Chapter 20

17.1K 388 10
                                    

Stephanie's POV

Nagising ako ng maramdaman kong may nakahawak sa pisngi ko. Dumilat ako para makita kung sino iyon. Bakas ang lungkot sa mga mata niya, umupo ako para mapantayan ko siya. " Good morning mommy. " Nakangiti pero hindi masiglang bati ni Noah. Hinahaplos niya ang mukha ko na para bang kinakabisado niya ito. Dalawang araw na ang lumipas simula ng mangyari yung sunog, at dito ako lagi pinapatulog ni Noah sa kwarto niya. Hindi siya makatulog kapag hindi ako ang katabiniya sa pagtulog kaya napagpasyahan ko na dito na muna ako matulog hanggang sa maka-recover si Noah.

" Good morning too baby. How's your sleep? " Tanong ko rito.

" Not good, I had a bad dream last night. You were holding me but tita Lilaine took me from you. " Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Lilaine sounds familiar, parang narinig ko na 'to kung saan. Pero kung pipilitin kong maalala malamng ay sasakit na naman ang ulo ko.

" Really? Don't worry baby, hindi ko hahayaan mangyari 'yon. Mommy will always be here to protect you. " Ani ko habang hinahaplos ang napaka-chubby niyang pisngi saka ko siya halikan sa noo. " Let's go downstairs? " Wika ko. Sumiksik naman siya sakin at niyakap ako bago magsalita.

" how about daddy? " Tanong pa nito. Inilayo ko siya sakin saka hinawakan yung mabilog niyang pisngi. Ngumiti ako na pinapahiwatig ko sa kanyang wala dapat siyang katakutan. " It will be okay. " Tumayo na ko para makapaghanda na kami, pinaliguan ko na muna si Noah at ako naman ang sumunod na naligo sa kwarto ko.

Bumaba na kami ng hagdan at dumiretso sa dining area, pagpasok namin ay wala doon si Eziekel. Marahil ay maaga itong pumasok dahil marami siyang naiwan na trabaho dito sa Manila.

" Mommy, where's daddy? " Tanong nito nakatingala siya sa'kin. Hawak niya pa rin ng mahigpit ang kamay ko, pero mas kalmado na siya ngayon kaysa kanina.

" Ayy nako hindi pa nga bumababa kanina ko pa kinakatok kaso mukhang malalim pa ang tulog. " Sagot ni manang Isang. Tumingin ako dito. Si Eziekel? Tulog pa rin, anong oras na ah late na siya sa trabaho.

" Ganon po ba? Sige ho, gigisingin ko na lang po siya mamaya. " Nilingon ko ulit si Noah, saka ko siya sinandukan ng pagkain. " Oh eat na and after that do your homework, okay? " Nginunguya niya yung pagkaing sinubo niya bago tumango.

" Yesh, mommy. " Nginitian ko siya saka kumain na rin ako.

Pagkatapos namin kumain ay pinaakyat ko na si Noah sa kwarto niya para sagutan ang mga hand outs na hiningi ko, hindi ko muna siya pinapapasok dahil may mga galos at paso siya sa braso dahil sa sunog na nangyari noong isang araw, kailangan rin niyang magpahinga, kahit papano ay na-trauma si Noah sa nangyari, kaya humingi na muna ako ng hand outs sa school ni Noah para kahit papano ay hindi siya nahuhuli sa klase. Pagkatapos ay bumaba ako para tulungan si manang Isang sa pagligpit ng mga pinagkainan namin.

Ako na rin ang naghugas ng mga pinggan habang si manang ay naglilinis sa sala. " Oh Stephanie, tinatawag ka na ni Noah. Mukhang tapos ng magpapatulong sayo sa gawain niya. " Um-okay na lang ako kay manang saka nagpunas ng kamay. Paakyat na sana ako ng hagdan ng mag-ring yung telepono, tinignan ko si manang na busy sa pagpupunas ng mga hinugasan kong pinggan. Kaya lumapit na ko kung na saan ang telepono saka sinagot iyon.

" Hello? "

" Hi! Good morning nandiyan ba si Eziekel? " Tanong ng nasa kabilang linya.

" Amm sino 'to? " Tanong ko.

" Oh I'm Lilaine, Eziekel's Fiancé. So nandiyan ba siya? " Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya. Fiance? Bakit parang may kumirot sa dibdib ko? " Hey! Still there? " Tanong nito.

Wanted: Mommy for hire [COMPLETED]Where stories live. Discover now