Chapter 5

18.5K 407 10
                                    

Chapter 5- Voice

When I sit down to write a book, I do not say to myself, 'I am going to produce a work of art.' I write it because there is some lie that I want to expose, some fact to which I want to draw attention, and my initial concern is to get a hearing." -George Orwell

Stephanie's POV

" Ms. Ferrer? " Tawag sakin ni Meg kaya lumingon ako sa kanya.

" Why? " Tanong ko, nakatingin siya lamang siya sakin bago sumagot.

Nakaramdam ako ng kaba dahil sa mga tingin na ibinibigay niya saki. " Tawag po lahat ng teacher mula kinder to grade 3 sa office. " Huminga muna ako ng malalim bago tumayo. Pinaayos ko na rin muna kay Meg yung mga pinaggamitan ng mga bata, bago lumabas. Nasa hallway na ko papuntang office nang mag vibrate yung phone ko. Napakunot ang noo ng makitang unknown number ang tumatawag.

" hello? " Sagot ko, sino kaya 'to.

" Miss na nakabangga ng kotse ko. " Kilala ko na, yung aroganteng akala mo kung sino porkit naka Mclaren.

" Oh bakit? " Walang gana kong tanong ko.

" Anong " why" ? Yung kotse ko. " Nasa talyer wala sa panty ko.

Huminga ako ng malalim saka nagsalita. " Anong meron sa kotse mo? " Oo na, ang wala na kong sense kausap. Eh sa naiinis ako sa presensya niya eh, isama mo pa na napatawag ako sa office.

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa sa kabilang linya. " What do you mean? Binagga mo yung kotse ko tapos tapos tatanungin mo kung anong meron? " Huminga ulit ako ng malalim bago sumagot.

" Oo na, babayaran ko yun wag kang mag-alala, okay? Mamaya ka na may meeting pa ko. " Bago pa siya sumagot pinatay ko na yung tawag. Bahala siya, kausapin niya sarili niya.

Nagmadali na ko sa paglalakad, dahil kapag ganitong biglaang meeting bawal ang VIP. Kumatok muna ako bago pumasok, marami-rami na rin sila. Umupo ako sa tabi ni Hannah teacher siya sa grade 2. " Bakit daw nagpatawag ng meeting? "Tanong ko. Madalang lang kasi yung mga ganitong pangyayari, at hindi maganda ang kutob ko.

" Hindi ko rin alam, kinakabahan nga ako eh. " May mga nag-uusap rin tungkol sa biglaang meeting nang pumasok na si Mrs. Rodriguez ang principal nang school na 'to.

" Good morning everyone. " Bati niya kaya bumati rin kami. " Nagulat siguro kayo sa biglaang meeting na 'to, and hindi na ko magpapaligoy ligoy pa. All of you ay kailangan obserbahan namin sa pagtuturo one of these day until next week, and hindi lang yon. Kailangan ng St. Clarisse mag tanggal ng 5 teachers that's why oobserbahan namin kayo. " Naguluhan ako dahil sa sinabi ni Mrs, Rodriguez, kaya agad na nagtanong ako.

" Bakit po? I mean bakit kailangan magtanggal? " Tanong ko, bakas sa mga mukha namin ang pagtataka. Ang daming katanungan saming mga mata.

Huminga nang malalim si Mrs, Rodriguez bago siya sumagot. " Private school ang St. Clarisse kaya di tayo hawak ng gobyerno, and we're sad to say na bumaon sa utang ang St. Clarisse that's why kailangan namin magtanggal. And yung mga matatanggal na teacher, ire-recommend namin kayo sa ibang school or mas better baka abroad pa. " Ang daming tanong sa utak ko, pero mas pinili kong wag na lang magsalita. Mga co-teachers ko na lang ang mga nagtanong.

Bakit pati ako kasama? Halos lahat naman kami ay magagaling sa pagtuturo.

Lumabas na agad ako ng office nang matapos ang meeting. " Ma'am Step, pinauwi ko na po yung mga student mo. " Ngumiti na lang ako sa kanya.

" Ikaw? Di ka pa uuwi? " Tanong ko, feeling ko biglang bumagsak ang katawan ko. Marahil sa pagod o kaya'y malamang dahil sa posibilidad na pwede akong matanggal. " Amm hindi po muna siguro, may mga tatapusin pa ako eh. " Tumango na lang ako at saka nagpaalam na. Kailangan ko pang sunduin si Noah.

Wanted: Mommy for hire [COMPLETED]Where stories live. Discover now