Chapter 28

10.3K 236 10
                                    

Stephanie's POV
        Huminga ako ng malalim bago kumatok sa pintuan sa tapat ko. Kung may taong makakasagot sa lahat ng tanong ko siya yon. Kumatok ako ulit ng walang nagbubukas ng pinto, naiinip ako wala na kong dapat  sayangin na oras. Gusto ko ng matapos to nang wala pa rin nagbubukas ng pinto ay kakatukin ko na sanang muli ng may humawak sa kamay ko. Lumingon ako para makita si Damien, ngumiti siya sakin bago nagsalita.

" Kumalma ka muna." Tumango ako saka humarap muli sa pinto. Maya maya pa ay bumukas ang pinto at bukungad samin si Rose. Walang nagsasalita saming tatlo nagsusukatan lang kami ng tingin. Si Rose ang unang bumitaw bago huminga ng malalim. Nilawakan niya ang pagbukas sa pinto niya. Pumasok ako habang si Damien ay nagpaiwan sa labas.

" May gusto ka bang inumin? Juice, tubig?" Umiling ako at sinenyasan ko siyang umupo sa tapat ko. Nararamdaman kong nanginginig ako kaya't pinagsaklop ko ang dalawang kamay ko. Ibang Rose ang nasa harapan ko, hindi siya yung masiyahing Rose na nakilala ko limang taon na ang nakalipas. Nang hindi siya kumibo inilabas ko ang recorder sak inilapag sa harapan niya.

         Napatingin siya sa recorder kumunot ang noo niya pero agad din nawala yon. Ramdam ko ang tensyon na bumabalot sa'ming dalawa, di ako sanay na ganito kami pero siya hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya. "Anong meron?" Walang emosyon ko siya tinignan.

"Bakit hindi mo i-play?" Nakita ko ang takot sa mukha niya. Tapos na kong makipaglaro, ubos na ang pasensiya ko. Kung totoong isa siya sa may pakana nito, hindi ako mananahimik hangga't hindi ko sila nakikitang nabubulok sa bilangguan. "May ideya ka ba kung anong meron diyan." Hindi siya kumibo kaya't inabot ko ang recorder saka ito pli-nay.

"Anong balak mo? "

" Edi yung matagal ko ng plano. You know how long i've waited just to finished this. "

" Pero kapatid mo siya, hindi ka ba nakokosensiya? "

" Kapatid? Wala kong kapatid. Ampon lang si Julia, kinuha na niya lahat ng atensyon ng magulang ko ngayon pati si Eziekel nagawa niyang agawin. Hindi na ko papayag ulit. "

" Kahit mapatay mo si Julia? "

" Kahit magkamatayan pa kaming dalawa. "

" Pero may anak sila. Pa'no si Noah baby pa lang siya. "

" Pwede naman akong kilalaning mommy ni Noah. Total sabi mo baby pa lang siya, wala pa siyang muwang sa mundo. "

" Pero Lilaine-- "

" Wag mo banggitin pangalan ko. Basta magiging akin si Eziekel. "

"Anong masasabi mo?" Tanong ko sa kanya pero wala akong nakuhang sagot. Tumayo ako at pumunta sa tapat niya. "Magsalita ka Rose. Wag mo kong gagaguhin tapos na kong maglaro." Agad siya natinag ng malakas na sampal ang lumapat sa mukha niya.

"Step—"

"Wag mo kong matawag tawag na Stephanie, dahil hindi ako si Stephanie. Magpaliwanag ka yun ang kailangan ko." Nagsimula siyang umiyak gusto ko makaramdam ng awa pero paano yung buhay ko na nasira dahil sa kanila?

"Hindi ko ginusto yung nangyare sayo." Panimula niya umupo ako ulit para pakinggan yung paliwanag niya. "Napilitan lang ako non dahil kailangang kailangan ko ng pera. Naalala mo nung inoperahan si nanay? Julia hindi maooperahan si nanay kung hindi ko gagawin yon. Walang wala ako gipit na gipit ako."

"Kay nagawa mong pumatay ng tao?" Tumingin siya sakin saka umiling. Nagpunas siya ng luha niya bago magpatuloy.

"Hindi ako ang may gawa non, wala akong intensyon na patayin ka. Noong panahon na yon gusto ko ng hindi ituloy ang plano. Umatras ako, pero nagulat ako ng tumawag si Lilaine pinapunta niya ko sa lugar kung saan kayo naaksidente. Gamit yung kotseng binigay niya pinuntahan ko kayo. Nakita kita pati ang papa ni Eziekel gising ka non kaya hindi nako nagdalawang isip na tulungan ka." Huminto siya saglit saka ako tinignan, ngumiti ng bahagya. "Yung katawan ipinalit ko don sa kotse, yung nabangga niyo. Wala na siyang buhay kinuha ko yung kwintas at singsing mo para mapaniwala ko silang ikaw yon. Ang papa mo hindi ko sure kung buhay pa siya non, tutulungan ko dapat siya pero nagulat ako ng may bumangga sa kotse niyo pababa ng bangin at don nangyare yung pagsabog. Si Lilaine buti na lang naitago kita nagtataka siya kung bakit may dugo ako pero ang sabi ko na lang nakita kitang buhay kaya gumawa ako ng paraan para mapatay ka. Nang umalis siya saka kita nilapitan at dinala sa hospital kung san mo naging doctor si Damien.

"Bakit hindi mo ko binalik kila Eziekel?" Tanong ko sa kanya. Umiwas siya ng tingin sakin saka huminga ng malalim.

"Yun naman talaga ang balak ko paggising mo pero wala kang maalala sinabi ko sa sarili ko hindi ka pwedeng bumalik don ng ganyan ang kalagayan mo kaya ako nagbigay ng pangalan mo ng mga bagong alaala na hindi sayo. Pero habang tumatagal nag-aalala ako kasi wala ka pa rin maalala kaya nagpumilit akong lumipat tayo dito sa Manila. Doon ko isinagawa yung plano ko. Naalala mo nung unang napunta sa bahay mo si Noah?" Sa sinabi niyang yon ako naman ang kumunot ang noo may nabuo ng ideya sa isip ko pero gusto ko pa rin na manggaling sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.

"Ako nagdala kay Noah sa bahay mo. Sinabi ko sa kanya na nandon ang Mommy niya kaya sumama siya sa'kin. At don mo nakilala si Eziekel." Tumulo ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko man lang nakita ang paglaki ni Noah, sinisisi ko din ang sarili kung bakit wala akong ginawa noong panahong wala akong maalala na siguro kung dati ko pa pinipilit ang sarili ko na alalahanin ang lahat baka matagal ko na silang nahanap.

"Rose itong mga inamin mo sakin simula sa pagplano niyo ni Lilaine. Lahat to sabihin mo sa pulis. Kahit yun man lang maitama mo." Nagsimula humagulgol si Rose pero tumango siya ibinigay ko sa kanya ang recorder sinabi ko na din ang mga dapat kong sabihin.

Siya pa rin ang naging dahilan kung bakit
kami nagkita ni Eziekel. Pero dapat pa rin niya pagbayaran ang kasalanang ginawa niya.

————————————-
Belated merry Christmas😘 and Happy new year

Wanted: Mommy for hire [COMPLETED]Where stories live. Discover now