Ch. 18

5.4K 114 1
                                    

Ch 018
Sick

The following day was a very... stressful day, if I may say.

Napasarap ang tulog ko at nakalimutan kong mag alarm kagabi kaya nagising ako ng alas diyes na. Walanghya, hindi man lang ako ginising ni Henry!

Lumabas ako ng silid pero tahimik ang bahay. Umalis na siya? Kinabahan ako bigla, tapos nairita. Paano niya nagawang iwan ako ng hindi man lang ako ginigising?

Kumatok ako sa pinto ng kwarto niya. Walang response. Iniwanan niya nga ba ako? Binuksan ko ang pinto and to my surprise, bumukas naman ito.

Nakita ko siya na nakahiga pa rin sa kama. Suot pa rin niya ang damit mula kagabi. Wow. Anyare?

"Hindi mo man lang ako ginising!" Sabi ko pa. Hindi siya kumibo. "Huy."

Lumapit ako at kinalabit siya, but he just won't budge.

"Henry." Hinawakan ko ang braso niya. Mainit. Nilapat ko ang likod ng palad ko sa noo niya. Mainit nga.

"Huy! Ano ba! Walang househelp dito! Wag ka namang ganyan!" I whined.

I stilled when he held my wrist at inalis niya ang kamay ko sa noo niya. "Go to work." He struggled to say.

Bigla kong naalala na nag file nga pala siya ng sick leave kahapon. He wasn't feeling well! He lied to me! Sabi niya gusto lang niyang magpahinga pero ang totoo, may sakit siya!

Ano na, Paige!

"You think I can go to work habang ganito ka?" Sabi ko.

Lumabas ako para kumuha ng thermometer at gamot sa medicine cabinet, naglagay ng maligamgam na tubig sa basin at kumuha ng bimpo. Goodness, kahit kay Ringo hindi ko pa nagawa 'to.

Pagbalik ko sa kwarto niya ay wala na siya sa kama. Narinig ko ang pagpatak ng tubig sa banyo. Pasaway!

"Hey!" I struck his bathroom door with my hand.

"Can't a sick man pee?" Sagot niya.

"Sana lang talaga umiihi ka lang!" I shot back. "Alam kita! Pasaway ka!"

"Dami mong alam!" Sagot pa niya saka tumawa. Aba!

"Hoy! Don't think I'll go easy on you just because you're sick!" Buwelta ko.

"Heartless girl." Narinig kong sinabi niya. I struck the door again saka ako umupo sa kama niya.

Tumunog ang phone ko sa bulsa and I fished it out. Napangiwi ako nung nakitang may tumatawag na unregistered number.

Sinagot ko ang tawag pero hindi ako nagsalita. Hinintay kong maunang magsalita ang caller.

"Paige?" Bungad niya.

"Sino to?" Tanong ko.

"Si Dyann to!"

"Aba malay ko ba. Bagong number mo ba 'to? Bakit parang iba ang boses mo?"

"It's about Trench." Narinig ko siyang suminghot. Did she cry?

"Napano? Nagkita palang kami lately ah?" Tanong ko. Won't he just stop creating mess?

"Yun na nga eh. Kakauwi pa lang niya ng Buenos kanina. Nag rides sila ni Franco at Aris tapos..."

"Tapos ano?!"

"Naaksidente sila." She started to cry. Napapikit ako. Hindi ko alam kung uunahin ko ba yung gulat, yung lungkot o yung pag-aalala.

"Ba't sabi mo this is about Trench?" Tanong ko. "Eh yung dalawa?"

When The Heart Beats (Completed)Where stories live. Discover now