Ch. 02

10.7K 190 3
                                    


Ch. 02
Broken?

Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Please, Lord. Alam ko pong hindi ako religious pero dinggin niyo naman po ako ngayon. Sana walang mangyaring masama sa taong nasagasaan ko. Hindi ko naman po iyon sinasadya eh.

"Ikaw ba ang guardian ng pasyente?" Nagulantang ako sa paglabas ng doktor.

"Hindi po, ako po yung nakasagasa sa kaniya." I felt my hand tremble.

"Natawagan na ba ang pamilya niya?" The doctor inquired.

"Hindi pa po. Hindi ko po alam kung sino ang tatawagan, doc. Wala po siyang dalang wallet o cellphone kaya wala man lang akong clue..."

"Alright. Hintayin nalang natin siyang magising."

Lumunok ako. "Kamusta na po ba siya, doc?"

"Sa lakas ng impact na 'yun, I would say he's lucky he's not in coma right now. Although hindi pa siya nagigising." The doctor explaindd. "Let's keep praying that he gets to wake up soon. At sana, walang complications pag gising niya."

Parang babagsak na naman ang mundo ko. Una, nakasagasa ako. Pangalawa, unconscious pa siya ngayon. God, Paige. Anong kamalasan ba itong nangyayari sayo?

Pagkaalis ng doktor ay bumagsak ako sa sahig. Ano na ang gagawin ko ngayon? Paano kapag hindi na siya nagising? Makukulong ako, diba? Dammit!

Hindi ko na mapigilang umiyak. Gusto kong tawagan sila Trench at iba ko pang mga pinsan dahil sa totoo lang kailangan na kailangan ko ang suporta nila ngayon. Pero parang ayoko rin silang tawagan habang hindi pa nagigising yung pasyente. Natatakot kasi ako.

"Miss, tumayo po kayo. Baka po kayo ang magkasakit niyan eh." Saad ng isang nurse na lumabas mula sa ER. Tinulungan niya akong tumayo. "Halika, miss. Dun ka sa may nurse station. Bibigyan kita ng coffee. Kumain ka na ba?"

Sa hinaharap kong problema ngayon imposibleng makayanan ko pang kumain.

Inalalayan niya ako papunta sa isang wooden bench malapit sa nurse station.

Binigyan niya ako ng coffee at umupo siya sa tabi ko. "May nahanap kaming calling card sa bulsa ng pasyente. Subukan mo pong tawagan yung number, baka may malaman ka tungkol sa pamilya niya. Dapat na kasi nila 'tong malaman. For sure nag-aalala na ng sobra ang mga 'yun."

I nodded. I was lucky I met this nurse, or else nawala na ako sa tamang wisyo.

I could have tried to do something funny.

Habang nagpapahinga ako doon ay inilipat na sa ICU ang pasyente.

Kinabukasan, nakaupo pa rin ako sa labas ng ICU. Natawagan ko na yung numero sa calling card at napag-alaman ko na sa pinsan pala iyon ng pasyente.

I also found out that his name is Henry Montañer.

Nakarinig ako ng mga yapak kaya tumingala ako. I don't care kung tear-stained ang mukha ko. Talaga namang umiyak ako ng todo buong gabi. Hindi ako naligo. Hindi rin ako kumain.

Dalawang babae ang huminto sa aking harapan. Yung isa ay namumula at umuusok ang tenga sa galit habang yung isa naman ay umaalalay lang.

"Calm down, Jen." Pangungumbinsi nung isa dun sa nangingilid na ang luha. I'm guessing she's the cousin. "We don't want trouble."

"She wants trouble!" Sumigaw na yung hinala kong pinsan ni Henry at tinuro ako.

Lumabas ang dalawang nurse mula sa ICU at sumunod ang doktor na kaagad namang sinalubong ng pinsan ni Henry.

"I'm his cousin. Nasa abroad ang mga magulang niya, doon sila naka base ngayon. Mag-isa lang si Henry kaya.." Bumuhos agad ang mga luha niya. Hindi na niya natapos ang rant niya. Dinaluhan siya nung isa pang babae.

"Wala tayong magagawa kundi maghintay." Wika ng doktor. "Hindi naman natin siya mapupwersang gumising. He will wake up when the time is right. All we can do is pray for his fast recovery."

Hunagulgol ang pinsan ni Henry. "Kasalanan mo!" Dinuro niya ako.

"I know I should not be butting in, but..." The doctor said. "Hindi naman kasalanan ni Paige kung bakit hindi sa pedestrian lane tumawid ang pinsan mo..."

"Ano, doc?" Singit ng pinsan ni Henry. "Tumawid si Henry sa hindi pedestrian lane?"

"Yes, he did. Iyon ang sabi ng patrolling officer na nakakita. I understand your side but there is also another side of the coin. Anyway, your cousin is a healthy man. He will wake up soon." Sabi ng doktor.

"Pwede po ba akong pumasok?" Tanong ng pinsan ni Henry. "May sasabihin po ako kay Henry, doc."

Tumango ang doktor. "I'll give you 30 minutes."

Pumasok siya sa ICU at naiwan yung kaibigan niya sa tabi ko.

"Just cry if you want to. It's fine." Aniya. "Pasensya ka na kay Jenna. Initial reaction 'yun kasi pamilya, diba?" Humikbi na ako ng tuluyan. "Umuwi ka na ba sa inyo? Alam ba ng parents mo?"

Umiling ako.

No, hindi nila pwedeng malaman.

"Kumain ka na ba?" She asked.

Puro iling ang sinagot ko sa kaniya. Tumayo siya at hinila ako patayo. Nagpatangay naman ako.

"Kumain tayo, Paige. Tama na yan. Hindi magigising si Henry sa kakaiyak mo na 'yan. Isa pa, hindi mo naman kasalanan. Si Henry yung tumawid sa hindi pedestrian lane." She said and led me to the cafeteria but the ambiance wasn't so good kaya nagpasya kaming lumabas nalang at maghanap ng coffee shop.

"I'm Denzel." Pagpapakilala niya habang hinihintay namin ang order namin. "Bestfriend ko si Jenna. Hindi kami magkaugali nun, may pagka judgmental kasi 'yon at prangka habang ako, madalas tahimik kapag di kinakausap at madaling magpatawad."

"Nagkakasundo ba kayo kahit ganon?" Tanong ko.

"Oo. Kapag naman mahal mo ang isang tao, tanggap mo kahit yung flaws niya diba?" Ngumiti siya and I smiled back. "Tawagan mo na ang parents mo. Or umuwi ka muna. Balik ka nalang kapag nakatulog ka na at nakapagbihis."

"Hindi na." Sabi ko. "Hindi rin ako mapapalagay kung aalis ako sa ospital."

"Taga saan ka pala? Mukhang hindi ka rin taga dito." She asked.

"I'm from Buenos Grande. I came here to distance myself from the people I know while I'm fixing myself."

"Broken?" She wiggled her eyebrows.

Natawa ako ng bahagya.

"Parang ganoon na nga." Sagot ko. "My boyfriend and his first love finally got reunited and decided to fight for what they couldn't fight for when they were younger."

"Are you mad?" Tanong niya. "When I look at you kasi, I see a woman who knows where she stands. Tingin ko it won't take you too long to move on. You look like a strong, resilient person."

I smiled.

"Thanks."

When The Heart Beats (Completed)Where stories live. Discover now