Chapter 24

13K 332 14
                                    

Ito naaaaaaa. Enjoy reading guys.

----------------------------------------------

Stephanie's POV

Wala na kong nagawa para pigilan si Ezekiel sa pagsama sa'kin sa Ilocos. Ang balak ko sana ay ang tumakas kaso pagpunta kong parking lot naroon na rin si Ezekiel. Nag-isip pa ko ng magandang dahilan kung bakit alas tres ng madaling araw ako aalis.

Tumingin ako sa lalaking katabi ko dito sa loob ng kotse, saka ibinalik ang tingin sa labas ng bintana. Nag-iisip naman ako ng panibagong alibi para makaalis ako at mapuntahan ko yung sinasabi ni Alice na junkyard kung na saan yung kotse ni Julia.

Iniwan muna namin si Noah kay Alice, sakto lang ang pag-alis namin dahil umuwi sa France so Lilaine dahil may mga kailangan siyang asikasuhin don. Isinandal ko and ulo ko sa bintana saka ipinikit ang mga mata ko.

" Step, wake up. We're here. " Nagising ako nang marinig ko ang boses ni Eziekel. Idinilat ko ang mga mata ko, pero agad ko ring ipinikit dahil sa sinag ng araw.

Pinagbuksan ako ni Eziekel ng pinto, at tinulungan niya din akong makababa ng kotse. Nilibot ko ang paningin ko sa lugar, napagdesisyunan namin ni Eziekel na sa hotel na lamang kami tutuloy ng mahigit isang linggo. Si Eziekel ang nagbuhat ng mga gamut namin, hindi naman marami iyon. Isang malaking bag lang ang dinala ko at isang shoulder bag para may lalagyan pa din ako ng gami kapag umaalis ako.

Dumiretso na kami sa lobby at agad naman kaming in-assist doon. Lumapit kami sa reception area upang mag check in. " Good morning ma'am, sir. How may I help you? " Bati ng lalaking receptionist sa amin.

Kinuha ko ang I. D ko at inabot sa receptionist. " Room for two, please. " Kinuha naman ng lalaki ang I.D ko.

" Ma'am sorry, but we only have one room left. " Napanganga ako sa sinabi ng receptionist nang sabihin niyang isa na lang ang kwarto.

" What? Isa na lang? Can you double check it? " Pakiusap ko. " Wala na po talaga ma'am. It's a Christmas season at marami na po kasing nagpareserve. " Lukot ang mukha kong kinuha ang ID ko saka tumalikod, saan pa kami pwede mag check in?

" Okay, we'll take it. " Nagulat ako ng magsalita si Eziekel. Pagharap ko at naibigay na niya ang I. D at credit card niya sa receptionist. " Are you insane? Isang kwarto na lang saw ang available Eziekel. " Wag niyang sabihin--

" I heard it. And I said we'll take it. No more buts, end of conversation. " Ma-awtoridad niyang utos. This is supposed to be my vacation-slash-mission. But this guy aarrrrrgh!

" Pero-- " Naputol ang sasabihin ko ng tignan niya ko. Wala na naman akong nagawa at siya na naman ang nasunod.

Nauna na kong maglakad papunta sa elevator, naramdaman ko naman na nakasunod lang sa akin si Eziekel. Siya na rin ang pumindot ng number 10. Ni isa sa amin walang nagsasalita, parehas kaming walang kibo hanggang sq marating namin ang 10th floor. Binigay lang sakin ang card na nagsisilbing susi ng hotel room namin, saka kami nagpatuloy sa paglalakad. Room 1014 nasa bandang dulo ito. Ako na run ang nagbukas ng pinto dahil si Eziekel ang nagbitbit ng mga gamut namin.

Pagbukas ko ay para akong pumasok sa kwarto ng hari. VIP lounge ang nakuha namin ni Eziekel, para lang kaming nasa bahay. May sofa, flat screen T. V, may kusina din sa kaliwang bahagi nito at sa may tabi nito ang banyo. " Wow. " Yan na lang ang nasabi ko ng pumasok ako sa banyo. May bathtub at Jacuzzi ito, parang gusto ko na tuloy agad tumira dito. Naglakad ako palabas ng banyo, nakita ko Ezekiel na nakaupo lang sa sofa. Dumiretso ako sa kwarto, pagbukas ko ng pinto halos lumuwa ang mga mata ko sa nakita ko. Feeling ko pumasok ako sa isang kwarto ng hari. Lumapit ako sa kama na may mga rose petals na nakakalat. Maging sa paligid nito at meron din.

Wanted: Mommy for hire [COMPLETED]Where stories live. Discover now