Ch. 07

6.8K 152 0
                                    


Ch. 007
Fed Up

"He didn't know who you were?" Tanong ni Mrs. Montañer sa akin. Henry already left, but I stayed seated dahil sa gulat.

"Alam niya po ang pangalan ko..." I replied.

"But your identity?"

"What do you mean po?"

His dad cleared his throat. "Hindi niyo pa pala kilala ang isa't isa? Your father was Henry's professor back in college nung nagpapart time pa ang Daddy mo sa university na pinapasukan ni Henry. My son hated your father kasi hindi niya maintindihan ang lessons nito at grabe daw magpa-exam. Napahiya niya rin si Henry sa buong klase kaya naman galit na galit ang anak ko."

"Hindi ko po alam na may ganoong nangyari." Kahapon lang kami nagsimulang mag-usap ng maayos. Dati puro mura at sigaw lang naririnig ko sa kaniya. Tapos ngayon, masisira na naman lahat.

"He had to add one year dahil lang binagsak siya ng Dad mo. Henry was devastated. Kasi nangako siya sa Lola niya na makakapagtapos siya on time, but he failed. His grandma died before he could graduate." His mom said.

"Sorry, I didn't know." I looked down.

"Nung tinanong ko si Jen kung ano ang pangalan mo ay nagsaliksik kami tungkol sayo at doon nga namin nalaman na anak ka ni Prof. Guzman." His mom added. "Alam kong mali na naghihimasok kami but he needs to know. He needs to let go of that chapter in his life so he could move forward."

"Naiintindihan ko po. Alam kong malupit si Daddy sa mga estudyante niya noon kaya nga kinumbinsi siya ni Mommy na magresign na at magfocus nalang sa business. Pero hindi ko alam na may ganon silang encounter ni Henry."

"You two should talk pero saka na siguro kapag naayos na ni Henry ang issue niya sa kaniyang sarili. He needs to see the fact na wala kang kinalaman. Labas ka dito." Mr. Montañer said. "Aalis na rin kami maya maya dahil sumaglit lang talaga kami para icheck ang kalagayan ni Henry. Now that we saw he's fine at nandiyan ka naman, hindi na kami magtatagal pa. Sorry for bringing such bad news."

"Okay lang po yun..." We can manage. We have to manage. We're adults, after all.

Gaya ng kanilang sinabi, umalis nga sila that same night. Parang nag dinner lang sila tapos gora na. Siguro it has something to do with them being so busy kaya may tampo si Henry sa kanila. Only child siya pero hindi nabibigyan ng maraming oras at atensyon dahil busy ang mga magulang niya.

Hay naku. Kung kailan okay na kami, mag-iinarte siya dahil lang sa nangyari noong college days niya. For pete's sake, past is past.

Isa pa, it was my dad who failed him. Not me. Why is he taking it out on an innocent person?

Kumatok ako sa kwarto niya pero naka lock ito. Ang arte talaga, naglock pa!

I just want him to have dinner pero mas gusto niyang magdrama at magkulong sa kwarto. Bahala nga siya diyan!

Natulog nalang ako para makalimot. Ako pa ba ngayon ang dapat na restless dahil sa tantrums niya? Kainis.

Kaya itinulog ko nalang.

Kinabukasan ay nakatanggap ako ng text mula kay Jenna na siya na daw muna ang sasama kay Henry sa therapy. Ayaw daw kasi akong makita ng pinsan niyang abnormal.

Kumulo agad ang dugo ko dahil sa text na yon. Ayaw makita? Eh kung umalis nalang kaya ako? Para mas dama niya na wala na talaga ako. Tutal wala naman na rin akong silbi dito.

Ganoon pa din ang eksena kinabukasan. Si Jenna ang sumama sa kaniya at naiwan akong nagmumukmok sa bahay. Napagtripan ko nalang tuloy na mag-impake para kung sakaling maka receive ako ng go signal ay lalayas talaga ako. Agad agad!

Bandang 11am dumating na sila galing therapy.

Gusto kong salubungin ng isang malutong na sapak si Henry. Hindi niya ako dapat dinadamay sa issue nila ni Daddy. I can understand if he couldn't get over that just yet pero sana... wag naman yung pati ako damay. Di ko inexpect na ganon siya kababaw.

Sinalubong ko sila sa main entrance. Tulak tulak ni Jenna ang wheelchair ng lumpo niyang pinsan.

"Jen." Sambit ko.

"Bakit, Paige?"

Pinasadahan ko ng tingin  si Henry. Nakatingin siya sa malayo. Kung mag-inarte to dinaig pa ang babae.

"Usap tayo, Jen. May sasabihin lang ako." Sabi ko.

"Sige, sandali lang. Ihatid ko lang sa kwarto niya si Henry." She replied.

Matapos ihatid si Henry ay pinuntahan niya ako sa terrace.

"May problema ba, Paige?" Tanong niya. I looked at her with a fed up expression.

"Sa totoo lang, pagod na ako diyan sa pinsan mo. Napakababaw niya at napakakitid ng utak." I confessed.

"Nag-away ba kayo? Bakit ayaw ka niyang sumama sa ospital?"

Nag-iwas ako ng tingin. "Away? Not exactly. Pero Jen, ayoko na. Gagaling din naman siya dahil nagte-therapy siya kaya kahit umalis ako ayos lang, diba? Kasi aalis na talaga ako."

Nauunawaan ni Jenna kung bakit ako aalis. She knows that I have done enough for her cousin.

Humingi rin siya ng paumanhin sa inasal niya nung una kaming nagkita. For me her reaction was normal at matagal ko na rin siyang pinatawad, long before she even apologized.

"Hindi ka ba magpapaalam man lang sa kaniya?" Jenna asked me again the following morning and I shook my head.

"Aalis ako habang nasa ospital pa kayo. Gusto ko pag-uwi niya wala ng asungot sa buhay niya." I breathed.

Involved na kasi ang daddy ko sa issue. It's hard for me to continue living here with someone who hates my father with a passion.

"Eh saan ka pupunta?" She asked.

"Kahit saan. Sa Aklan siguro? May trabaho ako doon. Nag leave lang ako para kay Henry."

She nodded. "Tawagan mo ako parati ha? Mag-iingat ka doon."

Binigyan ako ni Jenna ng isang mahigpit na yakap.

"Thank you." I whispered.

When The Heart Beats (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon