5 : Her other side

119K 5.6K 3.2K
                                    


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


       "Hawthorn, hindi ka pwedeng umalis sa team!"

       "Coach, I don't want to play anymore."

       "What's this about? You love the game for God's sake!"

       "I just don't want to play anymore!"

       "Coach! Coach!"

       "Aatakihin na naman si Coach ! Hawthorn maglaro ka na kahit sub lang!"

Nagkakagulo na ang lahat sa locker room dahil mukhang inaatake na sa puso ang kanilang basketball coach pero sa kabila nito ay nakatulala lamang si Cohen, nakaupo sa isang tabi, paulit-ulit na bumabalik sa isipan niya ang nangyari sa pagitan nila ni Piper sa nagdaang gabi.

"Cohen! Hoy!" Napukaw ang atensyon ni Cohen nang bigla na lamang may nambatok sa kanya. Agad siyang lumingon at nakita ang patawa-tawang si Haji na nakasuot na ng basketball jersey.

"Ano?!" asik niya rito sabay sapo sa batok niyang natatakpan ng bimpo.

"Tinatawag na tayo sa labas! Game time!" giit ni Jethro habang pinupunasan ang pawis sa matipuno nitong dibdib at balikat, pagkuway agad na nagsuot ng jersey nila.

Tumango na lamang si Cohen at nagsuot narin ng kanyang jersey. Nagtaka siya nang mapansin ang nakabusangot na si Hawthorn sa isang tabi na animo'y napakalaki nang galit sa mundo.

"Problema niya?" mahinang sambit ni Cohen sabay turo kay Hawthorn.

"Ikaw anong problema mo?" tanong pabalik ni Jethro, kunot-noo.

"Hoy hindi ka pa nagk-kwento, anong nangyari sa inyo nung Piper? Umabot ka ba sa second base?" nakangising tanong ni Haji sabay taas-baba ng kanyang kilay.

 Hindi kumibo si Cohen, bagkus ay tinanggal niya ang bimpo na nakasabit sa ibabaw ng kanyang leeg at nagsimulang naglakad palabas ng locker room at papunta sa court.


TILIAN ang lahat ng mga kababaihan ng Rosepike University sa paglabas ng buong koponan sa court. Ang ilan sa mga ito ay may bitbit pang mga banner kung saan nakasulat ang iba't-ibang mensahe ng suporta para sa kani-kanilang mga idolo.

Napangisi si Cohen nang makita ang mga babaeng may bitbit ng banner na naglalaman ng kanyang mukha. Kinawayan niya ito dahilan para mas lalo itong magtilian mula sa bleachers. Nilibot niya ang paningin sa bleachers, hanggang sa dumako ang paningin niya sa lugar kung saan nakaupo ang mga estudyante ng Filimon University, may hinahanap siya. At nang hindi niya makita ang mukha ng dalagang umukupa sa kanyang isipan buong magdamag, napabuntong-hininga siya at napailing-iling.

"Looks like our fanbase is as strong as ever despite of that fuckboy list," buong-ngiting sambit Magno na nagpatong ng siko nito sa balikat niya.

"Yeah," ngumisi si Cohen. "Girls can't resist us."

Attack of the F*ckboysWhere stories live. Discover now