Ch. 20

5.9K 138 5
                                    


Ch. 020
Effort

Hindi pa rin inaalis ni Henry ang pagkakahawak niya sa bewang ko kahit na nakalabas na kami ng silid at naglalakad na sa hallway ng ospital.

"Hey, okay na." I jokingly told him.

"Ang alin?" Seryosong tanong niya.

"Yung kamay mo." Sabi ko.

"Napano?"

Napakunot ang noo ko. "Wala na si Ringo, pwede mo ng alisin."

"Did I put it there for him to see?" Tiningnan niya ako ng nakakaloko. "What if gusto ko lang?"

Sinamaan ko siya ng tingin pero I ended up chuckling lightly.

"Creepy ka talaga no? Tumatawa ka nalang bigla." Aniya.

"Creepy ka din. Nagpapaka knight in shining armor ka nalang bigla." I replied.

"Why? What did I do?"

Kahit itanggi niya, alam ko naman na naramdaman niya kanina na hindi ako kumportable kaya siya nagsabing aalis siya. He created an opportunity to take me away from a situation that suffocated me. I really appreciate that.

Ang sarap sa pakiramdam na kahit wala kang sabihin, alam agad niya kung ano ang kailangan mo at kung ano ang dapat niyang gawin.

"Nothing." I smiled.

The shopping center is just a 5-minute drive from the hospital. I still didn't know kung may gusto ba talaga siyang bilhin doon or palusot lang niya.

"Anong bibilhin mo?" Tanong ko nung nakarating na kami sa shopping center.

"Things we will be needing at the hospital." He replied.

"Like?"

"Toiletries, food, and a little bit of hope." Sagot niya. Napataas ang isa kong kilay. What does he mean?

"PAIGE!!!" I was surprised to hear a female voice shrieking inside the mall. The voice was familiar, and I started to cry when the owner of the voice appeared in front of me and gave me a big hug.

"Jenna?" Nagulat talaga ako. Why is she here?

"Henry told me everything. Sorry talaga for being mean to you." She pouted, naiiyak rin.

Pinunasan ko ang mga mata ko, tapos bumaling kay Henry.

"Is this the bit of hope you were talking about?" Sabi ko, sabay singhot. Ngumiti lang siya.

"You'll forgive me, right?" Untag ni Jenna. "I felt really bad nung nalaman ko lahat, pati na yung accident na nangyari kay Trench. Kumusta na siya?"

"Hindi pa rin siya gumigising. Siguro hinihintay ka niyang bumisita bago siya gumising." I replied.

"Let's buy what we need tapos puntahan na natin siya. I have a lot to say to him." Ani Jenna.

•••

Trench was still unconscious when we arrived. Nilapag lang namin ang mga pinamili, tapos inaya si Franc na sa cafeteria na namin kainin 'yung tinake out naming chicken para bigyang privacy si Jenna.

She wanted a chance to be alone with Trench. Sabi nga niya, she has a lot to say to him. Malay nga naman natin, Trench wakes up after hearing what she has to say.

He might be unconscious but his ears aren't closed and his mind is wide awake.

"Dadating na si Kuya Aris niyan para magbantay. Uwi ka muna Ate at magpahinga. Balik ka nalang bukas." Ani Franc habang kumakain kami sa cafeteria.

When The Heart Beats (Completed)Where stories live. Discover now