Ch. 30

5.1K 115 3
                                    

Alright!
I never thought I'd come this far, honestly. Thank you for staying with Paige and Henry; it won't be long before their happy(?) ending. <3

Ch 030
Escape

Tinignan ko ang aking relo. Dalawang oras na simula ng ako'y dumating sa graduation ni Jenna.

Actually, na-late ako dahil sumaglit ako sa mall para bumili ng regalo— isa para kay Jenna, at isa para sa ikakasal.

As for Henry's whereabouts, hindi ko alam. Wala na siya pag gising ko at nakita ko nalang yung susi ng kotse ko sa ibabaw ng bedside table.

Wala rin daw alam si Jenna at hindi ko na inusisa dahil ayaw kong tuksuhin niya pa ako. You know how girls are.

After another hour, the ceremony finally ended. Halos isang oras pa ang nadagdag para sa photo opportunity, pero keri lang. Minsan lang naman gagraduate.

I drove to Subic with Jenna on the front seat and though nagkikwentuhan naman kami, hindi ko maiwasang isipin kung nasaan ang gagong yun.

Naiinis ako sa kaniya pero hinahanap siya ng sistema ko. Anong magagawa ko?

"We'll probably get married this year para next year, kayo naman." Jenna said.

Napairap ako. "I'm not going to settle down anytime soon."

"Bakit naman? Nasa tamang edad na kayo." Aniya.

"Kami?" Napailing ako. "Walang kami, Jen."

"You really are clueless, aren't you?" Siya naman ang umiling.

"So ano? May mga alam ka na hindi ko alam?"

"Friend, I was there when you weren't. I saw him sulk and drown in misery every time na nagkakalayo kayo. Noong umalis ka the first time, he actually told me to contact you. Pero hindi ko ginawa. I'm sorry but I had to motivate him to be stronger. In a matter of weeks, nagawa niyang makapaglakad ulit. It was his strong will that helped him recover faster. At ang motivation niya doon? Ikaw. Kailangan niyang makapaglakad para mahabol ka niya."

I really didn't know what to feel or how to react.

"Yung pangalawa ay yung umalis siya sa Buenos. Pagdating niya dito, sobrang inis na inis siya. Nagsasalita pa mag-isa. He was so frustrated kasi hindi niya maintindihan kung bakit hindi mo siya pinaglaban. Alam niya naman daw na gusto mo rin siya." Jenna smirked.

"Umayos ka dyan." Saway ko.

"Maayos ako. Ikaw ang umayos. Gusto niyo ang isa't isa eh. Anong hinihintay niyo? Na magunaw ang mundo? Na maging too late na?"

I expelled a heavy breath.

"Sinundan ko siya sa Zambales. Sorry I didn't tell you." Sabi ko. "Pero 'yun nga, I followed him because I wanted to make up for all the times that I ran away from him. Pero ba't ganiyan ang inaasal niya?"

"This is just my personal opinion ha? But I think he's just waiting for something."

"Ano naman 'yun?"

"An assurance? A confession? Nasabi mo na ba sa kaniya na mahal mo siya?"

Nanlaki ang mga mata ko. "Bakit ko naman sasabihin 'yun?!"

"Paige, you have to let go of the belief na lalake lang palagi ang dapat mag first move. Where is equality? Pag mahal mo, sabihin mo. It doesn't matter kung babae ka o lalake ka."

I pouted. "Dami mong alam."

"Bahala ka. Ikaw din. Madaming may gusto kay Henry. Hindi naman imposibleng bukas pag gising niya ma realize niya na mag pursue nalang ng ibang babae. Maiksi lang ang buhay. Tama na ang pagpapabebe."

When The Heart Beats (Completed)Where stories live. Discover now