Chapter XXVIII-b [Where revelations start]

73.1K 1.3K 388
                                    

"May mga bagay nga na PWEDE, hindi naman TAMA.

Pero may mga bagay din na TAMA, hindi naman PWEDE."

 

**

 

XAVIER's POV

 

"Joke nga lang yun!" She still insisted while looking the other way.  Hindi ko naman malaman-laman kung ano ba talaga ang totoo... the thing she said a while ago, or etong sagot nya sa akin ngayon.

"But you kissed me." Remembering that, I can't help myself from blushing =///= Ito kasi ang unang pagkakataong may humalik sa labi ko, bale sya ang first kiss ko.

"I--t w--as.. just for fun ok?" Hindi nya talaga ako magawang tingnan ng diretso sa mga mata. I could sense that she's lying but... hahayaan ko nalang muna. It's not yet the right time. Hindi ko alam kung kelan uli ako magkaka chance na masabi sa kanya ang totoo pero, hindi talaga pwede ngayon. May problema pa ako kay--

"Xavier pinatatawag ka pa--" Natigilan sya nang makita si Mei pero dahil na rin siguro andito ako, eh nginitian nya ito. "Oh... Hi Mei."

"Hi Miss." walang gana nyang sagot dito. Tumingin sya sakin, with those eyes na alam kong maraming gusto sanang sabihin... "Sasabihan ko nalang sila na walang klase ngayon. Bye." sabay alis nya na parang naubusan ng enerhiya. 

Asar! Bakit ba kasi ang tagal naman ng right time na hinihintay ko? I want to tell her how much she means to me so badly. 

"At ano naman pinag usapan nyo?" Pagbasag nya sa katahimikan. Napatingin ako sa kanya... nakakunot ang noo nya  habang tinitignan ako.

"Wala." matabang kong sagot sa kanya.

"Xavier we made a deal--"

"Sakal na sakal na ako sa deal na yan Eunice." putol ko sa kanya. "Unang una, bakit mo ba sya dinadamay? Ako lang naman may gusto sa kanya. Pangalawa, what's your problem? Why are you so affected na sya ang mahal ko--"

"Kasi mahal kita." She interrupted.

Napailing ako. She's a liar. I knew her since we were young, she never had feelings for me ... at ganun din ako sa kanya. We were simply best friends. Nothing more, nothing less.

Tumunog ang cellphone ko kaya di ko na sya sinagot pa. Wala din akong mapapala, puro nalang kasinungaling ang sasabihin. Why  does she have to pretend that she loves me when in fact, she's not?

Pagtingin ko...A message from Xyla. Napatingin ako kaagad kay Eunice nang mabasa ang message nya. I don't know if she'd be happy with this.

"He's here." sabi ko.

"Wh--at do ... you mean?" Alam kong kinakabahan sya... still she hasn't change. 

"Still love him? Better come. We're gonna meet him somewhere." Nakita kong napakagat labi sya sa sinabi ko. The little Eunice that's so in love with him is still existing. Obvious namang mahal pa nya sya. Kaya nga di ko magawang paniwalaan ang mga pinagsasabi nya na mahal nya ako kasi may nagmamay ari sa puso nya noon pa.

I'm courting my geek Professor [PUBLISHED BY VIVA PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon