Ch. 10

6.8K 144 0
                                    


Ch. 010
Charity Event

It was comforting to see Pampanga for the second time around.

Somehow, my heart felt more at peace kumpara sa nung nasa Aklan ako. Mas magaan ang pakiramdam ko dito at mas lalo pang gumaan nung sinalubong ako ni Jenna at Denzel sa airport.

Kasama nila ang jowa ni Denzel na siyang tumulong magdala ng mga bagahe ko.

"Is your place nearby? Can I crash habang naghahanap pa ako ng apartment?" I asked Denzel. I had to ask her first dahil siya ang pasimuno ng pagpunta ko rito.

"Naku Paige wag ka ng umasa pa. Nakatira na 'yan kasama ni Treble. Doon ka nalang sa bahay namin." Ani Jenna.

"Ay ganoon? Magkasama sila sa bahay?"

"Chena lang. But most of the time one of them comes over to each other's place so..."

"Ah.... So okay lang ba kung sa inyo muna ako? I swear I'd look for a place bukas na bukas din." Sabi ko.

"Ano ka ba. Para ka namang iba sa akin. Don't rush." She replied. "We have spare rooms kasi bahay matanda yun. It's where I grew up with Exodus, Henry and my other cousins."

"Wow, that's news to me." I commented.

"Oo, madaming hindi makapaniwala na laki kami sa Lola namin. Our parents were too busy earning money to supply us with our needs kaya naiwan kami kay Lola." Kwento niya. "Kaya sinasabi ko sayo okay lang na doon ka muna. Saka kana lang mag rent kapag sumahod ka na."

Jenna is indeed one thoughtful woman.

I spent the next few days going on interviews and securing requirements that I need to start working immediately.

I was thankful na hindi pa nagku-krus ang landas namin ni Henry, even though alam kong sooner or later we will have to meet again.
Maliit lang ang mundong ginagalawan naming dalawa. Palagi ko pang kasama ang pinsan niya. Imposibleng hindi magkrus ang landas namin.

At 'yun na nga ang nangyari on my very first week at work. It was probably my fourth or fifth day. Hindi ko na masyadong maalala kasi sa totoo lang, I would do anything it takes to delete that day.

The officer for corporate orders went to deliver stocks to a frequent buyer — a large BPO company, when an urgent order was sent via e-mail.

May charity event ang isang hotel para sa isang home for the aged kaya umorder sila sa competitor namin ng items para idistribute sa mga matatanda like diapers and gloves, food and even medicine.

The event was supposed to be held at 3pm, ngunit bandang 10am ay nalaman ng officers ng hotel na iyon na hindi pala kayang i-supply ng buo ng competitor namin ang stocks na kailangan nila.

Kaya napa e-mail sila sa amin asking if we could supply the items that the competitor could not. Ano pa bang gagawin ng manager namin kundi ang igrab ang opportunity, hindi ba? At dahil ako lang ang tanging tao na available para ideliver ang mga stocks (as if planned by some deity), napasubo ang kabago bago lang na assistant manager.

Medyo nalilito pa ako kung anong gagawin ko sa sales invoice at kung paano gagawin ko in general kasi para akong naalimpungatan. Parang nagkagulatan nalang tapos ako bigla 'yung sinabak sa gyera kasi kulang sila sa sundalo.

Nevertheless, hindi ko inatrasan ang trabaho dahil una, sabi ko sa sarili ko bahala na si batman at pangalawa, I had no idea that Henry was going to be there.

I had no clue na yung maliit na mundong ginagalawan naming dalawa ay mas lalo pang lumiit.

Bumaba ako mula sa front seat ng delivery truck at sinalubong ako ng isang babaeng hula ko ay nasa 30s na. Nagpakilala siyang purchasing officer ng isang hotel sa Clark tapos sinabi niya na pwede na kaming mag umpisa na mag unload ng stocks mula sa truck papunta sa conference room.

When The Heart Beats (Completed)Where stories live. Discover now