Chapter XXIX-b [Charles]

72.5K 1.2K 274
                                    

Nakamasid lang ako sa lalaking parang walang kaalam alam kung san sya pupunta. Mukhang bisita ata... kanina pa kasi sya paikot ikot dito sa open ground ng school. Tsk. Walang direksyon sa buhaaaay~

"Antagal!!!" reklamo ko nang tignan ang oras sa cp ko. =_____= Halos 15 minutes ko ng hinihintay dito si Kapre matapos yung activity namin kanina. Parang sya yung babae dito aaah~! Ako pa pinaghintay?! Jeez.

"Excuse me Miss" Nabaling ang pansin ko sa lalaking ... >__> sya yung kanina pang di makamove on mula dito sa open ground~! "Can I ask for some help?" Nakatingin lang ako sa kanya at di sumagot. Nakaka-nosebleed yung accent nya... galing lang sa labas ng bansa? Kasi mukha naman syang Pinoy eh! 

He gave me a look asking the same question again, kaya tumango na ako. Baka isipin pa nitong na-love at first sight ako sa kanya. =.= Nga pala, he looks like someone in mid 30's. "Do you know Mr. Arellaño?" 

"Xavier?" walang pagdadalawang isip kong tanong. Sya lang naman ang Arellaño na kilala ko sa school na to eh.

He smiled then looked at me intently. "Are you his student?" Tumango naman ako kaagad at dun ko lang napansin na parang kumunot ng onti ang noo nya nang titigan ako.

Problem, dude?! 

"You look like him..."

"Ano?" Nakataas kilay kong tanong. Narinig ko sinabi nya kaso, gusto ko lang ipaulit.

"No.. nothing." Sagot nya naman at luminga linga sa paligid saka binalik uli ang tingin sa akin. "Do you know where he is right now?" 

=____________= Seriously ... this guy. Kelangan ba nya talagang mag english sa buong pag-uusap namin? 

"Baka nasa office nya." I carelessly answered him back. 

"Aaah. Umm.. I'm sorry for the disturbance Miss, but can you--"

"Pa." Narinig kong tawag sa kanya mula sa  likod ko. Paglingon ko...

si Sir Xavier?! O.O Papa nya to?!

Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa... sa totoo lang? Di ba nila ako niloloko? Bakit di sila magkamukha? Ang layo ng ng istura nila sa isa't isa. Tsaka ang totoo ang bata nya kung ikukumpara sa Mama ni Sir na nakilala ko nung Christmas.

"Hey! What took you so long? I looked like a fool here waiting for you." Tas nagyakapan sila >__> Ok. Moment ng mag-ama.. so asan na ba yung hinihintay ko? 

"Sorry, I had to wait for Eunice." 

"Eunice? She's here?" tanong nung lalaki na para bang kilalang kilala na si Eunice. Siguro, ipinakilala na nya sa pamilya nya yung magiging Mrs. Arellaño someday. 

Tss. -.- Maghahanap nalang ako ng kapareho ng apilyido nya nang maging Mrs. Arellaño din ako balang araw.

 "Yes."

"Then where is she? And what about Xyla?" 

"She'll be here in a minute. And for Xyla, I think she's already in the meeting place."

Tumango tango nalang yung Papa ni Sir. (~~,) Grabe, nakakanosebleed sila! Ganito din kaya sila mag usap sa bahay? Di kaya maubos english nila nyan? 

I'm courting my geek Professor [PUBLISHED BY VIVA PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon