Chapter 27

11.7K 278 39
                                    

Update for those readers willing to wait for my story 😊😘

----------------------------

Stephanie's POV

Wala?

Nagpalingon-lingon ako sa paligid ng kotse pero walang bakas ng boc na sinasabi ni Alice. Nanlulumo akong naupo sa sahig ng kotse at saka nagsimulang umiyak. Akala ko malapit na ko sa katotohanan pero bakit? Bakit ganito?

" Step? You okay? " Pumasok na din si Damien pero kalahati lang ng katawan niya para alalayan akong lumabas ng kotse.

Umiling ako ng umiling saka humagulgol na parang bata. " Wala dito yung box, sigurado akong nandito yun Damien. Di ako pwedeng magkamali. " Hinatak ako ni Damien palapit sa kanya saka ako niyakap at tinapik-tapik ang likuran ko.

" Mahahanap din natin yon. Don't worry, I'll help you. " Hinarap niya ako sa kanya saka pinunasan ang mga luha ko.

" Teka, ano bang hinahanap niyo? Saka ang sabi mo Julia ang pangalan mo? Bakit Step ang tawag niya sayo? Niloloko niyo ba ako? " Pinunasan ko muna ulit ang mga luha ko saka humarap kay Alyza.

Mukhang wala akong choice kung hindi sabihin sa kanya ang motibo ko kung bakit ba talaga ako nandito. " Naaksidente ako five years ago pero wala akong maalala ni isa. Namuhay ako bilang Stephanie Ferrer, pero nagbago yun nang dumating sa buhay ko si Noah at Eziekel. Isa sa mga susi sa nakaraan ko yung box na nakatago sa kotse na 'to. Pero ngayon, mukhang mas naging mahirap ang sitwasyon ko. Ikakasal na si Eziekel kaya kailangan kong makasiguradong ako talaga Julia ayoko ng maranasan mawalan pa ng pamilya. " Paliwanag ko dito. Pero ramdam ko na naman ang agos ng luha sa mata ko. Nakatitig lamang sa'kin si Alyza na parang malalim ang iniisip maya maya pa ay nagbugtong hininga siya saka sumenyas na sumunod kami sa kanya.

Naglakad kami pabalik sa opisina niya at binigyan niya ako ng tubig para kumalma ako saka naman siya tumalikod. Si Damien naman ay nakaalalay pa rin sakin pero sinabi ko naman ng ayos na ko, pero makulit din si Damien at pikit akong pinapaupo sa visitors chair. Nag-uusap lang kami ni Damien tungkol sa nangyari kanina. Ayoko na sanang isipan pero lalo lang gumugulo sa isip ang mga nangyayari.

Nagulat kami pareho ng may nilapag si Alyza sa lamesa niya at laking gulat ko na makita ko ang box na hinahanap ko sa kotse kanina. Tumayo ako saka kinupirma kung yun nga ang hinahanap ko.

" P-panong--- " Pinutol ni Alyza ang tanong ko saka bahagyang ngumiti sa akin.

" How did I got that? Well, as you can see five years na sa'min ang kotse. Di naman namin alam ang balak ng may-ari diyan kaya pinakalikot ko sa tauhan ko. At aksidente niyang nabuksan yung pinagtataguan niyan. Don't worry di ko pinakialamnan yan kahit gusto ko rin. " Hindi ko alam pero awtomatikong lumapit ako kay Alyza at niyakap siya ng mahigpit. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong nagpasalamat sa kanya.

" Salamat Alyza. Sobra. " Ito na naman ang mga luha ko pero feeling ko hindi dahil sa sakit kundi dahil sa tuwa. Kinuha ni Damien ang box saka tumayo na rin ito. Nagpaalam na kami pareho kay Alyza pero bago pa man kami makalabas ay tinawag niya ulit kami.

" Oo nga pala. Naalala ko bigla, last two weeks may dalawang babae rin na pumunta dito at hinanap din ang kotseng kapareho ng hinahanap mo. Pero mukhang di sila mapagkakatiwalaan dahil na rin siguro sa sinabi ng isang babae na hindi daw pwedeng makita yung box na hawak ninyo. Kaya lalo akong naghinala at isa pa litrato mo ang una kong nakita ng binigay sakin yan ng tauhan ko kaya siguro ganon na lang ang tiwala ko sayo. " Ngumiti siya sa'kin pero siya namang pag-kunot ng noo ko. Dalawang babae?

" Alam mo ba yung pangalan nila? " Magtatanong pa lamang ako pero naunahan na ko ni Damien.

Tinignan ko ulit si Alyza at mukhang inaalala niya yung nangyari noon. " Tsk. Hindi eh pero hindi naman sila mukhang close. Di rin ako su-- Ah! Tinawag siya nung isang babae na L-lyn? Yun ata. " Lyn? Sinong Lyn? Pilit kong iniisip kung may Lyn ba kaming kilala sa bahay o miski sa opisina ng mga Javier.

