Ch. 23

5.4K 131 1
                                    

Ch. 023
Blessing in Disguise

"What are you smiling at?"

Napatingin ako sa asungot na nagsalita. It was King, and he was wearing a funny bow tie.

Napawi ang ngiti ko.

"It's none of your business." Sagot ko. Aalis na sana ako pero hinawakan niya ang braso ko.

"Ang ayos nating dalawa noong nasa Aklan tayo. Nakilala mo lang si Henry, nagbago ka na." Sabi ba naman niya.

Tinampal ko ang kamay niya sa braso ko. Kung makapagsalita kala mo may pinagsamahan talaga kami.

"I think I should be the one to say that, King. Hindi na kita kilala." Sabi ko. Aalis na sana ulit ako pero hinawakan na naman niya ako sa braso.

"Nandaya si Henry sa mga exams at seatworks namin sa Advanced Algebra para makapasa sa standards ng Dad mo. Magkaibigan kami ni Henry, at ayaw ko siyang maligaw ng landas. Ayaw ko siyang gumawa ng mali." Sabi niya.

"Kaya sinumbong mo siya?" I predicted. Ngumisi si King.

"It was for his own good." Pagdadahilan niya. "Kung napahiya man siya sa klase, that was because he took the wrong path. I just straightened out that path for him."

Ha! Seriously. This guy is so pathetic. Hindi ba niya alam kung gaano kalala yung ginawa niya? It ruined Henry's self-esteem. Hanggang ngayon, tingin ni Henry ay wala siyang direksyon sa buhay. He can't see how competent he is because the past ate him alive and it still haunts him up to this day.

"Kung kaibigan ka nga niya, sana inisip mo rin ang kapakanan niya. Sana pinigilan mo siya. Sana kinumbinsi mo siyang aminin kay Daddy ang nagawa niya para naresolba nila ng mahinahon." Sabi ko.

My dad would understand his students. He is a wise, dedicated and warm-hearted teacher for his students. Kaya nga di ako makapaniwala sa naging reaction ni Henry nung nalaman niyang anak ako ni Daddy.

May duda ako na may ginawang kagaguhan itong si King para magalit ng matindi si Daddy at para mapahiya si Henry sa klase.

"But I think you don't know the definition of a friend." Sabi ko saka ko siya nilayasan doon at pumasok ako sa bahay. Pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig.

King is obviously poisoning my mind. Sinisira niya ang perspective ko tungkol kay Henry. But why? What for?

It would be ridiculous to assume na gusto niya ako because hello? It doesn't make sense.

Hindi ko alam kung ano ang motibo ni King.

"Are you okay?" I looked up to see Henry's worried look. "Masama ba pakiramdam mo?"

"Hindi, okay lang ako." Sagot ko. "Are you done talking to them?"

"Yeah. Did you eat? Parang hindi kita nakitang kumain."

"I did." I lied.

"You didn't." Aniya. "Why would you have to lie about that?"

"Huh? Kumain naman talaga ako." Depensa ko. "Paano mo naman nasabing nagsisinungaling ako?"

"I was watching you." He replied. Seryoso ang ekspresyon niya.

"Talaga ba." I kept a straight face.

"Oo. Did King bother you again? Nakita ko kayong nag-uusap."

"Hindi naman. Inaantok lang ako kaya pumasok ako. Magpapahinga nalang muna ako sa kwarto." I took a step but he pulled me and enveloped me in his arms.

I failed to react properly. Nablangko ang utak ko at bumilis ang tibok ng puso ko nung hinigpitan niya ang pagkakayap niya sa akin.

"Hey," sambit ko.

When The Heart Beats (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon