27 : Missed doors

71.9K 3.7K 1.9K
                                    


Йой! Нажаль, це зображення не відповідає нашим правилам. Щоб продовжити публікацію, будь ласка, видаліть його або завантажте інше.


        "Hey horse poop!" 

        Agad akong napalingon at sinamaan ng tingin si Apollo. Tumawa lang siya at inabot sa akin ang isang barbeque stick na may marshmallow na isinalang sa apoy. Tinanggap ko ito at kinain, nanatiling nakaharap sa akin si Apollo na para bang binabantayan ang magiging reaksyon ko.

       "How is it?" Tanong niya at napangiwi  ako bilang sagot. Masyadong malagkit, medyo mainit in kaya nahihirapan ako sa pagnguya. 

        Tawa siya ng tawa at nakuha pa niyang kunin ang cellphone niya para videohan ako. Panay ang iwas ko samantalang siya'y tuwang-tuwa sa ginagawang pang-aasar sakin.

      Nang malunok ko na sa wakas ang marshmallow, pabiro kong itinutok sa kanya ang barbecue stick. "Gusto mo saksak?!" banta ko.

      Maarte niyang hinawakan ang kanyang dibdib. "Matagal na'tong wasak."

     "Arte mo uy! Para kang bakla!" Biro ko.

     "Ba't niyo ako pinag-uusapan?!" Asik ni Riley at nang mapalingon kami ni Apollo ay matalim na ang tingin nito sa amin habang hawak ang sariling barbecue stick at marshmallow na nakasalang sa apoy ng bonfire. Katabi niya si Reika na halatang bumubuntot na naman sa kanya.

      "Sabi ni Apollo, cute ka raw!" Biro ko nalang.

       Nakita kong kumunot ang noo ni Reika kaya natawa nalang ako. Reika's really going gay for Riley.

      Mula sa gilid ng mga mata ko, napansin kong nagk-kwentuhan sina Sawyer, Warren, at Lucho. Mukhang tungkol sa basketball ang pinag-uusapan nila. Si Magno naman hayun, abala sa pagpapak ng roasted marshmallow at mukhang aliw na aliw. Katabi nito si Haji at Braylee na nagk-kwentuhan din. Mukhang friends na sila agad ah?

      Pasimple kong pinakinggan ang usapan nina Haji at Braylee. Mahirap na kasi. Baka mamaya katulad ni Cohen 'tong isang 'to.

     "Don't worry. Haji's not bad as he seems."

      Napalingon ako nang marinig na magsalita si Apollo. Nakatingiti siya sa akin habang nagsasalang ng marshmallow sa apoy.

      "How sure are you?" tanong ko.

      "Kaibigan ko sila kaya alam ko." Aniya bagay na ipinagtaka ko.

      "You're friends with these f*ckboys? Does that mean you are one too?" Hindi ko na napigilang mabulalas. 

       His eyebrows creased as if he just heard something really absurd. "Do you think i'm a f*ckboy too?" ibinalik niya sa akin ang tanong.

       Umiling ako. "I don't think you're a f*ckboy. I think you're a good guy and I hope i'm right about that... I would be totally heartbroken if you turn out like Cohen."

Attack of the F*ckboysWhere stories live. Discover now