64 : Good old times (Part 1)

63.5K 3.5K 3.5K
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


        I sighed as I finally laid on the bed in my satin red pyjamas. Pagod na pagod ako, parang pati ang kaluluwa ko pagod na pagod narin. Una andaming bisita na kailangang harapin, tapos may Apollo pa na mapanakit ang pagmumukha, tapos may Denver pa na daig ang security guard kung makadikit kay Braylee kaya pahirapan kami ni Riley na ma solo siya.

         I'm just so happy that Braylee and Denver are getting married as well. I know Denver, he loves Braylee so much and she loves him too. After everything they've been through, they deserve to be happy.

         "Anong hiniga-higa mo diyan?" Riley snarked at me but this time wala na siyang suot na earphones or dalang clipboard.

         "Anong anong hinihiga-higa ko?" I asked curiously.

        "Anong anong anonang hinihigahigagaha-- wait this is twisting my tongue." Braylee sighed defeated.

         Riley gave Braylee a deadpan glance, he looked at me again and glared. "Get your ass up, we'll have a simple get together outside--"

          But before Riley could continue, biglang may kumatok. Braylee was standing near the door dressed in her blue pullover and shorts and a jacket on her waist. Parang may hinihintay. Binuksan niya agad ang pinto at pumasok sina Denver, Lucho, at Warren na may bitbit na tig-isang basket na puno ng mga alak. Jusko! Mapapasabak na naman kami sa inuman nito!

         Nagtungo kami sa likuran ng villa at nakita namin ang isang bilugang swimming pool. May mga nakalatag na mga mattress at unan sa sahig, siyempre hindi nawala ang mga chichirya, pulutan, baso, at mga alak.

         Naabutan namin ang cream team na palibot ang pagkakaupo at mukhang nagkakatuwaan ang mga ito. Ang laki ng ngiti sa mukha nina Apollo at Haji, umaabot sa malayo ang tawa nila. Everyone looks like they're having fun except for Cohen. Siya lang kasi ang hindi tumatawa. Ano kayang pinag-uusapan nila?

        "Hindi magtatabi ang mga magjo-jowa!" Anunsyo bigla ni Riley sabay hawak sa mga kamay namin ni Braylee. Tumayo naman sa gilid ko si Warren, tapos sa gilid naman ni Braylee si Lucho. Si Riley ang nasa gitna na parang mother hen namin.

         "I'm sitting next to my girl." Denver gave Riley a deadpan look.

        "No you're not." Riley smiled sweetly while shaking his head. Sarcasm dripping in his face.

         "Bear, ngayon lang naman." Pakiusap nalang ni Braylee.

        "You might get drunk again." Paalala ni Denver.

         "I can handle myself now." Braylee smiled proudly.

         "No she can't." Tumawa si Lucho kaya agad na lumingon sa kanya si Riley at parang isang galit na inang pinanlisikan siya ng mga mata, natahimik tuloy si Lucho at napalunok. See! Riley is our Juday now!

Attack of the F*ckboysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon