pawis ko ng panyo at nag spray na din ng perfume. If I know kasi, humalo na amoy nila sakin.. eh sa ayaw ko ng ganun eh.  Pano nalang pag ma-meet ko ang Mr. Arellaño ko dba? (*o*)

Di si Xavier ha? -.-

Dumaan kasi kami kanina ni Kapre sa isang manghuhula. Nilibre nya naman ako kaya nagpahula na din ako.. tas ayun, sabi nya makakasama ko daw ngayong gabi ang aking soulmate~! 

HAHAHAHA! Actually, di ako naniniwala dun :D Hula lang kaya yun.. like duh! Pero kelangang prepared ako, baka sakaling magdilang anghel si Ale kanina :)

Luminga linga ako sa paligid. "Ang problema ko nalang ay san mahahanap--mmmm!!!" Naramdaman ko nalang na may kamay na biglang nagtakip ng panyo sa bibig ko >__< fck!

I'm courting my geek Professor [PUBLISHED BY VIVA PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon