Chapter 22

15.8K 414 45
                                    

Stehanie's POV

Sabay sabay kaming nag-aagahan nila Eziekel ng dumating si Lilaine. Ano na naman kailangan nito?

" Hey hon! " Mabilis niyang nilingkis ang braso niya kay Eziekel bago ito hinalikan sa pisngi.

" What do you want? " Walang emosyon tanong niya kay Lilaine.

" Tita Lilaine? " Tinignan ko si Noah na nakatingin ngayon kay Lilaine.

" Oh hi baby, tita Lilaine missed you so much. " Lumapit ito samin at agad niyang kinuha ang kutsarang hawak ko. " Ako na magpapakain sa kanya. " Matalim niya kong tinitigan pero syempre hindi ako nagpatalo, siya ang unang umiwas at tinuon ang atensyon Kay Noah. " I miss you! don't worry I have pasalubong for you. Here. " Inabot niya rito ang paper bag na may lamang laruan.

" Uhm sorry Tita Lilaine but mamsy will buy me a lot of toys. " Binalik nito sa kanya kaya napangiti ako.

" it's that so, baby? Ito kain ka na lang. " Akmang susubuan niya ito ng umiling si Noah.

" Mommy will do that for me. " Tinignan niya ko ng masama saka nilapag ang kutsara sa plato ni Noah. Nginitian ko siya saka kinuha yung kutsara at bahagyang tinabig ang kamay niya.

" Excuse me. " Nginitian ko siya saka sinubuan si Noah.

Hindi naman nakaligtas sa mga mata ko ang matalim niyang pagtitig sakin. Tsk, kala mo naman talaga. Tinignan ko ang kamay niya nakahawak ngayon sa kamay ni Eziekel. May mga tinatanong siya kay Eziekel at sinasagot naman siya nito. Hindi ko alam, pero bakit nakaramdam ako ng inis?

" Mom? Are you okay? " Kumuha ako ng kanin saka sumubo ng sumubo, napatigil lang ako ng hawakan ako ni Noah. " Mom. " Tumingin ako sa kanya nakatingin rin siya sakin, pero hindi lang siya pati si Eziekel at Lilaine pati si manang Isang.

" H-ha? " Muli kong binalingan ng tingin si Noah.

" I think you're not okay, mom. " Kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni Noah.

" Ako? Hindi, okay lang ako. " Ngumiti ako sa kanya saka ko hinawakan ang pisngi niya.

Pagkatapos mag-agahan ay hinatid ko na si Noah sa school nila si Eziekel at Lilaine naman ay naiwan sa bahay. Wala akong pake kung anong ginagawa nila kahit mag-usap sila, maglandian sila kahit nga mag se-ay letse! hinampas ko ang manibela at saka sumubsob doon.

" Ano kayang ginagawa nila ngayon? " Teka? Bakit ganito ba ko mag react? As if naman may pake ako, umiling iling ako saka binuhay ang sasakyan. Pupunta pa ko sa hospital dahil check up ko ulit.

Pagkadating ko doon na sa meeting pa si Alice kaya naghintay muna ako sa loob ng opisina niya. Naglalaro na lang ako sa cellphone ko ng color switch ng bumukas ng pinto.

" Alic-- Dr. Mel. " Agad kong pinatay ang phone ko saka ako tumayo. " Ahm wala po dito si Dr. Alice. " Aniya ko.

Ngumiti muna siya bago sumagot. " I know, iiwan ko lang tong mga medical records mo. Nagkausap na kami na siya na nga ang maghahandle sayo. " Sagot niya.

" Ahh ganon po ba? Sige po. " Tumango ako saka umupo ulit.

" Uhm sige mauna na ko, I have a lot of things to do. " Paalam niya saka binuksan yung pinto.

" Sige po ingat. " Paalis na sana siya ng humarap ulit siya sakin.

" And one more thing ihja. " Tumingin ako sa kanya. " I'm sorry. "

Kumunot ang noo ko saka nagtanong. " Para saan po? " Binigyan niya ko ng ngiti bago sumagot.

" Wag mo munang isipin yon, saka na. Maiintindihan mo rin kapag okay na ang lahat, sa ngayon magtiwala ka muna kay Alice. " Yun lang at tuluyan na siyang lumabas ng pinto.

Ano daw? Ang gulo, wala akong naintindihan. Sakit sa ulo be, hayy.

After fifthteen to sixteen minutes saka dumating si Alice. Mukhang nagmadali siya base sa paghinga niya. Mukhang di niya pa ko napansin dahil dumiretso siya sa table niya, saka umupo at pumikit.

" Woo. Kakaiba talaga mag-utos yung Franc na yun, bwiset! Akala mo kung sinong bossy! Di naman kagwapuhan. " Napangiti na lang ako dahil sa inasal ni Alice, mukhang may naganap na world war 3 eh.

" Hi. " Bati ko. Napaupo siya ng maayos at halatang gulat na gulat. " Huuy para kang nakakita ng multo, easy ako lang 'to. " Tumayo ako saka lumapit ako sa kanya.

" Kanina ka pa dito? " Tanong niya saka tinignan ang wrist watch niya. " Sorry, nagka-emergency meeting eh. "

" No, it's okay kadadating ko lang naman. " Sagot ko dito.

" So let' start? " Tango na lang ang isinagot ko.

Katulad ng mga nakaraang linggo, may mga test pa ring ginagawa si Alice sakin. Minsan tinatanong niya ko sa mga pinagdaanan ko ng five years, pati yung pagkakaalam ko sa aksidente. Kinwento ko kung ano yung pagkakawento sakin ni Rose.

" So we're settle here. Stephanie kailangan mong puntahan yung lugar kung saan ka na aksidente, yung kotseng sinakyan ni Julia at ni tito kailangan mong puntahan yun. "

" Ha? Pero diba nasunog yung kotse? Baka wala na yun. " Imposibleng nandun pa rin yun, it's been five years.

" No, after that accident hindi pumayag si tita na itapon yung kotseng ginamit nila Tito. I think umaayon satin ang tadhana. " Tumango tango na lang ako.

" Pero anong gagawin ko sa kotseng yun? " Tanong ko dahil wala akong ideya sa gustong ipagawa ni Alice.

" Find this. " Binigay niya sakin yung isang litrato, si Julia. " See that necklace? Nasa ilalim yan ng upuan sa backseat may hidden box dun, si Julia mismo nagtago ng kwintas na yan. Try to find it, pero may code yung box na yun. " Tinignan ko ng maiigi yung kwintas, dream catcher pero sa silver ito gawa.

" Kung may code, pano ko 'to mabubuksan? saka baka sunog na rin yun box. " Paalala ko sa kanya.

" It's your way to find out. Kung ikaw talaga si Julia pwedeng maaalala mo yung pass code ng box na yan. Saka nope hindi pwedeng masunog yan front part lang ng kotse ang nasunog kaya imposibleng masunog siya. Ang kailangan mo lang gawin is hanapin yung kotse. " Haaay mukhang adventure ang gagawin ko.

" Okay I'll try. " Gagawin ko lahat para mahanap yung kotse.

At dun ko na rin hahanapin ang tunay kong pagkatao.

Itutuloy...

--------------------------------------------------

So long time no update guys, sorry as in sorry talaga. Pero promise tatapusin ko yung kwentong to. Sorry sa mga matagal naghintay ng update. And ang lame ng update ko sabaw na sabaw. Sumabay pa si heart, so i'll try to update as soon as possible. LOVE YOU GUYS!!

Ms. LLA

Wanted: Mommy for hire [COMPLETED]Where stories live. Discover now