Ch. 12

6.5K 144 2
                                    

Ch. 012
Of boyfriends and birthday parties

Mahirap gumising ng maaga kapag opening shift ako pero ang advantage naman nu'n ay maaga ang out.

5:09 pm na ako nag-out. Hindi naman yun qualified as overtime kaya okay lang. Pangit rin naman kasi kung saktong 5:00 ay nakapag-clock out ka na, lalo kung mataas ang posisyon mo.

Magmumukha ka kasing garapal mag out.

After shift ay pumunta ako sa department store para maghanap ng pwedeng iregalo kay Exodus.

Hindi ko alam kung anong mga tipo niya, so I just opted to buy him a wristwatch. Hindi pa ako sumasahod kaya napwersa akong gamitin ang credit card ko. I just don't wanna show up in a birthday party emptyhanded.

Habang binabayaran ko ang watch ay may napansin akong pamilyar na pigura. Nakatalikod siya kaya hindi ko nakita. Kinailangan yung signature ko kaya pumirma muna ako. Pagtingin ko sa lalake, nawala na siya.

He felt extremely familiar; it made me feel weird.

To the point na ayaw ko ng tumuloy sa birthday party.

Shit. What's this?

Nag vibrate ang phone ko. Tumatawag si Jenna. What do I do?

"H-hello?" Bungad ko.

"Oh, okay ka lang ba? You don't sound so well. May nangyari ba sa work?" Tanong niya. She's clever. She can sense even the tiniest things.

"W-wala 'to." Sabi ko. "Pagod lang ako."

"Osige, uwi kana para makapagpahinga ka. Walang mag-aalaga sayo diyan." Aniya. Pero alam kong she didn't buy it. Ayaw niya nalang siguro akong usisain kasi alam niyang ayaw kong mag open up.

She's caring. I know. She's too nice that it makes me scared that she's in a relationship with a guy she only met thrice.

"Opo madam." Sabi ko nalang. Hay. Kinakabahan talaga ako na hindi ko alam. Parang constipated ako.

Pagkatapos kong bumili ng regalo ay nagpasya na akong umuwi. Naalala ko ang sinabi ni King sa akin dati. Hindi solusyon ang pag-iwas.

Pagdating ko sa bahay ay wala pa ang celebrant. Si Jenna pa lamang ang nandoon, kasama si Denzel na nagluluto. Nandoon ang boyfriend ni Denzel na si Treble kasama ang barkada nitong Yuri ang pangalan. 

After kong magpahinga ay naisip kong maligo na para anytime na dumating ang celebrant at ang iba pang mga bisita ay presentable naman ako.

Paglabas ko ng banyo na nasa loob lang ng kwarto ay tumambad sa akin ang isang taong nakahiga sa kama ko.

"Excuse me?" Sabi ko. Napabalikwas yung tao at napatingin sa akin. Matagal. Parang natigilan talaga. Doon ko na napagtanto na naka tuwalya lang pala ako at dahil maliit ang tuwalya na iyon ay konti nalang, makikita niya na ang pinaka-iingatang kayamanan ng sangkatauhan.

"Oh fuck." Napabangon siya at napatakbo palabas ng silid. Mabilis kong ni-lock ang pinto. Alam kong nilock ko din ito kanina. Paano siya nakapasok?

Umupo ako sa kama.

Teka...

Si Henry 'yun ah??!!!

I tried to calm myself. Pilit inisip kung ano ang nangyari.

Then I finally remembered an important piece of information.

Kwarto niya pala ito nung bata pa siya. No wonder he had a key. Shit. I totally forgot.

But didn't anyone warn him that there's a bedspacer here?

"Paige!" Kumatok si Jenna sa pinto. "Malapit na sila Exodus. Come out na."

"Oo, patapos na akong magbihis." I lied and then rose to my feet para magbihis ng mabilisan. I wore a white basic tee and denim shorts tapos white sneakers.

Paglabas ko ay pinuntahan ko kaagad si Jenna at binulungan.

"Nasa'n na yung jowang sinasabi mo?" Tanong ko.

"Papunta na." She replied. "Umupo kana doon, we'll just finish grilling these barbecues then we'll join you."

Kasama niyang nag-iihaw si Denzel at Treble.

Hinanap ng paningin ko si Henry. I was expecting him to be looking at Denzel but I was wrong. He was looking at me.

Psh.

Hindi niya iniwas ang tingin niya, talagang sinalubong ang tingin ko. Woah, what's with him?

Umupo nalang ako sa isang bakanteng upuan at nag browse ng news feed. Nakakainggit naman, it's like every one on my friend list is on vacation while I'm going through hell. Charot lang. Hindi naman siguro hell, bumpy road lang...

"Bored?" Napatingin ako sa nagtanong. It was Treb's friend. Ano kasi ulit ang pangalan niya? Yuri?

"Ah. Medyo." Pag-amin ko. "But more like nahihiya ako."

"But you live here, right?"

"Ha?" Pano niya alam?

"Denzel told us." He replied, as if he read my mind.

"Ah. Oo kahit naman dito ako nakatira tao pa rin ako and I can feel out of place too." Sabi ko.

"Out of place nga ba or awkward?" Biglang sabi niya. "It's because of that guy over there, tama ba?" He glanced at the spot where Henry was.

Napatingin din ako doon. Hindi na siya nakatingin sa akin. Which was good, dahil ang hirap kumilos ng alam mong may nakatingin sayo.

He looked well. I mean, yeah nakakapaglakad na siya ng maayos. In a short period of time, he was able to recover and he's got a good job in a big hotel, too.

"Wala ka ba talagang preno?" Tanong ko kay Yuri. "Porke ba may alam ka eh kailangan mong i-bring up ang lahat ng 'yun?"

"Sorry if I offended you." Aniya. "I'm just being my usual self. Trust me."

Napangisi naman ako. "You're like this everyday? Hindi ba naiimbyerna ang mga tao sa paligid mo?"

"Hindi naman. But there's this one girl..." Naputol ang kwento niya dahil sa isang busina.

The celebrant is here.

Bumaba si Exodus mula sa kaniyang kotse at may mga bumaba pang iba mula sa mga kotseng kasunod.

Mga babaeng magaganda at makikinis. Medyo may hawig naman sa features ni Exodus. Relatives, o chicks?

"Happy birthday, Dos!" Binati siya ni Jenna at niyakap.

"Thank you ate." Exodus replied. He's younger than us?

"Welcome. By the way, remember Paige?" She told him.

Napatingin sila sa akin.

"Hi!" I waved. "Happy birthday!"

"Thank you Paige!" Tugon naman ni Exodus. No ate for me, eh? "Make yourself at home, okay?"

Tumango nalang ako at ngumiti.

He did a man hug with Henry and then greeted his other guests.

Bumalik na si Yuri doon sa tabi nila Treble kaya naiwan akong mag-isa sa mesa. Nag rent sila ng tables and chairs sa catering services tapos yung mga lamesa ay natatakpan ng kulay asul at puting mga tela.

Nakita kong lumabas ng gate si Jenna tapos pagbalik niya, may kasama na siyang lalaki.

Napatayo ako sa gulat.

"Trench Yñigo?" Sambit ko.

What the heck is my cousin doing here? With Jenna?

He's... her boyfriend???

When The Heart Beats (Completed)Where stories live. Discover now