Ch. 11

6.6K 148 1
                                    

Ch. 011
Boyfriend

Habang kumakain kami ay nakita kong pinirmahan ni Henry ang mga sales invoice. I felt relieved. Sa wakas, makakauwi na rin.

"Ma'am, type siguro kayo nun," ngumuso ang isa sa mga kasama ko at tinuro si Henry.

"Adik ka ba?" Muntik ko ng mabuga ang kinakain ko. Kung makapamigla naman ito.

"Kita mo naman Ma'am, pinakain pa tayo. Tapos siya na pumirma kasi siguro napansin niya na uwing uwi ka na."

Umamba akong sasapakin siya ngunit napailing nalang ako.

"Umayos kayo." I warned them, but laughed nonetheless.

"Here." Nagulat ako dahil may sumulpot sa gilid ko at inilapag sa lamesa ang sales invoice. "I signed it, as promised."

Huh? At bakit parang may emphasis doon sa 'as promised'?

"Thank you," sabi ko nalang. Hindi ko na siya tinignan. Umalis na rin siya pagkatapos.

Umalis na rin kami pagkatapos naming kumain. Napagod rin naman kami kaya medyo napaidlip ako sa byahe pabalik sa Superb.

Mga 7pm na akong nag-out. 2 hours ang OT ko. Ayaw ko paman ding nag oovertime. We are cutting down on expenses para ma-maintain namin ang status namin bilang Branch of the Year kaya umiiwas kami sa OT.

Magandang trick din yun to push employees not to waste time and finish their tasks within the mandated 8 hour period. It helps them become efficient.

Yun nga lang hindi ko pwedeng hindi i-file ang overtime ko whenever meron man, dahil karapatan ko iyon na mabayaran ng tama sa oras na ginugol ko sa trabaho.

After clocking out ay nakaramdam na naman ako ng gutom. Naisip kong may 24 hours na bukas na fastfood chain sa may Intersection.

Pwede na 'yun.

Nagki crave pa man din ako ng chicken.

"Ma'am, sabay kana sakin." Habang naglalakad ako mula sa employees entrance papunta sa sakayan ay may tumigil na motor sa gilid ko.

It was one of the clerks na kasama ko kanina. Kung hindi ako nagkakamali, James ang pangalan niya.

"Hindi na. Maaga pa naman." Sagot ko.

"Doon din naman ako dadaan, saka para tipid sa pamasahe." Ngumiti siya.

"You should learn to accept it when a lady says no." Nagulat ako nung may sumulpot sa tabi ko ng hindi inaasahan.

Napakunot ang noo ko nung nakita ko kung sino iyon.

"Henry?"

"Sige ma'am, una na ako." Paalam ni James at saka humarurot paalis, iniwan ako mag-isa kasama ni Henry.

"Anong meron?" Tanong ko sa kaniya.

"Naiwan nung kasama mo yung ID niya. Inalis niya siguro 'to nung nagbubuhat sila." He replied, sabay abot ng ID sa akin.

"Ah. Salamat." Tinanggap ko ang ID at nilagay sa bag ko. "Bukas ko nalang ibabalik."

"Hindi ba siya yung nag-aayang umangkas ka sa motor niya?" He asked.

Napakunot ang noo ko.

"Hindi. Yung isa 'yun. Bakit?" Kako.

"Good."

"Ano?"

"Wala. Saan ka umuuwi? Kung madadaanan ko naman, sumabay ka na." Aniya.

I scoffed. Pagkatapos niyang palayasin yung isa, siya naman magtatangka ngayon.

When The Heart Beats (Completed)Where stories live. Discover now