6. A beautiful mess.

31K 776 186
                                    

6. A BEAUTIFUL MESS.

SABI nila, silence is a girl’s loudest cry.

Ladies and gentlemen, I’m crying out loud right now and the bastard doesn’t even have a clue.

 

“Zabrina naman! Kausapin mo nga ako! Tangina, ano ba’ng problema?! Oo, hindi ako nakasipot kahapon, kaya nga nagso-sorry na ‘ko, di ba? Sorry na!”

Tinalikuran ko lang ulit si Romano.

Hindi ko alam kung paanong napaalis nila sa room namin ang lahat ng kaklase namin ni Kimmy. Basta ang nasa loob na lang: mga barkada namin ni Romano, si Rio na matigas ang mukha na bakit daw siya aalis, e, mukhang may bangasan ng mukha raw na magaganap, ako at ito ngang gagong Romano ang pangalan.

 

“Zabrina, ano ba?”

Pero hindi ko pa rin siya pinansin.

 

“Nagka-emergency lang, hindi mo ba kayang intindihin ‘yon?”

ABA, PUTANGINA.

Maiiyak na ‘ko, seryoso.

Emergency? Emergency?  

Siya pa may ganang manumbat, gago siya. Kapag ako napuno nang husto, siya ang madadala sa emergency, hayup siya.

 

“Bakit ba kasi hindi ka man lang nag-text?” tanong ni Gav.

Nice, Gav. ‘Yan din kasi ‘yung gusto kong itanong.

“Nawala ko ‘yung phone ko. Kanina lang naibigay ni Mama sa’kin dahil naiwan ko pala sa taxi at sa kanila hinatid ng driver,” sagot ni Romano tapos bumaling ulit siya sa’kin. “Nawala ko ‘yung phone ko kaya pa’no kita maite-text?”

 

Wow. Seriously?

Mataray na hinarap ko siya.

“Alam mo, may point ka. Nawala na rin kasi ‘yung trust ko sa’yo kaya pa’no kita mapapatawad?”

 

“Boom gago,” narinig kong side comment ni Tom.

Hindi ko na lang pinansin at mapaklang nginitian ko si Romano nu’ng natameme siya.

“Hindi lang nakapag-text, hindi lang nakasipot, trust na agad ‘yung nawala?” hindi makapaniwalang nagbuga ng hangin si Romano. “Tangina. Alam mo kung ano’ng problema n’yong mga babae? Lahat ng bagay dinadamdam n’yo!”

OPERATION: STEALING THE BAD BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon