Chapter 26 - Part 1 -

12.4K 289 54
                                    

Stephanie's POV

Pangatlong araw na simula ng pumunta ako sa junkyard at hanggang ngayon wala pa rin akong nakukuhang tawag. Nagsisimula na kong kabahan na baka naitapon na yon o ano. Pa'no kung naidispatya na 'yon? San ako kukuha ng impormasyon?

Umupo ako sa sofa ng makaramdam ako ng hilo. Madalas na rin akong nahihilo kapag pilit akong nag iisip ng kung ano-ano. Lumabas si Eziekel mula sa kwarto ng maabutan niya ko sa ganong sitwasyon. " You okay? " Tanong nito na agad naman akong tumango. Tumabi siya sa akin at hinubad ang salamin niya. " Anong nangyari sa lakad mo three days ago? " Bumugtong hininga ako saka sumagot.

" wala, hindi pa rin tumatawag. Si Noah pala kamusta? " Tanong ko rito. " He's okay beside si tita Alice niya ang nagbabantay sa kanya. " Tumango na lamang ako saka itinuon ang sarili ko sa panonood.

Hanggang ngayon ay di pa rin ako kumportableng malapit sa akin si Eziekel. Hindi ko alam kung bakit, dahil ba sa sagutan namin nung nakaraang araw, o dahil ba malapit na siyang ikasal, o dahil... Malapit na ko sa katotohanan. Marami pa rin akong iniisip na problema, sa sobrang dami ay minsan hindi ko maiwasang mahilo.

Tumayo ako upang kumuha ng tubig at para rin makalayo ako kay Eziekel. Piling ko ay sasabog na ang puso ko dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa. Hinilot ko ang sintido ko dahil hindi pa rin nawawala ang pagkahilo ko. Kailangan gawin ko 'tong mag isa, kailangang kayanin ko. Naramdaman ko ang mga yabag na papalapit sa kinaroroonan ko kaya umayos agad ako ng tayo at nilingon si Eziekel. " Are you okay? " tumango ako at inilagay ang baso sa lababo, saka naglakad palabas ng kusina.

Napahinto ako ng hawakan ako ni Eziekel sa braso at iniharap sa kanya. " Is there something wrong? " Muling tanong nito na agad ko naman ikinailing. " Bakit pakiramdam ko umiiwas ka? " Tinignan ko ito sa mata saka tinanggal ang pagkakahawak nito.

" Ano ba dapat kong gawin? Zeke boss kita, at ikakasal ka na. Hindi ako umiiwas sayo, alam ko lang kung saan ako lulugar. " Nagtiim bagang ito saka pumikit.

" So? Porket ikakasal ako iiwasan mo ko? " Tinitigan ko siya ng hindi makapaniwala.

" Really? Eziekel? Tinatanong mo yan? Mali nga lahat 'to eh. Sumama ka sakin dito pero hindi ka parte ng plano, iniwan mo yung anak mo sa Manila para lang dito. Iniwan mo yung fiancé mo para samahan ako. Anong gusto mong isipin ko? " Tinalikuran ko siya pero agad niya din akong pinigilan.

" Mali bang piliin ko man lang minsan kung saan ako masaya? Mali ba Step? Sabihin mo sakin. Mali bang sundan ko yung taong nagpapasaya sakin? " Puno ng hinanakit niyang tanong, umiwas ako para itago yung emosyong nababalot sa puso ko. " Oo, mali Zeke. Maling mali. " Saad ko. Binitawan niya ako saka tumawa ng mapakla.

" So this is all I got after choosing you over my fiancé? Huh! how pathetic

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

" So this is all I got after choosing you over my fiancé? Huh! how pathetic. I shouldn't be in here. " Naglakad ito at nilampasan ako saka nagkulong sa kwarto.

Bagsak ang balikat akong bumalik sa sofa saka naupo roon. Ganito pala kahirap ang hanapin mo ang tunay na ikaw. Kailangan mong magsuot ng maskara para hindi nila maramdaman ang tunay mong nararamdaman. Pinilit ko na lamang ang sarili ko sa panonood ngunit hindi rin ako makapag focus. Maya maya lamang ang bumukas ang kwarto at lumabas doon si Eziekel buhat ang bag nito.

Tiisin mo Step, tiisin mo. Siksik ko sa utak ko.

Nagsimula itong maglakad hanggang sa narinig ko ang pagbukas ng pinto. " Aalis na ko. " Rinig kong tinig niya, hindi ko ito nilingon at nagpanggap na nanonood. " Please be careful. " aniya niya saka isinara ang pinto.

Sabay ng pagtulo ng luha kong kanina ko pa pinipigilan sa pagtulo. Kahit anong sakit titiisin ko, kahit anong hirap. Sorry Eziekel pero kailangan ko 'tong gawin mag isa. Kinuha ko ang cellphone ko sa side table saka cinontact ang isa sa mga pwede ko hingian ng tulong.

" Hello? " Sagot ng tawag sa kabilang linya.
" Damien? I need your help. "

Itutuloy...

------------------------------------

Alam ko po bitin at sorry po sa mahabang mahabang pasensya at paghihintay sa update. Wala po talaga akong rason or more like nawala inspirasyon ko sa pagsulat. But don't worry guys. I'm back 😊😊

And part 1 pa lang po ito.

Ms. A

Wanted: Mommy for hire [COMPLETED]Where stories live. Discover now