Chapter 7

18.2K 433 14
                                    

Chapter 7- Goodbye?

Stephanie's POV

" Mommy. " Tawag sa'kin ni Noah, tinignan ko lang siya dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. " Mommy? " Huminga ako ng malalim bago ako lumuhod sa harap ni Noah para magpantay kami.

" Yes baby? " Tanong ko rito.

" Why you're not smiling? Hindi ka po ba happy, kasi we saw dad na? " Umiling naman ako.

Hinawakan ko siya sa pisngi bago magsalita. " Masaya ako kasi nakita mo na si daddy mo. " Tinignan ko si Ezekiel na nakatingin saming dalawa.

Umiwas naman agad siya nung nakita niyang nakatingin ako sa kanya. Ibinalik ko ang tingin ko kay Noah, ngumiti ako sa kanya.

" Amm g-guys ano, una na ko. May appointment kasi ako ngayon eh. " Ani ni Rose na parang hindi mapakali sa pwesto

" H-ha? Sabay na tayo. " Sabi ko rito.

" E-eh paano si Noah? " Balisang tanong nito.

Tinignan ko saglit si Noah bago sagutin si Rose. " Nandito na yung daddy niya. " Sabi ko habang nakatingin kay Eziekel.

" Why don't we eat first? " Tanong ni Ezekiel. karga-karga pa rin nito si Noah, hanggang sa makalabas na kami ng hospital. " Wag na, thank you na lang. " Tanggi ko rito. Bumaba si Noah mula sa pagkakakarga ni Eziekel saka lumapit sakin.

" Are you leaving, mommy? " Tanong ni Noah. Tinignan ko ito pati si eziekel pero ibinalik ko rin agad ang tingin ko kay Noah, lumuhod ako para magpantay kaming dalawa.

Hinawakan ko ang pisngi niya saka ngumiti ng mapait. " Noah look, I'm not your mom. H-hindi ako pwedeng sumama sa inyo ng daddy mo. " Nakita kong nangingilid ang mata ni Noah. " Hey don't cry. Pwede naman kitang dalawin dun eh, kung papayag ang daddy mo. " Saad ko rito.

Niyakap niya ako bago magsalita " But you're my mom. " Napabuga na lang ako at saka ko siya tinignan.

" Kumain muna tayo, at hindi ka pwedeng tumanggi. " Sabi ni Ezekiel at saka kinuha si Noah sakin.

" Pero-- "

" Ang sabi ko Hindi ka pwedeng tumanggi. " Putol niya at naglakad na sila papalayo, wala na akong nagawa kundi ang sumunod na lamang. Tinignan ko si Rose na malayo ang tingin.

" Rose. " Tawag ko rito, kaso mukhang masyadong malalim ata ang iniisip ng babaeng to. " Rose!! " Tawag ko ulit rito.

" Ayy Ezekiel! " Tumingin siya sakin at tinakpan ang bibig nito, halata sa mga nito na kaba at pagkagulat kaya tinawanan ko siya.

" Anong nangyari sayo? Kanina ka pa balisa, bakit? Wag mong sabihin na love at first sight ka dun sa antipatikong yon? Oy paalala lang ikakasal ka na next month. " Ngumiti ako ng nakakaloko kaya agad siyang umiwas ng tingin.

" H-ha? Hindi ah! Bakit ko naman ipagpapalit si Bryle dun? Duuh! Masaya na ko sa groom ko. " Hahaha defensive much. Ngumiti lang ako saka ko siya mahinang binatukan.

" Mommy! " Sigaw ni Noah.

Nginisian naman ako ni Rose. " Tawag ka na ng anak mo, kasama yung asawa mo. Hahaha " Sinimangutan ko lang 'to at saka tinalikuran, bahala siya diyan. Kaya na niya sarili niya. " Tss bahala ka sa buhay mo! Sana mag bago isip ni Bryle na pakasalan ka! " Sabi ko at saka naglakad palayo.

Nakasunod lang ako sa mag-ama nang tawagin ako ni Noah. " Mommy! " Tumakbo siya papalapit sakin. " Faster! " Sabi nito at hinila ako palapit sa kanilang dalawa.

Nasa gitna naming dalawa si Noah, habang hawak hawak namin ang magkabilang kamay nito. Hanggang sa nakarating na kami sa parking lot ay agad kaming pinasakay ni Ezekiel sa sasakyan niya.

Wanted: Mommy for hire [COMPLETED]Where stories live. Discover now