Ch. 25

5.4K 115 0
                                    


Ch. 025
Unhappy

Binaba ko ang bintana upang malanghap ang sariwang hangin. I can smell the beach all the way from here. Ang sarap sa pakiramdam na makakapagbakasyon ako ng ilang araw bago magsimula ang construction ng hotel.

Once the construction starts, it would take up most of my time so I'm taking this chance to relax and to see someone I've been wanting to see for many months now.

Alam ko, medyo makapal. I let him go without putting up a fight and never even called once since then. But I've grown, somehow, and I want to show him.

Gusto ko rin siyang kumustahin. Now that I've grown, I can stand by him and be his source of strength too. Yun ay kung hindi pa siya nakahanap ng iba.

Napangiti ako nang maaninag ko na ang signboard ng resort.

It read Red Sky Beach Resort at napatango ako habang papasok doon. Ipinark ko ang kotse sa designated area for parking at maagap akong sinalubong ng isang receptionist.

"Hi Ma'am! Welcome to Red Sky! May reservation po sila?" Magiliw na bati ng isang babaeng receptionist.

"Yes," sagot ko at ibinigay ang details ko. Inassist niya ako mula front desk hanggang sa room ko. Habang naglalakad ay marami siyang sinasabi tungkol sa mga facilities ng resort, even the house rules.

Sa sobrang daldal niya ay naisip kong baka may mapiga akong impormasyon sa kaniya, so I gave it a shot.

"Nandito din yung kaibigan ko," kwento ko. "I wonder where he stays..."

"Sinong kaibigan po?" Tanong niya.

"His name is Henry. Henry Montañer." Sagot ko. Nanlaki ang mga mata niya at lumapad ang kaniyang ngiti.

"Why?" Tanong ko. May pagka weird siya ha?

"Kakadating lang nila last night, ma'am. Pinag-uusapan nga po sila ng mga recep dito kasi ang gu-gwapo nilang lahat. Parang gathering ng mga gwapo pero ang sabi business meeting daw 'yun."

Natawa ako sa sinabi niya. She's indeed a young, innocent girl.

"Chinese yung mga kasama niya, diba?" Sabi ko.

"Yes ma'am, may tatlong singkit tapos may ibang Pinoy din." Sagot niya.

Chinese businessmen value relationships with clients or partners. The first day of the meeting consists of either going out or drinking. Hindi yung agad kang magpopropose o magse-sales pitch.

I wanted the receptionist to know that, but ayoko namang magmukhang atribida na nagmamagaling. So hinayaan ko nalang.

"Nasaan sila ngayon?" Tanong ko.

"Nag rent po sila ng jet ski kanina saka banana boat. Baka nasa dagat pa rin po sila." She replied.
"Okay. Salamat. Ito na ba yung room ko?" Huminto kami sa tapat ng Room 114.

"Opo. Have a nice day po!" Inabot niya sakin ang susi at saka na umalis.

I felt at peace nung wala ng nagdadaldal sa akin. Hindi talaga ako masanay. Si Jenna kasi hindi naman ganoon ka exaggerated.

Ipinasok ko ang bag na dala sa cabinet at nagbihis ng asul na floral beach dress. May dala lamang akong isang maliit na sling bag para sa phone, susi, at pera.

I felt ecstatic as I walked towards the beach. Iba talaga ang dating ng natural na anyong tubig kumpara sa mga swimming pools at man-made hot springs. Indulging yourself in nature recalibrates your system and  natural body clock. Well, nabasa ko lang yun pero I agree, because I feel that way when I'm one with nature.

When The Heart Beats (Completed)Where stories live. Discover now