Ch. 31

5.1K 110 1
                                    


Ch 031
Timer Starts Now

"So how did it go?" Pang-uusisa ni Jenna habang nasa byahe kami pa-Buenos.

"Alin?" Tanong ko naman.

"Kayo ni Henry. Kayo na ba?" Sagot niya.

Umiling ako. In a split second ay nahampas ako ni Jenna sa balikat.

"Aray!" Reklamo ko. Masakit yun ha!

"Bagay lang sayo!" Buwelta niya. "Sinundan mo na yung tao sa Zambales, at siguro naman may chance kayong makapag-usap ng pribado kanina sa Subic diba? Waley pa rin?"

Napabuntong-hininga ako.

"Eh sa hindi ko masabi." Saad ko. "Kulang ako sa lakas ng loob."

"Kailan mo sasabihin? Kapag wala na si Henry?" Biglang sabi niya na dahilan para mahampas ko rin siya sa braso.

"Hoy! That's not a good thing to say!" Saway ko sa kaniya.

"Wala ka man lang bang fears na baka maging too late na kapag umaksyon ka? Paige, come on, it's 2018. The world is not doing so good."

"Jen, I've dropped so many hints. Alam niya naman na siguro by now. Why do I have to spell it out?" Reklamo ko.

"Because that way it would seem genuine and heartfelt. Hindi ba?" Seryoso niyang sagot. "Kahit na alam kong mahal ako ni Trench mas masarap pa din pakinggan kapag siya mismo ang nagsasabi sa akin. I'm sure you've felt this way noong kayo pa ng ex mo. Bakit ka nahihirapan ngayon?"

Yan din ang tanong ko sa sarili ko. What is holding me back?

Is it the uncertainty? Na baka kapag nag confess ako ay hindi pala niya kayang ireciprocate ang nararamdaman ko?

"Saan ka ba takot, Paige?" Pahabol ni Jenna. "Na baka mareject ka?"

Napatingin ako sa kaniya.

Lintik.

Manghuhula ba 'to?

"Tama ako, noh?" Aniya.

Hindi ako sumagot. Siguro nga ay ganoon.

"Or are you hesitant because you want to be the one being chased? Kasi babae ka? Kasi kultura sa Pilipinas na ang babae pinaghihirapan at ang lalake ang naghahabol?" She said.

"Genuine love is selfless. It knows no culture and it defies the norms." Dagdag niya. "Ayaw kong umabot pa sa point na pagsisisihan mo kung bakit hindi mo agad sinabi sa kaniya."

"I'll tell him when he arrives in Buenos. Susunod daw siya." Sagot ko.

Nakita ko siyang umiling. Parang iba ang kaniyang timpla simula pa kanina.

Kahit noong pagdating ng Buenos Grande ay medyo tahimik siya. Pagkaraan pa ng ilang sandali ay dumating sina Aris at Franc para sunduin siya.

Alam na pala nila na darating si Jenna? So if she's going to stay with my cousins, then maiiwan na naman pala akong mag-isa sa bahay? Ang saya naman!

Mabuti nalang at magiging busy na ako simula bukas para sa hotel. Lots of planning. Lots and lots of it.

In fact, I've been receiving a lot of text messages and emails since yesterday. Hindi ko lang pinansin dahil nakatuon sa ibang bagay ang atensyon ko. Pero ngayon, I should spend a little time reading all of them.

Most messages weren't urgent, but one was about a speech I have to deliver a month from now. I'm not a very good public speaker, but I know this isn't a situation I can run away from.

So I decided to go to the study and look for my dad's compilation of speeches. He had that kind of book. Yes. It was a compilation of all the speeches he ever gave. Mind you, nadadagdagan 'yun as time goes by because he never stops giving speeches.

Alam kong nandito 'yun. If my memory serves me right, binalik ko 'yun dito after I used it as reference for my cum laude speech back in college.

As I was browsing through the books on the shelves, a navy blue planner caught my attention.

I'm a fan of planners, kahit hindi ko naman sila napupuno sa loob ng isang taon. I just liked having them.

Binuksan ko ito dahil ngayon ko lang nakita ito sa study. I know dad never had one. Hindi siya fan ng mga ganiyan. What's even weirder is that it seemed old. How come ngayon ko lang ito nakita dito?

Usually ay may isang pahina sa mga planners para sa personal information at hinanap ko iyon. To my utter surprise, the planner belonged to Henry Ford Montañer.

What is his belonging doing here? Sa study namin?

I read through his personal data hanggang sa baba, kung saan may mga columns at ang headings ay

My Ailments

at

My Medications

Meron pang ibang column pero hindi ko na pinansin pa. Naagaw na ang atensyon ko ng nakasulat under the "My Medications" column.

Alam ko ang gamot na iyon. Dad used to take it when he was suffering from vertigo.

Nakaramdam ako ng kaba. Hindi ko maintindihan. Has Henry been suffering from vertigo? I never heard of it.

Walang nababanggit si Jenna at hindi ko rin na-witness noong tumira ako sa bahay niya para alagaan siya.

Narinig kong may kumakatok sa pinto kaya ibinalik ko ang planner sa shelf at lumabas.

"May naghahanap sa iyo sa baba." Saad ng aming kasambahay.

Dali dali akong bumaba upang makita ang bisita.

He was indeed true to his words. Noong sinabi niyang susunod siya ay tinupad niya nga. Napangiti ako, pero sa loob ko ay para akong nanghihina.

"Ang bilis mo naman?" Puna ko. "Kakarating ko lang din eh."

"I told him I had urgent personal business to attend to. He let me go after the papers were signed."

I nodded. "Are you hungry? You need anything?"

"You know what I need, Paige."

Natahimik ako. Oo alam ko. Kailangan niya ng confirmation mula sa akin. Gusto ko na rin itong ibigay, pero bago iyon, I want to clear something up dahil nababagabag talaga ako.

"Bago 'yun, is there anything you want to tell me?" Sabi ko.

Nagsalubong ang kaniyang mga kilay.

"Like what?" Aniya.

"Like important stuff that I should know? Or secrets that you might... wanna share with me?" Sagot ko.

"I don't know what you heard, or saw, or found out, but the truth is, wala akong tinatago sayo." Aniya.

So ano yung nabasa ko kanina? Ano yung planner na 'yun? Joke? Gusto ko ng kunin sa study upang ipakita sa kaniya pero I chose not to.

"I'll give you three days to tell me anything that I need to know. Sa ngayon, you can use the guest room and get some rest. Let's call it a night." I told him.

"It's already dawn, Alexana." Pambabara niya.

"Who cares?" I raised a brow. "Go to bed."

The timer starts now, Henry. I will not open that planner because I want you to be honest with me. If you trust me enough, then I don't need any damned notebook to tell me stuff about you because you will tell me yourself.

Do you even trust me?

When The Heart Beats (Completed)Where stories live. Discover now