Nag-iisip pa rin ako hanggang sa may pangalan na sumagi sa isip ko. Tinanong ko kay Alyza kung ayun bang pangalan na yun at um-oo si Alyza. Muli akong nagpasalamat at hinila na si Damien paalis at nagpahatid ako sa pabalik sa hotel. Tahimik ang buong biyahe namin ang daming tanong na pumapasok sa isip ko.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon pero mas nangingibabaw ang galit na nararamdaman ko. Pagkarating sa hotel ay bumaba na agad ako ng sasakyan bitbit ang kahon. Nakasunod naman sa'kin si Damien nilapag ko muna ito sa lamesa saka niligpit lahat ng gamit ko. Kailangan kong bumalik ng Manila, kailangan ko ng mga sagot sa napakarami kong tanong. Pagkatapos kong magligpit ay saka ko binalikan yung kahon sa lamesa. Umupo ako at saka binuksan ang kahon, puro litrato lang namin nila Noah at Eziekel ang nandito hinalukay ko pa ang pinakailalim hanggang sa may nakita akong maliit na recorder.

Play...

" Anong balak mo? "

" Edi yung matagal ko ng plano. You know how long i've waited just to finished this. "

" Pero kapatid mo siya, hindi ka ba nakokosensiya? "

" Kapatid? Wala kong kapatid. Ampon lang si Julia, kinuha na niya lahat ng atensyon ng magulang ko ngayon pati si Eziekel nagawa niyang agawin. Hindi na ko papayag ulit. "

" Kahit mapatay mo si Julia? "

" Kahit magkamatayan pa kaming dalawa. "

" Pero may anak sila. Pa'no si Noah baby pa lang siya. "

" Pwede naman akong kilalaning mommy ni Noah. Total sabi mo baby pa lang siya, wala pa siyang muwang sa mundo. "

" Pero Lilaine-- "

" Wag mo banggitin pangalan ko. Basta magiging akin si Eziekel. "

Lilaine. Bakit? Anong ginawa ko sayo? Five years akong naniwalang wala na kong pamilya. Pero lahat yon ng dahil sayo. Sisiguraduhin kong hindi ka magtatagumpay sa plano mo. Akin lang ang pamilya ko, akin lang si Eziekel.

Agad kong kinuha ang mga gamit ko saka dire-diretsong lumabas ng kwarto ko. Habang naglalakad ako ay may kamay na humawak sakin. It was Damien.

" Saan ka pupunta? " Seryosong tanong ni Damien. Pilit kong inaalis ang pagkakahawak niya sakin pero di niya ko binibitawan.

" Babalik na kong Maynila. Babawiin ko yung pamilyang sinira ng hayop kong kapatid. " Wala na kong pake kung ano pang mangyari. Basta ang nasa isio ko lang ang pamilya ko at ang kahuyapang ginawa ni Lalaine sakin at sa pamilya ko.

" Alam mong delikado St-- Julia. Nagawa kang ipapatay ni Lilaine noon, ngayon pa kaya? " Tumayo ako ng maayos saka hinarap si Damien.

" Ngayon pa ko aatras? Nalaban ko ang kamatayan ko noon Damien. At kaya kong labanan ulit yon mabuo lang ang pamilya ko. " Naramdaman kong binitawan na ko ni Damien pero nakatitig pa rin siya sa mga mata ko. Nagbuntong hininga siya at saka kinuha ang mga gamit sa kamay ko.

" Sasamahan kita. Alam mo namang ayokong napapahamak ka eh, simula ng nakita kita sa hospital naging responsibilidad na rin kita. Hindi lang bilang doctor mo, kundi matalik mong kaibigan. Kaya tara na buuin na natin ang dapat na buuin. " Hindi ko alam pero nagkusang tumulo ang luha ko, sa kabila ng lahat na nangyari sa buhay ko. Isa si Damien sa dahilan kung bakit nagpatuloy ako sa buhay, nung panahong walang wala ako. Si Damien ang laging tumutulong sa'kin. Siya ang naging saklay ko nung panahong hindi ako makapaglakad. Siya ang naging katulong ko sa oras ng pangangailangan.

" Damien, salamat. Salamat sa lahat. " Sambit ko paglabas namin ng elevator at habang naglalakad na kami pababa ng lobby.

" Welcome. Pa'no mo nakayanan lahat ng 'to Step-- I mean Julia. Di pa ko sanay na Julia ang itawag ko sayo, sorry. " Natawa ako sa sinabi niya. Pero miski naman kasi ako hindi pa ko sanay na maging si Julia ulit. Dahil hindi pa naman lahat ng alaala bumabalik sakin, kaya hindi ko pa alam kung paano mabuhay bilang si Julia at hindi bilang si Stephanie Ferrer.

" Paano? Siguro dahil na rin sa mga taong nandiyan palagi sa tabi ko. Mga taong hindi ako iniwan kahit kailan, kayong dalawa ni Rose. " Tumigil ako sa pagsasalita ng banggitin ko ang pangalan ni Rose. May mabigat akong naramdaman pero di ko ininda yon, mas mahalagang makausap ko na si Rose bago mahuli ang lahat. Tumingin ako kay Damien at binalik ko ang tingin ko sa labas bago magsalita ulit.

" At dahil binuhay ako ulit ng pagmamahal ko kay Eziekel. Ako man si Stephanie Ferrer o si Julia Javier. "

Itutuloy...

Wanted: Mommy for hire [COMPLETED]Where stories live. Discover now